Featured Post

MABUHAY PRRD!

Sunday, March 31, 2019

MAY TINATAGO KA BA, CAGUIOA?


Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa: MAY TINATAGO ka ba sa resulta ng recount?

Ilang ulit nang nabalita na tapos na ang recount sa pilot provinces ni Bonbong. WALA namang security threat kung ilalabas mo na iyong resulta. Hindi naman magkaka-civil war. Wala namang magrarambulan. Wala namang manggi-giyera sa Pilipinas kung malalaman ng sambayanan ang resulta.

Kaya bakit AYAW mo pa ring ilabas ang resulta? HINDI NAMAN TANGA ang sambayanan para hindi maintindihang hindi pa final result iyong recount. At WALA ka rin namang binbigay na justification hanggang ngayon.

WALA ka na ngang nabalitang aksiyon, pati na ang Comelec, sa lahat ng PISIKAL NA EBIDENSIYA NG DAYAAN na nabulgar na. Sa halip na aksiyon, NEWS BLACKOUT ang pinairal mo.

Ngayon, pati resulta ng recount, BAWAL DING MALAMAN ng sambayanan!

Tagilid ba si Leni Robredo, Justice, kaya’t hindi pa puwedeng malaman ang resulta, at mga nangyari o nangyayari pa, sa recount? O may mga KATARANTADUHAN pa bang nabisto na hindi kayang maipaliwanag ng kinauukulan?

Mga kababayan, WALA TAYONG GARANTIYA hanggang ngayon na WALANG DAYAAN O ANUMANG KAWALANGHIYAAN na nangyari o nangyayari sa recount. Itama ako ninunan kung mali ako ---HINDI 24 ORAS ARAW-ARAW NA NAKIKITA ng mga supporter ni Bongbong ang mga balota at ang recount area.

WALANG BIBITAW, WALANG KUKURAP, WALANG MAGPAPALOKO sa anumang press release ng kalaban.

***

Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

https://forumphilippines.blogspot.com/

No comments: