Mga kababayan silipin nga natin kung ano itong pinag iinitang mga kinain daw ni Kamahal-mahalang Pangulong Gloria sa Le Cirque New York at ang kanyang mga kampon. Since may ambag naman tayo (as a taxpayer) dapat lang sigurong makita natin kahit sa picture man lang ang mga pagkaing nararapat daw para sa ating mga honorable public servants. Take note mga kaibigan, US DOLLARS yan.....
Ang bill ng entourage ni Gloria sa Le Cirque
Le Cirque Salad . Pinaghalo-halong mga gulay tulad ng lettuce (wag kayong jologs, hindi [let-us] ang pronunciation nyan, kundi [let-is] , okay?)
…sige na nga litsugas nalang… ano pa ba yan? er…sibuyas, balat ng sibuyas, sitaw, mayana, dahon ng gumamela, etc… P1,078/order lang yan
…sige na nga litsugas nalang… ano pa ba yan? er…sibuyas, balat ng sibuyas, sitaw, mayana, dahon ng gumamela, etc… P1,078/order lang yan
Le Cirque Tuna . Syempre merong tuna dyan (na posibleng galing sa GenSan), orange, sesame seeds, wasabe ata yung green paste sa ilalim,
anim na pirasong halamang ligaw (dami dito samin nyang dahon na yan!) saka ilang patak na orange sauce. P1,029/order naba yang apat na hiwang yan?
anim na pirasong halamang ligaw (dami dito samin nyang dahon na yan!) saka ilang patak na orange sauce. P1,029/order naba yang apat na hiwang yan?
Le Cirque Spring Pea Soup . Mga pataning pinaikot at pinalamutak sa blender para maging soup. A.k.a. Etchas ng baby P1,176 isang bowl?
Le Cirque Wild Burgundy Escargot. Pronounced as [es-kahr-goh] . Tandaan nyo yan para hindi kayo magmukhang enggot pag kumain kayo sa Le Cirque in the future, okay? Ang escargot ay kuhol. Madami niyan sa palayan kapag tag-ulan. Hmmmmmmmmm…sarap ng ginataang escargot! Kasama ng escargot dyan ay 2 munchkin donuts, makapuno, itlog ng isda saka ferns. Ito daw ang nagustuhan ni Senator Lapid dahil favorite nya ang kuhol. P1,421/order grabeng mahal naman ng kuhol na yan!
Paupiette of Black Cod . Ito’y manipis na piraso ng isda (black cod) na nirolyong parang shawarma at merong mga gulay sa gitna.
Paupiette is pronounced as [poh-pyet] . P2,401.00 / order (pun-yeta!!! !!)
Paupiette is pronounced as [poh-pyet] . P2,401.00 / order (pun-yeta!!! !!)
Le Cirque Saddle of Lamb . Ano ba ang saddle sa Tagalog. Hmmmmmmm…part daw ng backbone and loins. Eh ano yung loins sa Tagalog? Tadyang o pigi? Ay basta tupa lang yan! P2,548/order naman yan (anak ng tupa naman....)
Krug Champagne . Sa sobrang sarap ng Krug, umorder sina Gloria ng labing-isang bote nito. Kulang-kulang Php 249,000 lang naman iyang 11 bottles na yan. Ilang ginbulag kaya ang mabibili sa Php 249,000.00? Teka, downpayment na yan para sa isang bahay ah! Tsk…tsk…tsk…
Sorry wala yung pix ng ibang entrees.
Sorry wala yung pix ng ibang entrees.
OUCH !!!!!!!! Nabulunan ka sana ....
No comments:
Post a Comment