Featured Post

MABUHAY PRRD!

Sunday, January 26, 2014

TARAY BLUES

Information booth. International Airport. Passenger senior citizen Oka. Information lady Gloria.

OKA – Excuse me.
GLORIA – Yes, mam-sir. (Nakasimangot).
OKA –What time is Flight 406 please.
GLORIA – Ayun ang monitor. Tingnan mo na lang.
OKA – Pwedeng makiusap. May monitor ka naman. Ang layo kasi. May rayuma ako.
GLORIA – Rayuma? Ay naku, stay home ka na lang, lolo. Tingnan mo sa likod, haba na ng pila. (Pasigaw.) Next!!
OKA – (Stops the next in line from approaching.) Teka, Miss Taray Blues. Ano ba yan, menopause, mens, built-in sungit since birth?
GLORIA – (Picks up the phone.) Hello, security.
OKA – (Undaunted, peering into the counter.) Ah, buntis ka.
GLORIA – So what?
OKA – Malaglag sana yan.
GLORIA – Oy, sir, foul yan. Bawiin mo yan. Baka magkatotoo.
OKA – Malaglag sana yan.
GLORIA – (Starts to sob.) Please sir. (To the phone.) Never mind, security, okay na.
OKA – Isang kondisyon. Smile ka muna.
GLORIA – Sir naman.
OKA – Di mo kaya, ano? Yung built-in mong simangot since birth, naging permanent na.
GLORIA – Sir, bawiin niyo po.
OKA – Malalag sana yan.
GLORIA – Okay, okay, smile na kung smile. (Tries to smile in vain.) Di naman pwedeng biglaan yan.
OKA – Kaya mo yan.
GLORIA – Sir, bawiin niyo po.
OKA – Malaglag ….
GLORIA – O ayan … (Composes herself, wipes off a tear, and smiles. Everybody in the long line gives a resounding applause.)
OKA – Nawa’y maging malusog ang anak mo. Ano yan, first mo?
GLORIA – Opo, first po. Salamat.
OKA – Makinig ka, ha.
GLORIA – Opo.
OKA – Pag nasa customer service ka, kelangang smile 25/7, gets?
GLORIA – Opo.
OKA – Pag nakasimangot ka 26/7, pagkalampas ng ilang buwan – ulcer, laglag buntis o kaya baby mo tiyanak, heart attack, o cancer pa kung minsan. Ganun ang karma. Gets?
GLORIA – Gets po.
OKA – O ano? Okay na tayo?
GLORIA – (Big smile.) Sir, salamat uli.
OKA – Welcome. Saan uli ang Flight 406.
GLORIA – Ay, oo nga pala. Gate 3 po.

After one week, Oka is back.
GLORIA – Hello mam-sir. Ay lolo, kayo pala. What can you do for me?
OKA – Wala naman. Check ko lang kung okay ka na.
GLORIA – Oks na oks, lolo.
OKA – Smiling always?
GLORIA – 26/7 po. Ang sarap pala ng smiling trip. Wala nang sungit trip. Magaan ang kalooban. I actually enjoy my work now. Dati, pilit, gusto ko nang mag-resign. Ngayon, pati sa bahay, napakaganda. Mga anak ko, hindi na ako inaaway. Salamat po lolo, binukas niyo ang bintana ko. Ngayon, maliwanag na sa loob.
OKA – At mahahalata mo contagious ang smile, kasing contagious ng sungit. O eto, regalo ko.
GLORIA – Si lolo naman, nag-abala pa. (Opens the box.) Ano it, siopao? Ang badoy nyo naman.
OKA – Anong gusto mo, engagement ring?
GLORIA – Salamat, lolo.
OKA – O sige na, ingat. (Pabulong.) Yung nasalikod, ingatan mo. Dumikit ata yung taray niya sa batok ko.
GLORIA – Kayang-kaya yan.
OKA – Okay, see you.
GLORIA – Teka, tingnan niyo style ko. See me in action. Doon ka banda roon, nakatalikod. (Sunod si Oka.) Next !!!.

FAT LADY – (Approaches.) Anong klaseng lugar to, ha. Bad service, bad service.
GLORIA – Yes sir-mam. How can I help you?
FAT LADY – Tingnan mo to. Tinawag pa akong sir. Ikaw ba ay nag-aral?
GLORIA – (Smiling.) Opo. Yes mam.
FAT LADY – Pa-smile smile ka pa dyan. Gusto mo tanggalin ko yang smile mo? Saan ang CR?
GLORIA – Yon lang po? CR?
FAT LADY – At e ano pa, gusto mo tanong ko sa iyo tungkol sa Obamacare?
GLORIA – Doon po sa dulo, kanan. Ingat po kayo. At smile po. Gaganda po kayo.
FAT LADY – Ako ba tinatawag mong pangit?
GLORIA – Opo, ay hindi po.
FAT LADY – Anong oras ang alis ng Flight 215?
GLORIA – 230 pm pa po. Delayed.
FAT LADY – Pangit mo.
GLORIA – Mag-crash sana eroplano nyo.
FAT LADY – Oy oy oy. Bawiin mo yan. Baka magkatotoo.
GLORIA – Ayoko. (Hagkikhik ang Oka.) Babawiin ko, isang kondisyon. Simple lang, smile.
FAT LADY – Ha.
GLORIA – Smile.
FAT LADY - Please lang, bawiin mo yan.
GLORIA – Mag-crash sana eroplano nyo.
FAT LADY – Hay naku. Cacancel ko flight ko.
GLORIA – Sinong tinakot niyo?
FAT LADY – (Long pause. Knowing she’s beaten.) Sori, sori, I apologize. O sige, smile na  kung smile.
GLORIA – Pilit. Hindi ngisi, smile. Tingnan niyo sarili niyo. (Naglabas ng small mirror.)
FAT LADY – (Nanggigigil.) Diyos ko po, ano itong ginagawa Niyo sa akin.
GLORIA – Pinaparusahan. Tingnan niyo sarily niyo.
FAT LADY – (Tuminingin. Nagulat sa sariling simangot.) Hay naku. (Finally, nag-smile na nga ang beauty ni Fat Lady.)
GLORIA - M’am, may you have a safe and happy trip.
FAT LADY – Tenk yu.
GLORIA – Mam, kung na-notice niyo. Kahit anong taray niyo, kahit anong blade and ipang-hiwa niyo sa akin, wa epek sa akin, di ba?
FAT LADY – Oo nga.
GLORIA – It’s because a smile is the most powerful antidote versus hurt. I can be hurt only if I wish it, if I will it. I cannot be hurt against my will. Kelangan i-approve ko. E dis-aprub kayo.
FAT LADY – Ba. Oo nga no. . Ibig mong sabihin pag nag-smile ako pag sinigawan ako ng mister ko, talo siya.
GLORIA – Op kors. Hindi sa talo siya kundi sa panalo kayo. Iba yon. (Paalis na ang Fat Lady.) Teka, isa pa, m’am. Humility is the second antidote versus being hurt. Nung sinabi kong pinaparusahan kayo ng Diyos, hindi kayo nasaktan because you were humble enough to accept your error. Humility also removes the hurt.
FAT LADY – Ibig mong sabihin pag inamin kong kasalanan ko sa mister ko imbis na magpalusot, mas okay?
GLORIA – Op kors. Wala nang away. Eto kayo, bihis, pa-abroad, tapos sinermonan ng isang nilalalang kamukha ko. Pero tinanggap niyo.
FAT LADY – Oo na, humility. Eto, gift ko sayo. (Naglabas ng isang maliit na boteng hand lotion.)
GLORIA – Ay naku, di na kailangan, mam.
FAT LADY – Tanggapin mo yan o sisimangot ako. (Tinanggap ni Gloria. Smile ang Fat Lady.) Bye.
OKA – (Pag-alis nI Fat Lady.) Bilib nako sayo. May props ka pa.
GLORIA – Walang pumalakpak?
OKA – E pano, wala namang pila. Tingnan mo kung pano mag-trabaho ang Diyos.
GLORIA – Oo nga. Ang galing Niya. Biro mo isang katutak na taray nagging hand lotion.
OKA – D bale na yung lotion. Mas maganda, binago mo puso ni Fat Lady. Ang tigre naging tupa. Hindi na siya magtataray. At saka, balik asawa na siya. In fact, maybe you saved her marriage in the long term.
GLORIA – Ganun kalalim yung ginawa ko?
OKA – Yes m’am, ganun kalalim ang 30-second sermon mo.
GLORIA - Nahuli niya na rin and sekreto ng buhay na nadiskubre ko sa inyo.
OKA – Ipasa mo nang ipasa. Nasa customer service ka. Ako, senior, pa sine sine lang nang libre. Ikaw, hawak mo sa kamay mo ang buong mundo.
GLORIA – Yes!!


eastwind

No comments: