Featured Post

THE RIGHT ATTITUDE

By Jose Alejandrino President Duterte has the right attitude. In a democracy, you listen to the voice of the majority. You ignore a ...

Sunday, April 9, 2017

Paolo Duterte to Trillanes: "Kung gusto mo magresign Senator Ugok, magresign ka na. Huwag ka na madami pang dahilan."

Sinabi ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na magbibigay siya ng milyong pisong donasyon sa mga nakaligtas sa Magnitude 6.7 na lindol sa Surigao kung mapatutunayan ni Senator Antonio Trillanes IV ang kanyang mga ibinibintang ukol sa di umanong milyong pisong halaga sa bank account ni Paolo.

Photo credits: SunStar

Idinagdag pa ni Paolo na "kung gusto mo magresign Senator Ugok, magresign ka na. Huwag ka na madami pang dahilan. You are a useless senator and the people of the Philippines no longer believe you." 

Binuhay naman ni Trillanes ang akusasyon laban sa Pangulong  Rodrigo Duterte na mayroon umano itong P2 bilyong pisong halaga ng transaksyion sa bangko.

Ipinakita rin ng senador ang umano’y mga dokumento ng mga kalakalan sa mga bank accounts ng mga anak ni  Duterte na sina Paolo, Davao City Mayor Sara Duterte, at Sebastian "Baste" Duterte. Kasama rin umano ang First Lady na si  Cielito "Honeylet" Avanceña at ang campaign donor ng pangulo na si Samuel Uy.

Sinabi rin ni Sara na ipamimigay rin niya ang umano’y P121 milyon kung maituturo ni Trillanes kung saan ito makikita at kung ito ba ay nakuha sa illegal na paraan.

Dagdag pa ni Paolo, "This 'ugok' senator is again throwing wild accusations against President Rodrigo Duterte and dinamay pa nya kaming mga anak sa kanyang kagaguhan.”

"He earlier accused me of being a drug user and when I had proven that I am not, now he accuses me of having millions in questionable wealth,” dagdag pa niya.

http://www.newsinfolearn.com/2017/04/paolo-duterte-to-trillanes-kung-gusto.html

No comments: