Featured Post

Duterte announces: "We are being sabotaged" - Let's brace ourselves for massive demonstrations ~SHARE

I had a creeping suspicion that the deaths of Kian, Arnaiz, and Kulot were part of a conspiracy to bring down the government of Presiden...

Saturday, August 26, 2017

Aguirre kay Hontiveros: ‘itigil na ang pagda-drama, baka tawagin kang ‘drama queen’

Bumuwelta ngayon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pagtawag sa kanya ni Sen. Risa Hontiveros bilang “areglo king.” Una nang sinabi ni Hontiveros na mula umano sa pagiging “fake news king,” naging “areglo king” na rin si Aguirre. Pero hinamon naman ni Aguirre ang senadora na ilabas ang pangalan ng mga personalidad na umano’y kanyang inareglo. Nanawagan din ang justice chief na itigil ni Hontiveros ang pagda-drama para hindi siya mabansagang “drama queen. ”

Maalalang nagpahayag ng pagkabahala si Hontiveros na sapitin din umano ng kaso ni Kian Delos Santos ang kaso kaugnay ng pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Senior dahil mula sa kasong murder ay naibaba ito sa homicide.

Kaugnay naman ng panawagan ni Hontiveros na siya ay mag-inhibit sa kaso ni Kian, may dagdag na pasaring si Aguirre nang sabihin niyang kulang sa kaalaman ang senadora kaya bira na lamang nang bira. Dumipensa si Aguirre laban sa mga patutsada sa kanya ng senadora dahil ang preliminary investigation sa alinmang kriminal na reklamo ay hindi naman niya hinahawakan.

http://www.phpublictrending.com/2017/08/aguirre-kay-hontiveros-itigil-na-ang.html

No comments: