Featured Post

Angry Duterte response to Delima

Monday, December 19, 2016

Duterte Inaming Pinaglalaruan ang Media!


Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinaglaruan niya ang media kaugnay sa kasalukuyang estado ng kanyang kalusugan. Sinabi ito ni Duterte sa kanyang pagdalo sa birthday party ni Senador Manny Pacquiao kahapon (araw ng Sabado).

Ayon kay Duterte, minsan ay pinaglalaruan lamang niya ang media dahil kung ano ang kanyang sabihin ay kaagad na kukunin at ibabalita. Inihalimbawa nito na nabanggit lamang niya na may sakit siya at naging headline kaagad ito. Matatandaang inihayag ni Duterte na nakararanas siya ng migraine araw-araw, mayroon ding Buerger’s disease dahil sa paninigarilyo noon at spinal issues dahil sa pagkakahulog niya sa motorsiklo.

Sinabi ng presidente na kuntento na siya na bahay o kaya nama’y pupunta sa After Dark na kanyang paboritong lugar sa Davao City. Sa kabila nito, sinabi ng Palasyo na wala raw seryosong karamdaman si Duterte, taliwas sa mga kumakalat na balita na siya’y may cancer. Pero hamon ng ilang mambabatas sa pangulo, ilabas ang kanyang medical records dahil ang kalusugan ng pinakamataas na lider ng bansa ay isang national concern.

http://www.newstrendph.com/2016/12/duterte-inaming-pinaglalaruan-ang-media.html

No comments: