Featured Post

MABUHAY PRRD!

Wednesday, June 5, 2013

Kanya Kanyang Balato

Kanya Kanyang Balato
Ang balato sa mahirap na supporters ni Erap … sentimos, piso, sandaan? isang libo?
Ang balato sa mahirap na supporters ni Noynoy … CCT subsidy, condom.
Ang balato sa mayayaman na supporters ni Erap LGU government contracts -  office supplies contracts, building construction contracts. Subalit sa yaw o gusto nya -  ang mga telephone subscription contracts, internet subscription contracts, electric power contracts ibabalato pa rin niya sa PLDT, GLOBE, MERALCO – mga kumpanyang pag-aari ng mga oligarkiya.
Ang balato sa mayayaman na supporters ni Noynoy… government contracts – MRT, SLEX, NLEX, NAIA, ABS-CBN, etc, office supplies contracts, buiulding construction contracts, telephone subscription contracts, internet subscription contracts… supplies of condom at kung ano ano pa.
Kung maalala nyo pa ang ZTE – alam nyo ba’t nagkagulo yon? The long and short of it – dahil hindi binalato ni Arroyo ang telecom contract with PLDT.
Ngayong taon – ang kontrata na naman ng MRT ang pinagtuunan ng pansin ng DOTC  – kanino naman ibabalato yun?
Sa bawat kontrata na binbibigay ng gobyerno sa mga crony nito – yan ay harap harapang balato.
protected-PHL-companies

Alang sinabi ang balato ng mga mahihirap sa balato ng mga mayayaman – wala silang kompetisyon mula sa mga dayuhan – solong solo nila ang ekonomiya – pwede nilang patuwarin ang mga pinoy at puwetin araw araw!
Vote buying kamo? Susmaryosep – sisiw ang bilihan tuwing eleksyon. Ang wholesale na bilihan nangyayari di pa nagaganap ang eleksyon – CCT subsidy at RH bill ang tawag dyan.
Oo nakikita natin ang mga balita tungkol sa paghihingi ng balato ng mga mahihirap. Ang hindi natin nakikita ay ang pagbibigay ng balato sa mga mayayaman. Alang sinabi ang balato ng mga mahihirap -  sa balato ng mga mayayaman – milyones at bilyones po ang usapan dyan.
Subalit – mayaman o mahirap man – parehong ang kapal humirit ng balato… tapos mag-rarally kunyare tungkol sa korupsyon – e sila naman ang nakinabang – at higit sa lahat, parehong Pilipino.
Hanggang ngayon di pa rin nakukuha ng Pilipino na ang gobyerno ay isang salot.
Hindi gobyerno ang solusyon sa problema ng tao.
Ang solusyon ay nasa tao, nasa indibidwal – hindi gobyerno.

No comments: