Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, December 15, 2011

TAWA MUNA PARA DI KILLJOY!!!

An alcoholic son wrote a letter... Beer dad, Gin na ako iinom ulit,
Whisky kelan. Tanduay mo yan, tiTequilan ko na talaga, pRhumis po!
Your San, Miguel.

Babae: Doc, kumusta na ang asawa ko?
Doc: Sorry ma'am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at magpapaligo
sa kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamay at paa.
Babae: Hah?! Hindi nga?!
Doc: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!

Amo: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan
ng mga favorite nyang pagkain.
Maid: Opo, sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!

Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.

Juan: Inay, si Pedro, hindi ako pinagkape sa burol ng tatay nya.
Nanay: Hayaan mo anak, kapag namatay ang tatay mo, hindi rin natin
sya pagkakapehin.

Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh.

Husband: When I get mad at you, you never fight back. How do you
control your anger?
Wife: I clean the toilet bowl.
Husband: How does that help?
Wife: I use your toothbrush.

Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis
eh.
=)

Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US . Ito, nagpadala ng
picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
Nanay: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na
ito, natumba na ako sa sobrang gutom.

Reporter: Sir, do you watch CNN? Pinoy: Walang oras.
R: Do you read books? P: Walang oras.
R: Do you play golf? P: Walang oras.
R: Do you drink wine or liquor? P: Walong oras!

Husband: Hindi ako makatulog, lagi kong naiisip ang utang ko kay pare
na dalawang milyong piso.
Wife: Tawagan mo si pare, sabihin mo, hindi ka makakabayad para sya
naman ang hindi makatulog.

GMA: Ano bang hinahanap mo dyan sa 3 in 1 coffee mo at kanina ka pa
silip nang silip dyan?
Erap: Hinahanap ko yung libreng asukal! May nakasulat kasi na
"Sugarfree. "
GMA: Bobo! Banda yun!

Bitoy: Dagul, bakit ang pandak mo?
Dagul: Kasi, bata pa lang ako, ulila na ako.
Bitoy: Anong kaugnayan nun sa pagiging pandak mo?
Dagul: Sira pala ulo mo! Wala ngang nagpalaki sa akin!

No comments: