Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, November 24, 2011

"HUGAS-KAMAY, IWAS-GULO"

Isinulat at pag-aari ni Loreto Quevedo Dimaandal
Para kay Presidente Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
Tungkol sa Hacienda Luisita at para sa ating mga Kababayan
(Araw ng Pasasalamat, Nov. 24, 2011)
Silicon Valley (Northern California, USA)

"Hugas-kamay, iwas-gulo" ang labas ng iyong istilo
Asiwa sa katotohanan nuong ikaw ay diputado .
"Clueless", kung baga, sa mga paghihirap ng mga mamamayan
Iwas-gulo, hugas-kamay sa yung katungkulan.
Ewan ko lang kung nagbago ka na
Nang gumanda naman ang record mo
Dati di ka naki-ki-alam, ngayon ba ganuon ka pa rin?
Ayaw maging presidente, pero nandiyan na yan, pangulo ka na ng bayan.

Lumitaw na sariling pamilya ang kinampihan ng nanay mo nuon
Utang na dapat binayaran sa taong bayan
Iniwasang maipamigay sa mga tunay na may ari
Sa mga magsasaka dapat napapunta
Itong mga lupain sa Hacienda Luisita, ngunit
Taliwas ito sa mga alituntunin
At napagkasunduan nuong matagal nang panahon.

Ibinasura lang at nilinlang ang mga pobreng tao
Binaril ang mga magsasaka at pinatay ang mga liders nila
Ipinakita kung gaano kalupit ang inyong pamilya
Ginawang gago at mangmang ang mga tao
Aping-api sa maraming taon hanggang ngayon
Yan ang ginawa ng pamilya Cojuangco-Aquino!

Ninoy ang pangalan ng tatay mo
Itaguyod mo ang pangalan at karangalan niya
Yaman ng mga mamamayan, kaagad ipamahagi na
Oobra pa kaya ngayon ang "hugas-kamay, iwas-gulo" na istilo mo?

Nasaan ang karapatan ng mga taong bayan,
Ala na bang pagbabago sa kanilang pamumuhay?

Nasaan ang prinsipyo at responsibilidad mo?
O ang prioridad para sa kapakanan ng taong-bayan?
Wagas nga ba at malinis ang hangarin mo o alanganin ka pa rin sa iyong katungkulan?

Tuwid na daan, sabi mo, di ba?
O, di dapat, yan ang sundin at sundan mo
Diretso sa landas ng katotohanan, serbiyong marangal
Ayaw ng katiwalian, malayo at malaya sa kasamaan
Yan dapat ang tunay na pangulo, hindi "hugas-kamay, iwas-gulo" na istilo mo.

Patnubayan sana tayong lahat ng Ating Mahal na Panginoon at igiya tayo sa tamang desisyon!
Opo, upang umusbong na ang buhay na ating mga kakabayan sa tamang pamamalakad at pamamaraan!


P.S. This is written with all sincerity and good intentions for the benefit of our countrymen...
Isang nagmamalasakit na NANAY sa AMERIKA...Ginang Loreto Quevedo Dimaandal

No comments: