Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, April 7, 2011

YAGBOLS.. B...G, TESTICLES = BUTAS ANG BULSA!

Mga Kakabsat, Kabalen, Kabayan, Kasimanwa, Bugtitinay, Kalahi:

Ano ba naman kayo? Kung sa sariling wika; malaswang bigkasin o ibaybay (spell out)! Bakit sa wilang sarile, eh, takot?

Kung dumudukot, at butas ang bulsa eh yag... bols ang nakakapa!

Sa madali't sabi, ang kahulugan ng mga itinatagong salita ay ... bayag, itlog, testicles. Hindi dapat ikahiya; dahil kaloob ng Maykapal ang mga iyan, at sagradong bahagi ng ating katawan... ng pagka-lalake.

Nahirati ang mga naunang kalahi natin na iwasang bigkasin, o salitain sa pormal na pag-uusapan ang inakalang kabastusang sabihin. Paano yayaman ang ating wika kung sa ganyang paraan tayo'y magiging kimi at takot?

Huwag kayong magtatawa; iyan ang katotohanan.
Maligayang panahon sa lahat!

Nagpupugay, at matapat.....

Irineo Perez Goce (aka) Ka Pule2
pseudonym: leonidasagbayani
Laong Laan :: 185, Quezon City
Lodge Perla del Oriente No. 1034, SC
Quezon City Bodies, A&ASR
CL: Lungsod ng LIPA, Pilipinas

No comments: