Featured Post

MABUHAY PRRD!

Saturday, December 13, 2008

PAHAYAG NG KOALISYON KONTRA KORAPSYON


Ka Pule2 / IRENEO,

Maraming salamat po sa pagpasa ng isang kopya ng inyong pagsalin sa pambangsang wika na ang pamagat ay lalong nagbigay ng liwanag sa mga layunin at tuntunin ng "Koalisyon Kontra Korapsyon" (KKK).

Maraming salamat sa inyong pagsalin at ngayon ay lalong tumambad sa pangalan ng organisasyon ang napakabigat na dalahin para sa Mamamayang Pilipino.

Isa kayo sa mga kapwa Pilipino na aking nirerespeto ang pananaw, diwa at damdamin para sa tunay na kapakanan ng ating Inang Bayan, kahintulad ng mga miyembro ng Koalisyon Kontra Korapsyon.

Aking ikinagagalak na sa pamamagitan ng teknolohiya ay nagsisimula na ang kailangang kailangang pagkakaisa ng Mamamayang Pilipino tungo sa paglutas ng napakatagal ng walang pakundangang pang-aabuso ng mga nasa gobyerno.

Hindi maaaring tawaran ang pagmamahal sa Inang Bayan ng bawat mamamayang Pilipino na may natitira pang karangalan para labanan ang korapsyon na bantad sa ating lipunan. Bagama't iisa lamang ang tanging mithiin ng bawat isa para sa ating Inang Bayan ay hindi pa dumarating doon sa pagtugma ng mga ibat-ibang pamamaraan upang malunasan ang walang pakundangang pang-aabuso ng mga nasa gobyerno.

Kasama ako doon sa pananaw na karapatdapat lamang na iyong mga nasa gobyerno ay magsilbi ng tapat sa Inang Bayan at magpatupad ng mga reporma na kailangan.

Walang puwang sa anuman pang pagtatalo tungkol sa layunin at tuntunin para sa pangkalahatan, maski sa kasalukuyan o sa hinaharap.

Nguni't mayroong napakalaking puwang tungkol sa pamamaraan, pagdating sa kung ano ang tugma at nararapat para sa kasalukuyan. Nagkaroon tayo mga Mamamayang Pilipino ng isang maiituturing ng marami na napakalaking milagro noong Pebrero 1986.

Subali't tayo rin mga Mamamayang Pilipino ang basta na lang pinabayaan ang mga nakapwesto sa gobyerno na magawa ang mga karumaldumal na kabalbalan simula pa sa panahon ni Corazon Cojuangco Aquino. Sumunod ang mga kagarapalan sa panahon ni Fidel Valdez Ramos na hanggang ngayon ni isang kaso ay wala akong nabasa na nasa husgado. At ang pinakamalaking kahunghangan nating Mamamayang Pilipino ay noong Enero 2001, ng ang mayorya sa atin ay nagsawalang kibo lamang sa tahasang pagbasura sa ating 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.

Kulang noon sa bilang ang mga Mamamayang Pilipino na gustong umalma sa pagkalinaw linaw na pagtayo ng isang hunyangong demokrasya sa Pilipinas, na kung tunay lang na susuriin ng mabuti ay isang diktadurya na isinampa ng AFP at PNP, na gamit ang mga mapagsamantalang nasa Malacanang, Kongreso, at sa Korte Suprema. Isa ako doon sa mga nanlumo na yung naturingang mga sangdamakmak na abugado dito sa Pilipinas ay parang lumitaw na kakutsaba rin ng diktadurya, dahil sa ni wala man lamang narinig na kumuntesto sa ginawa nina Hilario Davide Jr. na hanggang ngayon ay ni hindi pa lang kinanti: yung tinagurian na "constructive resignation". Doon ako napwersa na ituring na ang mayorya sa ating mga Mamamayang Pilipino ay sobrang mga gunggong at maling mali ang ating mga bayani na mga namatay para sa atin.

Dahil sa lumusot sila noong Enero 2001 ay inulit muli ng diktadurya ang paglibak at ang pagbasura sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas noong eleksyon ng Mayo 2004.

At simula noon hanggang sa araw na ito ay patuloy na ang mayorya sa ating Mamamayang Pilipino ay pumapayag sa pagpapatuloy ng diktadurya.

Maski na pa ituring na isang pag-alipusta sa kakayahan ng mga Masang Pilipino ay aking kinuha ang linya na ang pag-asa na lamang ay ang mga may natitira pang mga dangal sa hanay ng mga intelektwal at mga propesyonal.

Nawalan na ako ng tiwala sa kung sino man ang mga pulitiko sa gobyerno sa lahat ng antas at isinama ko dyan ang kung sino man sa aking pamilya at kamag-anak na sumabak sa putik ng pulitika. Nawalan na ako ng tiwala hindi sa Panginoon, kung hindi doon sa mga naturingang na mga alagad daw ng kanilang mga diyos. At lalo lamang ako nangrimarim ng mismo ang mga nasa simbahan ay nagsimulang sumawsaw at kasalukuyang nagtatampisaw sa larangan ng pulitika.

Muli lamang akong nabuhayan ng pag-asa para sa Inang Bayan at sa mga hindi pa nga ipinanganganak na Pilipino noong aking mabasa na may bagong organisasyon ang mga kabataan: ang "Team RP". Nadagdagan ang aking pag-asa noong maintindihan ko ang layunin ng "Bangon Pilipinas". At noong suyurin ko ang Internet muli ay nakita ko na napakarami na pala naman ang mga nahimasmasan na sa ating mga kapwa Pilipino. Libo libong organisasyon ng mga Pilipino na mga nagdeklara ng hangarin sa pagbabago ng ating lipunan. At aking inakala na mayroon na ring isang posibilidad tungo sa tunay na pagbabago. Lalo na noong aking maintindihan ang layunin ng "TransEd-TransPin Movement": "Transform Education, Transform the Philippines".

Subali't ako ay nanlumong muli ng aking mapagtanto na numero lamang ang nagbago ng kaunti. Sa ilalim ay ampaw pa rin ang pundasyon ng karamihan. Sa pang-ibabaw at lalo na sa salita lang ay parepareho ang angas: Patriotismo, Integridad, at Ekselensya (PIE).

Mayroon ng numerong kailangan sa mga libo libong organisasyon. Subalit hanggang ngayon simula pa noong 1896 ay naririto pa rin sa ating gitna, ang mga kanya kanya at personal na layunin at hangarin na siyang nagsisilbi pa ring balakid upang marating ang "kritikong masa" na kailangan para sa pag-alsa ng isang malawakang pagbabago. Walang pinag-iwan doon sa mga nangyari sa panahon ni Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.

Parehong pareho lamang: masyadong marami pa ang gusto ay bida at hindi makapayag at makontento sa pagsuporta lamang sa paglunsad at pagsulong ng isang malawakang pagbabago para sa lahat ng Mamamayang Pilipino.

Bukod pa riyan, ang isa pang balakid ay ang hindi pagkakasundo sa ano talaga ba ang kailangang gawin ngayon, dito sa kasalukuyan, imbes na sa hinaharap na base lamang sa kung ano ba ang siyang ating gagawin ngayon. At dito nakapako ang sitwasyon. At wala mangyayaring pagbabago kapag hindi narating ang isang maliwanag na kasunduan kung ano ba talaga ang kinakailangang gawin nating mga Mamamayang Pilipino ngayon.

Tumpak ang pananaw na karapatdapat lamang na iyong mga nasa gobyerno ay magsilbi ng tapat sa Inang Bayan at magpatupad ng mga reporma na kailangan. Walang puwang sa anuman pang pagtatalo tungkol sa layunin at tuntunin para sa pangkalahatan, maski sa kasalukuyan o sa hinaharap. Subalit, iyun na nga ang pinaka-ugat ng mga problema sa ating kasalukuyan: iyun mismong mga kriminal ang nagpapatakbo ng gobyerno!

Dito ako nagdesisyon na maski na pa ako ay nag-iisa lamang ay kinakailangang ako ay makipag-batikusan doon sa mga itinuturing kong mas mga magagaling at may mga mas mataas na pinag-aralang mga propesor at mga doktor ng kung anu anong larangan. Hindi ko maintindihan kung bakit ang isang napakalinaw na sitwasyon ay napakalabo ng mga pananaw. Kaya ako ay napilitan na tahasan ng makipagbalitaktakan doon sa aking mga itinuturing na mas magagaling at may mga mas mataas na pinag-aralan, subalit malinaw na nabubulagan sa pagtanaw sa sitwasyon. Maski na anung anggulo tignan ay hindi ko maintindihan ang lohika ng: hilingan ang mga kriminal na tigilan ang kanilang ginagawa!


JM
==
===============================================


ASKING the CRIMINALS to STOP THEMSELVES is ABSOLUTE INSANITY!
Isn't this the TIME to draw the line among us Filipino Citizens, between those who are FOR or AGAINST this TRI-PARTITE DICTATORSHIP?
Haven't we had ENOUGH of the FENCE-SITTING, the "FEAR hiding behind the Call for Peace and Constitutionalism", the Ambiguity and Equivocal Attitude of the supposed Religious Leaders with Moral Ascendancy, and the Political Posturing of the Opposition?
Haven't we had ENOUGH of the USELESS TALKS / POSTINGS about RELIGIONS or POLITICAL IDEOLOGIES?
Haven't we had ENOUGH of the CRIMINALS sowing FEAR and CONFUSION among us FILIPINO CITIZENS, for us to argue among ourselves?
Isn't the REAL ISSUE on PATRIOTISM, INTEGRITY, and EXCELLENCE among ourselves, FILIPINO CITIZENS?
Isn't there only ONE relevant QUESTION that EVERY Filipino Citizen MUST ANSWER in the HERE AND NOW, and NOT on 10 MAY 2010:
Are you FOR or AGAINST this TRI-PARTITE DICTATORSHIP?
Is there any NEED for any public declaration when this is NOT a survey or a poll?

This is a CALL to EVERY Filipino Citizen for a CATEGORICAL ANSWER to ONESELF.
Based on YOUR categorical answer, YOU know EXACTLY what YOU must do as a FILIPINO PATRIOT with INTEGRITY and EXCELLENCE.
For sure, the AFP and the PNP are WITH the TRI-PARTITE DICTATORSHIP. Accordingly, it is pointless to rely on those institutions. It will be up to the INDIVIDUAL soldiers and policemen to make their respective INDIVIDUAL answers to the SAME QUESTION:
Are you FOR or AGAINST this TRI-PARTITE DICTATORSHIP?
Those who are presently with the Executive, Legislative, and Judicial branches for EMPLOYMENT, regardless of the nature of the employment contract, must make your respective INDIVIDUAL answers to the SAME QUESTION:
Are you FOR or AGAINST this TRI-PARTITE DICTATORSHIP?
Based on the ANSWERS, we DRAW THE LINE between those who are FOR or AGAINST this TRIPARTITE DICTATORSHIP.
Once WE Filipino Citizens have drawn the line between those who are FOR or AGAINST this TRIPARTITE DICTATORSHIP, what happens?
Let's END this ABSOLUTE INSANITY this DECEMBER 2008!
Para sa Pilipinas! Para sa Bagong Pilipino! Tapusin natin ang Kabaliwang ito!


No comments: