Featured Post

MABUHAY PRRD!

Friday, June 17, 2011

MATAIMTIM NA DALANGIN PARA SA KAPAYAPAAN

Kaming mga Nagsusulong ng Kapayapaan at Katarungan na naglipana sa buong Pilipinas at sa daigdig -- nangagkalat, laksa-laksa, sa malalayong sulok na mga bansa sa mundo -- lahat ay mataimtim na dumadalangin para sa kapayapaan at katarungan sa pinakamamahal naming lupang hinirang.

Ang sandatahang salungatan sa pagitan ng Marxist at Maoist na rebeldeng mga grupo sa isang panig at ang militar at wangis-militar na mga pwersa ng pamahalaan, sa kabilang panig, ay patuloy na naganap sa mahigit pang kalahating siglo. Iyon ang isa sa pinakamalawig na pag-aalit sa mundo. At walang natatanaw na magiging wakas.

Sa mula't-mula pa, 'di na mabilang na mga buhay ang nangasawi sa magkabilang panig at gayundin sa mga mamamayang sibilyan. Ang kabataan sa ubod pa ng kanilang mga buhay ay naging mga martires sa layunin. May mga batang paslit na nasawi sa palitan ng magkabilang mga pamamaslang. Higit pang libu-libo ang nangawalan ng tahanan at ariarian -- mga lupain at pinagkukunan ng ikinabubuhay, nagiging kahambal-hambal ang buhay, may mga naunsyaming pangarap, napabayaan at naglaho nang lahat. Pagdaralita, kawalang edukasyon, kagutom at kasakit sa kalusugan ang kaulayaw; mga imprastrukturang kinasasaligan ng aming kabuhayan ay nangasira o nawasak, at humahadlang sa kaunlaran ng pamumuhay.

Aming nauunawa, at kami'y nakikiramay, sa hinagpis ng mga rebeldeng grupo. Naitutulak sila sa pagpaparumamay at kawalang-pagasa, kinaitan sa maraming mga pagkakataon, na maka-abot sa demokratikong paraang maihinga ang kanilang mga mithiin, dili kaya'y winalang bahala, at sa ilang mga pangyayari ay tinikis na linlangin at inapi pa mandin.

Sukdulan pa, silang mga itinalaga nating tagapangalaga sa ating mga mamamayan ay sila pang nagmalupit sa kanila.

Nauunawaan din namin ang paninindigan ng gobyerno na magsanggalang sa kanyang karapatang legal na mamahala, kung bagaman batid rin naming sa ilang mga kaganapan ang mga bawig ng lakas pulitikal ay natamo sa mga paraang pandaraya at ginamit, kaagapay ang pwersa ng militar, na pilitin at sugpuin ang mga maralita, ang mga mangmang at ang hindi makaboboto.

Kumakaharap sa malawakang mga problema mula sa loob -- karalitaan, korapsyon, mahinang edukasyon, kulang na pag-aruga sa kalusugan, kakulangan sa pagkain at kagutom -- at sapilitang mga paligsahan, maging mga sapilitang pang-aapi, mula sa labas bunga ng pandaigdigang kaayusan, itong kalagayan na paulit-ulit na tagisan ng lakas sa sandata ay nakapupusyaw sa aming kakayahang maka-usad tungo sa makabuluhang kaunlaran sa ating mga suliraning panloob at makitalad na makabuluhan sa ibang mga bansa. Aming ipinakikipag-sapalaran ang kasalukuyan at ang hinaharap.

"Ang tahanang nahahati laban sa kanyang sarile ay magigiba."

Dapat nating isa-ayos ito ng minsanan at panglahat upang makausad tayo bilang isang bansa. Bawa't panig ay may kanikanilang mga pagkukulang at pagmamalabis sa pagsusulong ng kanikanilang mga hangarin at pinaniniwalaan.

Nguni't sa pamamahala, pagbabagong pulitikal at pagpupunyaging tuklasin ang higit na mabuting buhay para sa lahat, ang sitwasyon ay hindi yung kasabihang "Hindi mapaglabanang lakas at hindi matinag na layunin." Bawa't panig ay kailangang makipag-unawaan para sa kabutihan ng lahat.

Inaamuki namin ang National Democratic Front, ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang New People's Army, at ang Gobyerno ng Pilipinas na kaagad tigilan ang putukan at pag-usapan NGAYON DIN ang mga kasunduan sa Kapayapaan at Katarungan. Ang mga mamamayang Pilipino ay nagpakasakit nang napakatagal at sukdulan sa palitan ng mga putok ng nagbabangay na mga pangkat. Ang bansa ay napipigilan sa pagsulong at pagunlad samantalang ang mga kanugnog bansa ay nilalagpasan tayo sa halos lahat na mga pang-tao at pangkabuhayang mga panukatan. Ang Pilipinas ay hindi lamang "ang malubhang tao sa Asya" kungdi ang kanyang mga mamamayan ay nangalat na sa apat na mga sulok ng daigdig at pitong mga karagatan sa isang kalunuslunos na Paglipana, ang ilan ay mga abang utusan, mga
alipin ng laman, at mga kargador ng droga na nangunguyapit sa patalim para sa kanilang kaligtasan at ng mga mahal sa buhay na naiwan sa tahanan.

Sumasamo kami sa mga mandirigma ng magkabilang idyolohiya na humugis ng kasunduan batay sa kapayapaan na may katarungan at unawaan tungo sa pambansang rekonsilasyon. Kung may kapayapaan, katarungan at unawaan tungo sa pambansang pagkakasundo, makauusad na tayo at ibabangon o itatatag ang mas mabuting Pilipinas.

Mapagbigyan lamang ng nailahad nang mga kondisyon, nauuna ang kapayapaan at katarungan, makapagpapakilos at magsingkaw tayo at samantalahin ng puspusan ang ating mga kakayahan bilang lahi, at ang ating mga likas na yaman, na lubhang sagana, upang matamo at matupad ang ating pangkalahatang mga pangangailangan at mithiin sa sarile nating lupain.

Saka naman ang ating mamamayan ay hindi na mapipilitan sanhi sa kagipitang pangkabuhayan na maghanap-buhay sa ibayong mga bansa, kung saan ang ilan ay nagdaranas ng 'di matingkalang pagpapakahirap, tinatratong mga alipin, mga makinarya at kasangkapan. Mapagbigyan ng angkop na pamumuno, tayo'y magiging malikhain at mabungahin sa lupaing masasabi na ating inuuwian.

Sumasamo kami sa National Democratic Front ng Partido Komunista ng Pilipinas (NDF-PKP) na pagbulaybulayin ang kaangkupan at patuloy na pangangailangan sa kanilang halos ay hindi natitinag na ideolohiyang lakas, lalo't higit ang panata ng marami sa kanilang mga kabig na paraan lamang sa patuluyang pakikihamok, sandatahang pag-aaklas, at dumadanak na dugo at buong-bansang saliw ng mga hinagpis sa buong kalawakan ng ating Inang Bayan lamang matutuklas ang makatarungan, mapayapa, maunlad, at iginagalang na lipunan.

Sa harap ng 'di maikakaila at puspusang mga pagbabago sa daigdig nung ang ngayon ay ang di-na-kapanipaniwalang Union of the Soviet Socialist Republics at ang mga sinasabing sosyalita at komunistang mga bansa sa Silangang Europa ay nangatimbuwang, "ang pangkasaysayan-at-ekonomiyang kahihinatnan" at ang hindi maiiwasan ang sosyalismo paraan sa mga himagsikan ay hindi sila ang 'di matitinag na batas ng kasaysayan.

Nung ang mga bansang nakapaligid sa USSR ay nangatimbuwang sa Silangang Europa, ang korapsyon ay 'di mapaniwalaan sa kaitaasang mga lider ng pamunuang pulitikal.

Sa "Komunistang" Tsina at "Komunistang" Vietnam, kung saan ang mahigpit na mga doktrina ay ibinagay sa mga sosyolohikal, pang-kultura, pulitikal, at pang-ekonomiyang kaganapan at, sa mas kulang na paglaganap, sa higit na
maka-tao at pang-taong kahalagahan, sila bagang mga bansa ang nasa landas patungo sa komunismo?

Sumasamo kami sa pamunuan at mga idyalistikong mga tagasunod ng National Democratic Front na himaymayin ang kanilang mga naisagawa sa loob ng 41ng mga taon na patuluyan silang nakikihamok dito sa digma para sa pambansang
kalayaan.

Sumasamo kami sa National Democratic Front na konsiderahin ang kapalit na mapayapang pakikibaka upang magtamo ng lakas pulitika sa pakikipag-tulungan sa ibang mga pangkat, na tulad rin nila, ay nakikibaka rin naman para sa mas mabuting Pilipinas, nguni't tutklasin iyon paraan sa loob ng umiiral na mga batas at pamamaraang demokratiko.

Kumbinsido kami na ang walang-likat na pakikibaka sa ating bansa -- nakikihamok para sa mga simulain paraan sa dahas at sandata -- ay tila lipas na! at walang bisa dito sa Pilipinas at sa daigdig sa kasalukuyang mga pahanon sa kabila ng mas higit at kritikal na mga isyu gaya ng hindi maiiwasang pagbabago ng klima, nagtatagisang mga paraan ng relihyon at pananampalataya, isang pagdaigdigang kaayusan ng pulitika at pangkabuhayan na tumitigok-tigok makaraan ang makawawasak na mga patakarang ekonomiya sa Amerika, at sa bayang sinilangan, malawakang paggugulo ng kapaligiran, at pagkawasak ng kaayusang sumusustini sa buhay.

Nananawagan kami sa aming mga lider sa pulitika at maging sa gobyerno at sa kanilang mga taga-suporta sa ekonomiya at kalakalan upang higit silang maging maunawain at sumagot sa mga pangangailangan ng mga dukha at nagigipit, maging higit silang epektibo at nasisilag sa kanilang mga pamamahala, na palawakin ang larangan ng diyalogong demokratiko, magpairal ng puspusang pagtitimpi sa paggamit ng dahas at tigilan na ang pang-aabuso sa karapatang-tao sa likod ng dahilang ipinagsasanggalang ang Gobyerno, at tumalima sa mahigpit na mga simulaing naghahari sa sibilizadong lipunan, isang lipunang sa wari ay merong Saligang Batas at pinamamahalaan ng pagtalima sa batas.

Ano pa man ang naghahati sa atin -- maging pulitika, panglipunan, at pang-ekonomiyang tuntunin -- ay hindi lagpas sa pagsasa-ayos ng tao, ni lagpas sa mga kumpromiso na magiging kapakinabangan ng bawa't kinauukulan.

Sumasamo kami sa magkabilang panig ng naghahati sa ideolohiya na pandayin ang kanilang mga sandata na maging pambungkal ng lupa, singkawan yung mga sandata para sa produktibo, malikhaing paggamit para sa bansang lubhang naghihikahos.

Naniniwala kami na ang pagtuklas sa KPAYAPAAN na may KATARUNGAN ay isang mithiing higit keysa sinoman sa atin -- ano man ang pulitikal o pamnglipunang hilig tayo mayroon, anomang kahalagahang kultura ang ating dinadakila.

Taimtim ang aming paniwala na ang Kapayapaan kaagapay ang Katarungan at ang pagtuklas ng talagang mangyayari -- kalusugan, kaunlaran, kaligayahan, pag-asa sa higit na mabuting bukas, at mamamayang tinatrato ng may dangal at hindi inaaglahi sa lawak ng daigdig -- ay hindi sa kabila ng kaganapan para sa 101 milyong mga Pilipino, para sa kanilang mga anak at sasapit pang mga saling-lahi ng ating mga kababayan. Kami'y nananalig na nasa loob ng ating kapangyarihang maganap ang ganitong mga pangarap.

Aming Mataimtim na Dalangin: Gamitin natin ang bawa't kakayahan upang matamo ang Kapayapaan kaagapay ang Katarungan na idambana sa atng Pinakamamahal na Inang Bayan.

Para sa Bayan Ko! Sugod patungo sa Higit na Mabuting Pilipinas, kami ay:

Matapat,

-- Mga Nakalagda.

______________________________



ISINALIN LAMANG ANG TEXTONG INGLES:


Irineo Perez Goce (aka) Ka Pule2

pseudonym: leonidasagbayani
Laong Laan :: 185, Quezon City
Lodge Perla del Oriente No. 1034, SC
Quezon City Bodies, A&ASR
CL: Lungsod ng LIPA (Batangas), Pilipinas

No comments: