Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, February 2, 2012

Kabaduyan ng Pinoy

Tingnan mo itong si Manny Pacquiao talagang lumabas ang pagkabisakol. Pangalan ng anak nyang babae Queen Elizabeth. Tapos ang lola mukhang queen ng mga amoy baktol.

Ano bang naisipan ng gagong ito at ganyan ang pangalan na binigay nya sa anak nya?

Dapat bitayin talaga ang mga new generation ng Pinoy. Nakakaburat talaga sila pagdating sa pagbibigay ng pangalan sa mga anak nila. Nababaduyan talaga ako napaka try hard ng dating sa pagpili ng pangalan ng anak nila. Fancy mashado para sa atin at talagang hindi bagay. Try hard talaga ang dating.
Kelan lang may nakita ako sa facebook may kakilala akong nanganak. Dami pang comments galing sa ibang mga kaibigan nya para mag congratulate sa kanilang bagong bundle of joy. At ano pangalan ng anak nila? Liam Kyle. Tangina tapos ang apilyido Cabungtong (iniba ko ang apilyido para sa protection ng kanilang pribadong buhay). Kahit spanish sounding ang last name ang corny pa rin ng dating. Baket ba ganto kultura natin talagang fucked up at burat-burat na? Liam Kyle? Tangina!
Baket wala na ngayong gumagamit ng mga spanish na pangalan? Nababaduyan siguro itong bagong henerasyon ng mga baduy dahil pang lolo at lola lang ang mga ganong pangalan kaya pumipili sila ng Anglo Saxon na pangalan, para naman class ang dating nitong future pobre na pala-asa sa kanila. Magpayaman kayo para siguradong may kinabukasan yang si Liam Kyle Cabungtong dahil ang sagwa naman kapag janitor lang ang mahanap na trabaho nyan paglaki. Hoy Liam Kyle tawag ka ng supervisor mo linisin mo pa daw yung tae sa womens toilet sa 5th floor! Tangina ganda ng pangalan mo pa naman.
Colonial mentality ang sakit ng Pinoy na hindi na talaga magagamot dahil wala namang ospital sa sakit na ito eh. At lalong lumalala itong colonial mentality na ito. Tingnan nyo pangalan ng mga bagong panganak na mga sanggol ngayon, pansin nyo ba kung gaano ka fancy na ngayon mga pangalan nila? Yung mga bata na pinanganak noong 60s hanggang 80s mga common na Western names lang ang makikita nyo. Mga Michael, John, Peter, Albert, Shiela, Michelle, Joan. Ngayon may mga Chester, Brad, Chloe, Amber na! Tangina pa-try hard na ng pa try hard ang mga unggoy ngayon!
Tangina may nakita nga ako sa may amin pangalan nya Tiffany, tapos mukha namang manggagamot. Ang bagay na pangalan dyan Felicidad. Hindi pa ako magugulat pero putangina Tiffany? Tapos pag titingnan mo parang may alam sa mga kababalaghan, yung nahahati ang katawan pag bilog ang bwan! Tangina try hard ang mga putangina! Dyan ako naiinis pag nagpupunta ako ng ospital at sinisilip ko mga bagong panganak at kung ano anong mga pangalan ang nakikita ko!
Pati prutas at pagkain walang kawala sa mga Pinoy. May Apple, Peaches, Honey, Cherry, Cherry Pie!
Nagiimbento pa ng mga pangalan ang mga anak ng burat! Habang nakasakay ako ng jeep, may isang bata kasama ang yaya nya. Nakasabit ang ID nya at nabasa ko pangalan - JETMARK! Anong klaseng pangalan ito? Nainis talaga ako parang gusto kong ihagis ang sarili ko habang nakasakay ako sa jeep. Parang gusto kong tapusin na lang itong buhay na ito. Sa ibang bansa pinag iisipan ng mabuti ang pagbibigay ng pangalan sa magiging anak nila. Maingat sila pagdating dyan dahil ayaw nila na maging dahilan ng pangbu-bully sa mga anak nila ang nabigay nilang pangalan. Ogag lang ang magulang na magpapangalan ng Jetmark sa kawawang anak nila. Siguro sobrang yabang pa ng mga amoy baktol na ito akala nila sobrang ganda ng pangalan na naibigay nila sa anak nila.
Kawawa naman!
Yung mga Chinoy naman dahil sa tindi ng galit nila sa mga Pinoy, dahil na nga sa pang aalipusta sa kanila noong panahon ay diring-diri sila sa atin. Sobrang suklam sila sa atin na ayaw nilang matutunan ang kultura natin. Ayaw nila ang salita natin, ayaw nila ang pangalan natin. May mga magagaling silang football players noon na good enough para sa national team pero hindi sila sumasali. Dahil ayaw nilang matawag na Pinoy. Hanggang sa pagbigay ng pangalan sa mga anak nila siniguro nila na hindi sila mapapagkamalang Pinoy. Kaya ang dami mong makikitang mga Chinoy na may Christian names na Woodrow, Wilson, Stevenson, Neville. Bihirang-bihira na may Filipino sounding name ang isang chinoy, dahil mas preferred nila ipangalan mga anak nila after a famous American at hindi sa miyembro ng pinakamayabang, hambog at kupal na mga tao. Hindi natin sila masisisi.

No comments: