Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, February 2, 2012

Para sa mga nagmamahal sa Philippine Football

Ang Pilipinas kailangan ng magandang football grassroots program. Bukod sa professional league, kailangan natin ng solid football program from the grassroots level. Nakita naman natin kung ano nangyari sa Under 23 ng Pinas against Vietnam Under 23. Sobrang layo ng agwat nya. Ngayon ang daming mga nagdudunong-dunongan kung sino ang mga dapat sisihin, sino ang tatanga-tanga, sinong boplaks, sinong bopols, putanginang gago at burat. Kung sino-sino ang sinisisi kahit yung mga kawawang players nasisi rin.

Wala tayong karapatang manisi dito. Akala kasi ng iba porke sumikat at nag improve ang senior team, mag rereflect itong improvement na ito sa Under 23. Na dahil sa attention na natatanggap ng football NGAYON, ay powerhouse na tayo kaagad dito sa region natin sa South East Assia. Hold your horses, mga ulol. Minnows pa rin tayo. Bobong band wagon lang ang mag aakala na power house na tayo ngayon. Panoorin nyo ulit ang Vietnam vs Philippines Under 23, masdan ang off the ball movements ng mga players ng Vietnam, kung paano sila umatake, paano nila i-exploit ang weakness ng depensa natin, at kung paano sila hindi nagmadala at cool na cool na umiskor ng goal. Kung hindi dahil sa keeper natin sigurado akong 7-1 ang iskor.

Alam kong may mga bobong tanga dyan na nag aakala na ang Philippine football ay mag iimprove lang sa pag recurit ng Euro based Pinoy. Paano naman ang mga bata? Aanga-anga na lang ba? Mag mumukhang banban at inadequate na lang pag dumating ang isang Pinoy na galing sa isang Division II club sa Germany?

Pinapanood ko ngayon ang Philippines vs East Timor. Ano masasabi ko? Long ball pa rin ang style natin, pulpol ang first touch, butas ang depensa na laging nagkakandarapa pag inaatake na. Ang East Timor naman may touch passing, swabe ang first touch, organized sa counter attack, cool na cool lang sila hindi nagmamadali at hindi natataranta. Tingnan mo naman sila na unang naka-goal habang sinusulat ko ito. Pero hindi tayo dapat magalit, hindi dapat magmura at manisi kasi ang mga kalaban nila mga seasoned vets na kumpara sa mga players natin. ANG EAST TIMOR UNDER 23 KARAMIHAN AY NANGGALING PA SA UNDER 13 TEAM NILA.

Oo, sa under 13s sila ay nakikipag laban sa mga ka-level nila dito sa South East Asia. May mga tournaments para sa age group na ito. Assess mo mga player mo sa level na ito, kung ano ang playing style nila, athletic abilities, strength at playing acumen. Isasali dapat sa regional tournaments para sa Under 13s, Asian Championship Tournament, at Under 13 World Cup. Dapat din bigyan ng proper attention at mag focus ng maigi. Dapat may individual coaches din kagaya ng goal keeper coach, midfield coach, coach para sa forwards, at coach para sa defenders. Yang si Gener dapat mag retiro na yan at i-appoint na coach ng grass roots. Tanda-tanda na dapat wala na sa senior team yan.

Ok pinapanood ko pa ang laro at napapansin ko na ang midfield natin ay nabubuhay na. Maganda ang pasahan at pagbasa sa laro ng isat-isa. Si Matthew Hartmann lang ang mahilig mag long ball sa ngayon dahil sa tingin ko siya ang pinaka banban dito. Ang isang player nag lolongball kapag burat ang vision - hindi nya makita mga kakampi nya, madali syang mataranta, hindi nya mabasa ang galaw ng mga kakampi at kalaban nya. Kaya hoof ball, dahil banban.


Pagkatapos ng Under 13, aakyat ang mga players na ito sa Under 14s. Tulad ng dati may regional tournaments ito sa South East Asia. Ang coach pwedeng mag swap ng position ng players kasi habang tumatagal mag iiba style nya, or may makikita ang coach ng may bagong qualities pala kagaya ng strength, height (yes, tumatangkad!), agility. Meron ding mga banban talaga, or magkakaroon ng matinding injury at ito ang mga ilalaglag sa team. Pero patuloy pa rin ang paghahanap ng players na mag fill in sa position na mawawala. Mag invite din ng mga players na naglalaro overseas, makakatulong ito para sa development nila sa clubs nila at maibabalik din nila yan pag progress na sila sa program.

Kaka-score lang ni Oj Porteria. Ganyan dapat pag may pasensya ka, pasa lang ng pasa hanapin ang weakness ng depensa. Wag yang hoof ball na yan.

Pagkatapos nila sa Under 14s, level up na sa Under 15s, sali ng regional tournaments, Asian championships at World Cup para sa age group na yan. Patuloy ito hanggang Under 16s, 17s, 18s, 19s, 20, 21. Hindi ako sigurado kung may under 22 pa ba pero sa tingin ko under 23 na kaagad kung saan hihimayin sila, at itatapon ang mga boplaks. Sa Under 23 dapat silang isabak sa Asian Games at Olympic Qualifiers. Pag pasado, pasok sa senior team.

At yan po mga kababayan ang solid grass roots program ng The Sick Man of Asia. Wag nyong sabihin PFF na wala tayong pera. Tanginang yan ang East Timor bagong bansa lang yan, pero may solid na grass roots program yang mga yan.

And if its any consolation, karamihan sa Under 23 players natin ay under 20. Kaya ngayon pa lang binibigyan na sila ng importanteng experience. Good, pero PFF dapat gawin nyo pa rin ang trabaho niyo. Ayusin niyo ito. Marami nang mga bata ngayon ang naglalaro ng football, marami na ang nag eenroll sa football academies sa Pinas, kaya dapat supportahan nyo ang mga bata. Wag papalpak. Ayusin nyo PFF ang trabaho nyo. Mag establish kayo ng magandang youth system.

At para sa mga football lovers dyan... kapit bayan, kapit! Piss off mga bandwagon!

No comments: