Ni Nannet Valle
Manila, Philippines – Tutol ang grupo ng mga migranteng Pinoy sa plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng buwis ang kontribusyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Social Security System (SSS) at Home Development Mutual Fund o PagIBIG.
Noong Huwebes, kinumpirma ng BIR na nagpalabas ito ng circular para pag-aralan ang pagpataw ng buwis sa mga kasapi ng SSS at PagIBIG na nakapag-ambag ng mas malalaking halaga sa itinalaga ng batas dahil ikinukonsidera na itong “investment” o puhunan kaya dapat nang buwisan. Nilinaw ng BIR na panukala pa lamang ang naturang usapin.
Bilang reaksiyon, sinabi ni Migrante-Middle East regional coordinator John Leonard Monterona, na ang kontribusyon ng OFWs sa SSS at PagIbig ay hindi dapat i-klaseng a “investment to accumulate millions of profits.”
“Some of us, OFWs, opted to voluntarily contribute and avail the programs of the SSS and PAG-IBIG not for investment to gain millions of profits. It is just an investment enough to secure our needs when we retire and have our own house we could proudly say a product of our hard works abroad,” pahayag ni Monterona.
“Imposing taxes on OFWs voluntary contribution to SSS and PAG-IBIG defeat the very intent, purpose and spirit of the programs which is social security and housing loan if the government through the BIR will push through its plan of imposing taxes on OFWs contributions,” dagdag ni Monterona.
Aniya, ang tungkulin ng BIR ay lumikom at kumolekta ng mga buwis ngunit dapat na maging rasonable ang gobyerno at maging patas sa pagbibigay konsiderasyon sa kalagayan ng taumbayan. Dapat tigilan at huwag nilang gawing gatasan ang mga OFW kasabay. Binatikos din niya ang kawalan ng sapat na programa ang pamahalaan para sa welfare services ng mga OFW.
“There are about 40,000 OFWs who are voluntary members of SSS. If the govt. plan to impose tax on OFWs ‘investment’ to SSS is implemented, then the numbers will go down as expected,” sabi ni Monterona.
“Maghunos-dili naman sana ang gobyernong Aquino sa walang habas na pagpapataw ng buwis sa taong-bayan particular sa mangagawa, local or migrante, na pati ang kanilang kaunting impok sa SSS at PAG-IBIG ay bubuwisan na,” dagdag niya.
2 comments:
Gagawin gatasan ni Noynoy Aquino adminstration ang dugo at pawis ng mga OFW.. after more 1 years of his regime NO ACCOMPLISHMENT BUT BLAME GAME TO THE PREVIchOUS ADMINISTRATION.. US President never blamed George W. Bush messed and he did not attacked the US Supreme Court unlike Noynoy Aquino III and his yellowish allies always attack the 3rd branch of gov't.
Gagawing gatasan or milk-cow ni Noynoy Aquino ang dugo-pawis ng mga OFW.. more than a years of his regime nothing done.. more & more worst.. poverty in our country rising up.. NO ACCOMPLISHMENT BUT ONLY BLAME GAME... blaming the previous administration. I only blame to those Filipinos voters who cast their votes to this man-do nothing, even his years in Congress % 3 years in Senate NO PRINTED ACCOMPLISHMENT.
Post a Comment