Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, February 26, 2009

GLIMMERING HOPE FOR THE PHILIPPINES


AFTERMATH OF ELECTIONS 2008


There has come about a plethora of prognostications relative to the Obama election to the USA presidency as it affects, or how it will affect the future of the Philippines.

It is fallacious to link the fortunes, or misfortunes, of our country to the outcome of US politics.

We in the Philippines ought to act, or work, independently from what occurs in any foreign country, let alone the USA.

What we need is to work, and act, according to our peculiar needs. That is one meaning of political independence.

Nasa ating kasabihan: "Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa."

Ipahintulot ninyong aking idagdag: Ang tanging pag-asa ng Pilipinas -- "Ipundar, o itayong muli, ang ating kulturang wasak!"

UNA. Ibalik ang pagtuturo ng kagandahang-asal; ang mabuting pag-uugali na iniwan ng ating mga ninuno.

IKALAWA. Pagbutihin ang pagtuturo ng mga pangaral at buhay ng mga bayani ng ating lahi. Sa halip na kung mga anu-anong dayong literatura ang pag-ukulan ng panahon at salapi; napakahalagang saliksikin halimbawa, ang mga pagka-makabayang sinulat nina Rizal, Del Pilar, Bonifacio, Mabini, Jacinto, Apacible, Lopez Jaena, ang mga Luna, at iba pa.

IKATLO. Ang isang dapat sikhayin ng ating mga mananaliksik -- at pondohan ng gobyerno -- ay ang mga sinulat ni Heneral Arttemio Ricarte nung siya'y nasa Japan. Si Ricarte lamang ang hindi sumuko sa pananakop ng USA sa Pilipinas. Si Mabini (Ka Pule) sana ay hindi rin susuko, nguni't ayaw niyang mamatay sa ibayong bansa; kaya napilitan siya -- nung nakaramdam siyang mamamatay na -- sumumpa na rin sa bandila ng USA.

Minsan ay nalathala sa Inquirer ang isang mungkahi na sana ang sagisag ng ating SEAT of the Armed Forces ay Kampo Artemio Ricarte, at hindi Kampo Heneral Emilio Aguinaldo. Ang kahulugan ng Aguinaldo (symbolism) ay patuluyang umaasa sa "altruistic benevolence of the great North American nation," kung kaya pinag-lumaan ng US Army gaya nung nasawing C-130 ang ating napapala!

IKA-APAT. Kung nais nating maging tunay na malaya at maunlad na bansa, ang mga pangaral nina Rizal, Mabini, Bonifacio, Ricarte at mga katulad nila ang pag-iisip ay silang ituro sa ating mga saling-lahi.

IKALIMA. kaalinsabay ng pagtuturo ng buhay at mga pangaral ng ating mga bayani, ay bigyang diin ang kasanayan ng ating mga inanak sa heograpiya ng ating bansa. Minsa'y nag-ulat ng isang tanyag nang reporter, at ang sabi'y ang Zamboanga ay nasa dulong silangan ng Mindanao! Nakakahiya!

Kasanayan sa heograpiya ng ating mga kabataan ay malaking maitutulong sa pagka buklud-buklod ng damdaming pagdadamayan ng iba-ibang mga rehyion, pagkasambug- sambog ng ating mga inanak -- paraan sa mga paglilipat-bayan at pag-aasawahan ng ating mga inanak -- at sa katagalan ay iiral ang pagiging matatag at malakas nang lahing Pilipino.

IKA-ANIM. Unti-unting iwaksi ang pagiging tagasunod ng ating sistema ng edukasyon sa kaisipan ng ibang lahi. Ang mga ordinansa at batas ay sa wikang katutubo ipalaganap upang maunawaan ng karaniwang mga mamamayan; nang sa ganoon ay higit na patas, o timbang, para sa mga dukha at mayaman ang mga hatol sa hukuman, at pagpapatupad ng mga batas.

IKAPITO. Isa-batas ang tadhana sa ating Konstitusyon hinggil sa Pambansang Wika. Ang balangkas na batas na nakapending sa Batasang Bansa ay matutunghayan sa --

http://www.Petition Online.com/ maBIni2.

Pakisuyo, mga Kapatid at mga kalahi, na silipin lamang ninyo ito -- i-klik, o i-type sa ADDRESS Box sa itaas, at sundan na lamang ang mga prompts, para makita ang kabuuan ng Petisyon; kung ilan na ang nagsi-lagda, at kung sang-ayon kayo ay idagdag na rin ang inyong lagda sa ilalim ng Petisyon.

Maraming salamat, mga Kapatid, at kalahi.


Irineo P. Goce -- a.k.a. Ka Pule2

Lungsod ng Lipa, Pilipinas


No comments: