Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, April 4, 2013

Terrible happening ito!

Yesterday, me and Ka Joseph (Patnubay Riyadh) were on the Air Live in DZXL (Bantay OFW). We received a lot of questions from callers, texters and on-line messages regarding the crackdown on Illegal workers in the Kingdom. We took time explaining the things to be done as well as the processes in getting exit visas. We also gave advise as to what they can do as far as the various concerns and problems that were phoned-in.

About the sweeping crackdown, hindi po iyan biglaan. Ilang buwan bago magkaroon ng Raid at Hulihan ay nagbigay na po ng Amnesty ang Saudi Govt sa mga overstayer subalit di alintana ng mga Expats including some of our fellow OFW's. Besides, ang pagpapatupad ng Batas ng Kaharian ay hindi bago, matagal na po iyan, ngayon lang talaga naging seryoso at lubos na pinaigting ang pagpapatupad.

Alam naman ng halos lahat ng mga OFW's sa Saudi ang mga sumusunod,

1. Di pwede ang magtrabaho sa hindi mo Employer o Sponsor. Kaya ang pagbili ng Visa para maging freelancer pagdating sa Saudi ay di dapat ginagawa. Lately, napakaraming Pinoy ang gumagawa nito na dati rati ay mga South Asian Expats lamang ang gumagawa. Yung ibang hindi Family Status ang Visa, para makuha ang Asawa (o Kabit), bibili ng Visa sa isang kilalang Arabo para madala nila ang dependent sa Saudi.

2. Kung ikaw ay Dependent (ie Anak o Asawa ng isang OFW), hindi ka dapat magtrabaho dahil malinaw na hindi Employment ang category ng Visa mo at labag yan sa iyong pananatili sa Saudi. Labing tatlong taon akong nanirahan sa KSA but never did I allow my Wife to work there.

3. Sa mga tumakas sa Amo (babae man o Lalaki), alam nilang dapat ay sa Embahada sila pumunta at humingi ng karampatang assistance para makauwi ng maayos o maging legal ang status. Hindi dapat kumuha ng kabit o makipag live-in gamit ang pekeng Marriage Contract saan mang lugar ng kaharian. Alam nila ang bigat ng parusa dyan pero marami ang gumagawa niyan, at ang masakit pa, nagbubuntis at nanganganak pa sa KSA! Kapag nasita, ang iba sasabihin pa na na-rape kahit obvious namang hindi. Two of my Kids were born in Riyadh kaya may mga namasukan sa amin (Freelance Pinay DH) during those time na nadiskubre ko na ganyan ang estado sa buhay.

4. Sa mga nag Umrah o nag Hajj, alam nila na sila ay Pilgims at kailangang umuwi sa bansang pinanggalingan matapos ang pagtupad sa sagradong ritwal ng ating mga kapatid na Muslim. Hindi dapat samantalahin ang pagkakataong ito para magtrabaho.

5. Sa mga Kabayan nating tumakas sa kanilang Employer sa Riyadh at ibang panig ng kaharian dahil sa Sugal, Alak, Babae at Droga na pumupunta sa Jeddah para umiwas sa kaso, alam nila na madaling mag over stay sa Western Region dahil mas lenient ang pagpapatupad ng batas doon at pwedeng makaipon ng pera para ipambayad sa ilegal na pagtakas using the Jeddah Port.

Of course may mga legitimate ang pagtakas dahil sa mapang abusong Amo, ito'y hindi kaila at batid nating lahat. Ang sinasabi ko lang ay marami sa mga nagkakaproblema at magkakaproblema sa usapin ng crackdown ang "SELF INFLICTED".

Sa mga Kabayan natin na expired ang Iqama, you know that you cannot be given EXIT Visa without renewing your Iqama and paying the Penalties which is computed on the basis of how many years it has been expired. You have to go back to your respective Sponsor and ask/request them to facilitate the renewal of your Iqama so you can leave without being held by the deportation authorities.

Sa mga hindi expired ang Iqama (tumakas or nag overstay) pero gustong umuwi, maghanda kayo ng pambili ng plane tiket para di kayo magtagal sa deportation cells.

Sa mga Freelancers, na maayos pa ang papeles, makabubuti na umuwi muna kayo at huwag magpatuloy sa pakikipag sapalaran. Alam ko na dati rati ay On and Off ang campaign sa Illegal workers, pero nagbago na ang lahat ngayon. Makikita ninyo ang seryosong pagpapatupad ng Saudi Govt in flushing out Illegal Workers and penalizing also those Employers who tool advantage on the System for a long time.

Sa mga OFW's na may mga Dependents na nagwo work, sundin po natin ang batas. Patigilin na ninyo ang mga mahal sa buhay na nagtatrabaho ng hindi naman nararapat ayon sa kanilang status sa kaharian. 

In summary, walang dapat ipagalala sa nagaganap na CRACKDOWN ang kahit na sinong Expat sa KSA kasama including our fellow OFW's kung susundin lamang ang kautusan at regulasyon na matagal ng umiiral sa kaharian.


Jun S. AguilarPresident & CEO
FMW Group Holdings Inc.
Suites 304 - 305 PARC House II
21 EDSA Guadalupe, Makati City

No comments: