Featured Post

MABUHAY PRRD!

Wednesday, October 19, 2011

Jokes!

BUKING NA BUKING
Si Father Jack at Father Jake ay nagbakasyon sa Phuket at naisip nila na para talagang masaya ang bakasyon nila hindi magpapahalata na mga pari sila.
Pagdating nila sa Phuket ay bumili sila kaagad ng mga makukulay na damit shorts sunglasses at accessories para mag mukha silang kakaiba.
Kinaumagahan, nandun sila sa beach front, nakaupo at nag eenjoy sa tanawin habang nag iinum ng mga cocktails nang biglang lumapit sa kanila ang isang mega hot babe in a tight bikini. "helller, Father! Heller, Father! " bumati ang chick sa kanila.
Na shock ang dalawa… paano niya alam na mga pari sila? Bumalik sila sa isa pang tindahan at bumili pa sila ng mas bonggacious na kasuotang turista.
Sumunod na araw ay pumuwesto sila sa ibang bahagi ng beach at nag enjoy ulit sa tanawin. Bumalik nanaman ang bodylicious na hotbabe! "Good morning, Father Jack! Good morning Father Jake!" ang bati pa ng bikini babe. Tumyo agad ang mga mas lalung nagulat na dalawang pari. "Miss, bakit alam ninyo na mga pari kami? " tanung ni Father Jack, "at pati mga pangalan namin? " sabay kamut ng ulo ni Father Jake.
Sagot ng chick: "Hellooowww! Di nyo ba ako kilala? It’s me Sister Angela!

LAMAY
JUNIOR: Alam niyo tay,classmate ko napakadamot!
TATAY: Bakit naman?
JUNIOR: Di man lang niya ako inimbitahan sa libing ng tatay niya!
-eh di nakakain sana ako ng baboy!
-di ko rin siya imbitahin sa libing mo tay ha?

MARRIED LIFE
May isang intsik na sa sobrang hilig sa karaoke ay inabot ng 5 am.
Dahil sa takot mabugbog ni misis, nag-text ng: "HUWAG KA BAYAD RANSOM. NAKATAKAS AKO. UWI NA KO!"

NAGLILIHI
Asawa na buntis:honey gusto ko ng mangga utos ng bata.bilhan mo ko sa kanto.pls!
mister:ok honey.(nakabili na)ito na po honey..
asawa na buntis:ay bat hinog..gusto ko hilaw.
mister:a ok honey bbli nalang ako ulit..(nakabili na) ito na honey o..manggang hilaw:
Asawa na buntis:yeahhhhhhh'''salamat honey..pahinugin ko muna to..

SORRY
Girl: sinaktan mo ako tapos magsosorry ka ngayon? Para kang tanga!
Boy: e mas tanga naman kung mag sosorry muna, bago kita saktan.
Di ba? Mag isip ka nga!...


SAPATOS
Babae: sapatos ba kita?
Lalake:baket?
Babae: kasi kahit saan ako pumunta nandoon ka!!

NAKAGANTI SI MRS.
WIFE : Hon, paki fix naman ilaw sa labas.
HUSBAND : Hello!? Electrician ba ako?
WIFE : Eh di pkigawa na lang hagdan natin.
HUSBAND : Hello!? Karpintero ba ako?
Umalis ai husband, pagbalik gawa na lahat ng sira sa bahay. Tinanong niya wife niya kung sino gumawa ng trabaho.
WIFE : Kasi kanina a man saw me crying, sabi ko dami sira dito sa
bahay. So he offered to help in exchange of either sex or bake ako ng cake.
HUSBAND : So pnag-bake mo siya ng cake?
WIFE : Hello?! baker ba ako?

No comments: