Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, December 8, 2011

GISING....! GISING....! GISING....!

MGA KALAHING MINAMAHAL!

Nakakadismaya, nakakalungkot, nakakaluha, nakaka-iyak, nakapanglulumo, makamataymatay!

Ano sa palagay ninyo ang ugat ng mga kaganapan sa ating paligid? Araw-araw! Rali-rali! Ano sa palagay ninyo?

Ang panahon at oras ng mga dukhang mamamayan, maging mga kapulisan, pati na rin ang medya; ang gasgas at ma-aksayang gugol sa mga gatong (fuel and oil and grasa (grease); tear gas, mga kalasag at lahat nang mga iyan ay kalugihan sa buhay ng ating lipunan at bansa!

Sinong nakikinabang? Sino ang lalong yumayaman at umuunlad ang buhay? ANG MGA NEGOSYANTE; MULTINATIONALS!

Kawawang Inang Bayan! Kahabag-habag na mga kalahi.... Sa halip na umuwi sa mga bukirin, magbungkal ng lupa; magtanim ng mga halaman at mag-alaga ng mga tinanim; upang sa takdang panahon ay may mapitas na bunga, o makitil na talbos ng gulaying halaman!!! Ang karamihan ay abala, araw-araw, gabi-gabi; sa mga pagdakdak ng walang saysay na mga nagaganap sa lipunang bansa!

Hindi na ba tayo natuto sa mahabang mga karanasang kagipitan at paghihirap? Patuloy pa tayong sunud-sunuran sa sulsol ng mga lider-lider na itinutulak tayo sa lalong malagim na mga kapahamakan ng buhay?

Magising na tayo sa malalim na pagkahimbing at karalitaang ugat ng ating kakulangan sa pag-unawa ng mga pangyayari sa ating bayan. May mga lihim na pwersang hinihimok tayong mamalaging away-away. Sungalngalan sa medya; pukpukan ng ulo, batuhan sa mga lansangan at liwasang-bayan.

Mamulat na tayo, mga kalahing minamahal! Huwag na tayong mamalaging naniniwala sa mga sulsol ng mga pakawala ng dayuhang pwersa sa ating paligid.

Napakayaman ang ating kalikasan sa Inang Bayan! Huwag na tayong mamalaging alipin ng banyagang mga kaisipan. Matuto na tayong mag-isip, magpasya at kumilos para sa tunay na kapakanan ng ating mga kalahing naghihirap, at nagdurusang Inang Bayan.

Gising......! Gising.........! Gising...........!

Ka Pule2

1 comment:

Unknown said...

Gising Juan. Gising Pinoy. Mabuhay ang Pilipinas. Tumayo sa sariling paa at ipakilala ang tunay na lumabang Pilipino tungo sa pag asenso.