Featured Post

MABUHAY PRRD!

Tuesday, February 14, 2012

ENGLISH IS THE BANE OF RP'S SOCIO-ECONOMIC AND CULTURAL LIFE


The tragic part in our country's latest electoral exercise was that too many voters committed the grave mistake of electing into the nation's lawmaking body so many renegades, if our hero, Dr. Jose Rizal's admonitions in the Seventh Chapter of El Filibusterismo were to be considered.

All well-meaning (remaining) legislators and cause oriented groups should work together and rally full support behind the proposed legislation of Rep. Magtanggol Gunigundo, which will truly pave the way for socio-cultural emancipation of our country from the economic apron-strings of the USA.
:
TRANSFORM EDUCATION;
TRANSFORM PHILIPPINES

Reconstruct and Rebuild our Damaged National Edifice!

Pinagpipitaganang Mga Kalahi
At Kapatid sa Inang Bayan:

Mataimtim na Panawagan

More especially to the youth who are the "fair hope of our Motherland," according to our hero, Dr. Jose Rizal.

Let us be guided by the following:

1. In the 7th Chapter of the novel, El Filibusterismo, our hero counseled thru Simoun: "Any nation which uses a borrowed language is an accursed race on the face of the earth -- (Ang alinmang bansang hiram ang salita ay lahing walang palad sa balat ng lupa)".

2. Sa kanyang "Liham sa Mga Kababaihan ng Malolos" ay tinutulan din ni Rizal ang kanilang petisyon sa mga namamahalang Espanyol na ituro ang salitang Kastila sa mga paaralan.

3. Nung musmos pa siya ay sinulat niya ang tula: Sa Aking Mga Kababata at doon ay sinabing: "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mahigit sa hayop at malansang isda."


MOREOVER:

Let us search for, collect, polish, conserve, and bring altogether the scattered stones, ashlars, and whatever, of our demolished, and unhappily, erratic country's history, left behind in shambles by our former colonizers, in order that we may reconstruct or rebuild our "damaged culture", and devastated national edifice.

Hindi magiging kalabisan marahil, at kung tutuusin ay siyang dapat na mangyari at isagawa; ng maraming mga Kapatid-Sa-Lahi nating may sapat na talino at kakayahang mag-akbay-balikat at manaliksik sa mga aklatang publiko (research in public libraries) -- sa USA, sa Japan, sa Hong Kong, sa Madrid, sa Barcelona, sa Mexico, sa Cuba, at maraming iba pa -- upang saliksikin ang mga sangkap na bato, o silyar ng nangagkalat na mga sangkap ng ating pambansang kasaysayan.

Sa USA, unang-una, ang tinawag ng mga nanakop na US Army na documents, o "Insurgent Records" na na-agaw o nasamsam sa nalupig na Katipuneros; sa Guam, kung saan ipinatapon ang mga Pilipinong naghimagsik laban sa pananakop ng USA, sa pangunguna nina Apolinario Mabini at Artemio Ricarte; sa Hong Kong, ang putaputaking ulat (fragments of news reports) kaugnay ng ipinatapong (exiled) mga lider -- sina Aguinaldo, atbp. ng Katipunan, kaugnay ng Pakto sa Biak-na-Bato; at mga rekords nina Galicano Apacible at Mariano Ponce; ang mga ulat ni Felipe Agoncillo mula sa Paris; sa Japan, ang mga makabayang artikulong sinulat ni Heneral Artemio Ricarte -- ang tanging Pilipinong hindi napailalim, o sumuko/sumumpa sa watawat ng USA; at ibang mga bansa pa rin sa Europa.

Nagkalat, o laganap na ang ating mga Pinoy US Navy retirees (kahi't pa man sila'y hindi na Filipino citizens), at iba pang mga kalahi nating naghahanap-buhay sa iba-ibang mga lupalop, na pwedeng sustinihang magkatulung-tulong sa pangangalap ng hiwa-hiwalay na mga hibla ng ating kasaysayan. Ang research o pananaliksik ng mga iyan ang dapat pag-ukulan ng malaki, o sapat na suportang badyet ng ating pamahalaan.

Ideya lamang po iyan, mga Kapatid. Upang tipuning matiyaga ang mga bato o silyar na magagamit sa pagbuo/pagtatayo ng panibago at matipunong gusaling bansa (national historical edifice).

Ang mga iyan ay siyang gamiting aralin ng ating kabataaan, sa halip na kung anu-anong mga pambasurang literatura at mga pelikulang banyaga ang patuloy na mga palabas sa ating mga TV -- at kinukunsinti ng MTRCB -- na lubhang nakasisira sa moralidad at pambansang pag-uugali.

Ang heograpiya ng bansa ay isang aralin na dapat at lubhang kailangang ituro pa rin sa mga mag-aaral; bagay na mag-uugnay sa damdamin ng mga mamamayan sa hiwahiwalay nating mga pulo, upang malinang ang damdamin ng pambansang pagkakaisa.

Nakatatawang- nakaka-inis/iyak nung minsang mayrong isang tanyag nang reporter nanagsabing ang Lungsod ng Zamboanga ay nasa eastern Mindanao! Nakakahiya!

Marami pa sanang nais sabihin ang inyong Kapatid na hindi na tumatanda; nguni't baka hindi na kayo matunawan ng kinain. Tama na muna; at sa susunod na kabanata.

Bahala na kayong magpaumanhin sa mapupusok na mga kinatkat nitong simple, nguni't mapag-isip na Filosopong-Gubat.

Hanggang sa muli,

Irineo Perez Goce -- a.k.a. Ka Pule2
Lungsod ng Lipa, PILIPINAS

No comments: