Featured Post

MABUHAY PRRD!

Sunday, March 28, 2010

Pagbitay sa OFW na si Flor Contemplacion ginunita

MANILA – Nagsagawa ng protesta sa Mendiola, Maynila ang grupo ng mga migranteng manggagawa nitong Miyerkules upang gunitain ang ika-15 taong pagbitay sa overseas Filipino worker na si Flor Contemplacion sa Singapore.

Si Contemplacion ay binitay noong Marso 17, 1995 matapos hatulang nagkasala sa pagpatay sa kababayang si Delia Maga at sa inaalagaan nitong Singaporean na si Nicholas Huang, apat-na-taong gulang.

Pinangunahan ng grupong Migrante International, kasama ang mga OFW at mga kamag-anak nito ang isinagawang protesta sa Mendiola (malapit sa Malacanang) upang ipaabot ang pagkadismaya kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagpapabaya umano sa kapakanan ng mga migranteng manggagawa.

“Fifteen years after the nation was galvanized into protest action by the hanging of a Filipina domestic helper in Singapore, the plight of OFWs has turned for the worse. Under the Arroyo government, appalling stories of abuse in foreign lands and the government’s neglectful response have become everyday stories," batikos ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante.

Kasama sa protesta ang mga caregiver na galing sa Middle East at nagprotesta kamakailan sa harapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang ireklamo ang kanilang sinapit sa kumpanyang kumuha sa kanila.

Ayon kay Martinez, sa ilalim ng siyam na taong panunungkulan ni Arroyo ay umabot sa anim na OFW ang nabitay sa ibang bansa dahil sa kabiguan umano ng gobyerno na mailaban ang kanilang mga kaso.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Aabot din umano sa 26 na OFWs ang nasa death row sa Middle East pa lamang, at daan-daan ang nakapiit sa iba’t-ibang bansa.

Kasabay nito, hinamon ng grupo ang mga tumatakbong pangulo sa darating na halalan sa Mayo na ibasura ang OWWA Omnibus Policies na nabuo sa ilalim ng liderato ni Arroyo.

“The OWWA Omnibus Policies, enacted two years after Arroyo was seated, made OFWs into virtual milking cows. These policies drastically limited the assistance that they can receive, for instance only providing for repatriation in case of emergencies, wars or disasters," ayon kay Martinez.

Tinataya ni Martinez na aabot sa P63 milyon bawat araw ang kinikita ng pamahalaan sa mga umaalis na OFW dahil sa ibat-ibang sinisingil. Kabilang na rito ang mandatory $25 OWWA fee para sa mga dokumentadong OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Umaabot umano sa 4,500 (kabilang na ang mga hindi dokumentado) ang bilang ng mga OFW na lumalabas ng Pilipinas araw-araw. Noong nakaraang taon, halos 2 milyong OFWs umano ang naipadala sa ibang bansa, ayon sa Migrante.

“For those aiming to become the next president, heed our call; only long term-domestic job generation based on genuine agrarian reform and development of local industries is the only way out of the vicious cycle of exploitation caused by the labor export program," panawagan ni Martinez. -
GMANews.TV

No comments: