Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, May 2, 2019

BIKOY VIDEO: KAILANGAN NANG KUMANTA KAAGAD NI ALYAS BABALU FOR HIS OWN SAKE

By Thinking Pinoy


Kababalita lang ng The Manila Times na naaresto na ng NBI yung nag-uplaod ng Bikoy video, isa sa mga tao sa likod ng imbe-imbentong "Ang Totoong Narco List" videos.

Hindi pa ibinibigay ng NBI ng pangalan ng arestado, kaya't itago na lang muna natin siya sa pangalang "Babalu”.

Matagal ko nang hinala na nag-iisa si Alyas Babalu sa operasyon na ‘yon.

Ayon sa mga little birds sa NBI, kasabwat raw ni Babalu ang isang babaeng konektado sa kampo ng isang senatorial candidate. Konektado rin daw ang babaeng ito sa chairperson ng isang kilalang political party.

Sa aking palagay, hindi si Alyas Babalu ang pinaka-guilty sa krimeng ito, kaya maaari sigurong ikunsidera ng DoJ na gawin siyang state witness.

Pero hindi ganon kasimple yon.

REQUIREMENTS FOR STATE WITNESS

May anim na kondisyong dapat ma-meet bago maging state witness ang isang tao:

1. Pumayag ang tao na maging state witness

2. May absolute necessity ang testimonyang ibibigay ng state witness

3. Walang ibang direct evidence na available

4. Maco-corroborate ang mga mahahalagang bahagi ng ibibigay na testimonya

5. Ang state witness ay hindi ang pinaka-guilty sa krimen

6. Hindi pa nagco-convict ang akusado ng kahit anong krimeng may koneksyon sa MORAL TURPITUDE.

Okey na ang #1 kung willing si Alyas Babalu na tumestigo. Malinaw na rin ang #5 at #6. Madali na rin siguro ang #4 kung ibibigay ni Alyas Babalu ang mga record ng conversations niya with the "more guilty" parties.

Samakatuwid, #2 and #3 na lang ang kailangan talagang maseguro.

A RACE AGAINST TIME

Sa palagay ko, sa puntong ito, nasa prime na posisyon si Alyas Babalu na kumanta na agad dahil relatively new pa ang imbestigasyon ng NBI kaya't malamang na kahit sapat ang ebidensiya para mag-aresto, kailangan pang kumuha ng karagdagang ebidensiya para maseguro ang conviction ng kunsinuman ang hahabulin.

Pero kailangan ni Alyas Babalu na kumanta agad dahil baka maging unnecessary ang kanyang testimonya kung sakaling may mga taong makakita ng direktang ebidensiya bago siya kumanta.

Paano, halimbawa, kung gumugol ako Thinking Pinoy o si For the Motherland - Sass Rogando Sasot ng ilang araw para magkalkal ng direktang ebidensiya sa internet? Kung susuwertihin kami (at medyo madalas kaming swertehin, sa totoo lang), magiging unnecessary na ang testimonya ni Alyas Babalu, making him ineligible para maging state witness.

Pag sinuwerte kami o kung sinuman na makalkal yan sa levels na "professionally done" at "riveting", yari kang Alyas Babalu ka.

In short, kung mauunahan ko o ni Sass o sinupaman si Alyas Babalu pagdating sa pagbibigay ng direct evidence, hindi na mafu-fulfill ang condition # 3, o yung "Walang ibang direct evidence na available”.

Kaya kung ako sa yo Alyas Babalu, kumanta ka na hangga't maaga. Pag naunahan ka namin, maisasama ka talaga sa demanda.

Baka mamaya e magpahili-hili ka diyan e mawalan ka pa ng pagkakataong makaiwas sa kaso.

No comments: