Featured Post

MABUHAY PRRD!

Tuesday, November 29, 2011

Ikaw Ang Dasal, Ang Kanta Ng Puso Ko


(Alay sa mga malayo sa mga minamahal sa buhay)
Isinulat at pagma-may-ari ni Loreto Quevedo Dimaandal
Sa Silicon Valley (Sabado, Nobyembre 25, 2011)

Sa tagal ng panahong di tayo nagkikita
Puwede pa kaya akong umasa
Na pagdating ng araw o panahon
Muli tayong magkikita at magkakasama?

Ikaw ang dasal, ang kanta ng puso ko
Araw-araw, ikaw ang laman ng aking isipan
Nagtataka kung minsan, palaging umaasam-asam
Na sana ay nandiyan ka ding naghihintay lang.

Ikaw ang dasal, ang kanta ng puso ko
Na siyang nagpapalakas sa akin
Lupaypay man sa pagod at pag-iisa
Nagsusumikap pa ring nagtataguyod sa gitna ng kalungkutan.

Ang layo mo, ang layo natin sa isa't-isa at sa pamilya
Kailangan ko talagang bumunot
Sa kailaliman ng aking katauhan
Ng natitirang lakas para makaahon sa kahirapan.

Ngunit kahit ganito ang ating situwasyon
Ikaw pa rin ang nagpapalakas
At ang nagpapa-ngiti sa akin
Ikaw ang dasal, ang kanta ng puso ko.

Maraming salamat sa Diyos at sa iyo!

P.S. I wrote this with Fil-Ams and OFW's in mind who are apart from their families and loved ones, but it is also for everyone. Smile - be of good cheer and courage!...Loreto

No comments: