Featured Post

MABUHAY PRRD!

Monday, November 17, 2008

ATING TIPUNIN ANG NAGKALAT NA MGA BATO/SILYAR NG ATING KASAYSAYAN


My Dear Brothers, Whithersoever Dispersed:

More especially to the youth who are the "fair hope of our Motherland," according to our hero, Dr. Jose Rizal.

Let us search for, collect, conserve, and bring altogether the scattered stones, ashlars, and whatever, of our demolished country's history, left behind in shambles by our former colonizers, in order that we may reconstruct or rebuild our "damaged culture", and devastated national edifice.

Hindi magiging kalabisan marahil, at kung tutuusin ay siyang dapat na mangyari at isagawa; ng maraming mga Kapatid nating may sapat na kakayahang mag-akbay-balikat at manaliksik sa mga aklatang publiko -- sa USA, sa Japan, sa Hong Kong, sa Madrid, sa Barcelona, sa Mexico, sa Cuba, at maraming iba pa -- upang saliksikin ang nangagkalat na mga bato, o silyar ng ating kasaysayan.

Sa USA, unang-una, ang tinatawag ng mga nanakop na US Army na "Insurgent Records;" sa Guam, kung saan ipinatapon ang mga Pilipinong naghimagsik laban sa pananakop ng USA, sa pangunguna nina Apolinario Mabini at Artemio Ricarte; sa Hong Kong, ang putaputaking ulat (fragments of news reports) kaugnay ng ipinatapong (exiled) mga lider ng Katipunan, kaugnay ng Pakto sa Biak-na-Bato, at mga rekords nina Galicano Apacible at Mariano Ponce; ang mga ulat ni Felipe Agoncillo mula sa Paris; sa Japan, ang mga makabayang artikulong sinulat ni Heneral Artemio Ricarte -- ang tanging Pilipinong hindi napailalim, o sumuko/sumumpa sa watawat ng USA; at ibang mga bansa pa rin sa Europa.

Nagkalat na ang ating mga Pinoy US Navy retirees (kahi't pa man sila'y hindi na Filipino citizens), at iba pang mga kalahi nating naghahanap-buhay sa iba-ibang mga lupalop, na makatutulong sa pangangalap ng hiwa-hiwalay na mga hibla ng ating kasaysayan.

Ideya lamang po iyan, mga Kapatid. Upang tipuning matiyaga ang mga bato o silyar na magagamit sa pagbuo/pagtatayo ng matipunong gusaling bansa (national historical edifice).

Ang mga iyan ay siyang gamiting aralin ng ating kabataaan, sa halip na kung anu-anong mga literatura at mga pelikulang banyaga ang patuloy na mga palabas sa ating mga TV, na nakasisira sa pambansang pag-uugali.

Ang heograpiya ng bansa ay isang lubhang kailangang ituro pa rin sa mga mag-aaral; bagay na mag-uugnay sa damdamin ng mga mamamayan sa hiwahiwalay nating mga pulo, upang malinang ang damdamin ng pambansang pagkakaisa. Nakatatawang- nakaka-inis nung minsang mayrong isang tanyag nang reporter na nagsabing ang Lungsod ng Zamboanga ay nasa eastern Mindanao! Nakakahiya!

Marami pa sanang nais sabihin ang inyong Kapatid na hindi na tumatanda; nguni't baka hindi na kayo matunawan ng kinain. Tama na muna; at sa susunod na kabanata.

Bahala na kayong magpaumanhin sa mapupusok na mga kinatkat nitong pilosopong-gubat.

Hanggang sa muli,

Irineo Perez Goce -- a.k.a. Ka Pule2
kapule_2@yahoo.com
LIPA CITY, PHILIPPINES

No comments: