Featured Post

Angry Duterte response to Delima

Tuesday, December 27, 2016

HOPELESS. KAWAWA TALAGA TAYO.

Itong nangyayari sa Pilipinas na ang mga elitistang Oligarkiya ang naghahari-harian yung proof that 400 years later hindi pa rin natin ma realize what the colonizers of the Philippines wanted the Philippines to be where it is today.

Gusto nila manatiling watak watak ang mga Filipinos para never tayo magkaisa, never tayo mag aspire na maging isang unified na bansa. They wanted us to for ever think that our provinces (localities) come first before the interest of the nation.

The colonizers wanted us to always regard them as superior to us and always bow to whatever they say. Gusto nila for ever tayo aasa sa kanila and never really depend on our own selves. Yan ang consequence: Oligarchy controlled vis-a-vis colonial mentality.

Tapos gusto natin Freedom and Democracy? Punyeta! Mga hipokrito tayo. Magpakatotoo ka. Gusto natin ibang tao ang gagawa para sa atin pero ayaw natin tanggapin ito.

Saan ka makakita ng isang lahi na halos lahat walang malasakit sa kanyang kapuwa, tapos Christian o Catholic pa kuno. Pero ang karamihan parang demonyo ang asal. Sus sino niloloko natin?

Feeling magaling, puro yabang, puro satsat. Karamihan ng mga politiko nanalo dahil popular, mayaman o part ng political dynasty (aka promotor ng drug syndicates at lahat ng uri ng krimen sa buong bayan).

Ayaw ng real talk dahil masakit ang katotohanan. Pero yan ang katotohanan. Ayaw mamulat ang mga bulag at patuloy lang nagtatanga-tangahan.
Hopeless. Kawawa talaga tayo.

Raffy Gutierrez

No comments: