Featured Post

MABUHAY PRRD!

Tuesday, October 18, 2011

LET US EMANCIPATE THE FILIPINO MIND FROM THE LABYRINTH OF THE MULTINATIONAL MINOTAUR

Pinagpipitaganan at Dakilang Dr. Bayani Katigbak:

At Pati na Rin sa Iba Pang --MINAMAHAL AT DAKILANG MGA KALAHI:

Ipagpaumanhin ninyo sa Filosopong-Gubat na sumawsaw sa inyong usapan. Naluluha siya sa tindi ng bugso ng damdamin habang tinutunghayan ang inyong e-kalatas, na tunay namang nakaka-iyak, kungdi kamatay-matay!

Huwag sana ninyong pagdamutang tunghayan din ang sumusunod:

--Paksa: SAGIPIN ANG BANGSA SA KUMUNOY NG KULTURANG WASAK! --

LET US EMANCIPATE THE FILIPINO MIND......!!!

UNA. Isulong na natin ang sistemang PEDERALISMO, para sa pangunahing mga rehyon, alinsunod sa kanikanilang katutubong mga wika.

The conditions obtaining in our dear, suffering and unhappy Motherland are the outgrowth of our corrupted socio-economic systems engendered by prolonged cultural and intellectual exploitations by former colonizers. Let us not merely think of the present needs of our people, but more importantly, of the fortunes of our upcoming generations!

Ang mga kundisyong nananatili sa minamahal, nagdurusa at malumbay nating Inang Bayan ay nag-usbong mula sa ating kinoraptong mga sistema ng panlipunang kabuhayan na pinamalagi ng patuluyang pinatagal na pang-kaisipan at kabihasnang mga pagsasamantala ng dating mga nanakop. 'Di na sana natin isipin lamang ang kasalukuyang mga pangangailangan ng ating mga mamamayan, subali't higit pa, ang magiging mga kapalaran ng susunod pa nating mga saling-lahi.

It is high time our serious thinkers re-evaluate the past historical blunders by earlier leaders, rethink seriously and blaze anew, fresh and untrodden paths towards emancipating the long-abhorred and discredited national colonial mentality.

Sukdulang panahon nang ang ating mga masusing mapag-isip ay pagtimbang- timbangin ang mga nakaraang pangkasaysayang kamalian ng nauna nating mga pinuno, pag-isipang masinsinan at humawi ng panibago, sariwa at hindi pa natahak na mga landas patungo sa pagpapalaya sa malaon-nang-kinasuklaman at napawalang-saysay na kaisipang kolonyal.

Let us strive to rebuild a new, sturdy and strong national edifice and free ourselves and the generations yet to come from the centuries-old abominations which have hounded the national psyche tooooooooo long! and have obnoxiously rendered our nation as the laughing stock by many other nations of the world!

Pagsumikapan nating magtayong muli ng bago, matibay at matatag na pambansang gusali at palayain ang ating mga sarile at ang sasapit pang mga henerasyon sa daan-taong mga kinasuklaman na laging umusig sa pambansang kaanyuan ng napakataaaaaaaaaagal! at ikinalagay ng ating bansa sa hanay ng karimarimarim, kinukutya at pinagtatawanan ng iba pang mga bansa sa daigdig!

Let us now endeavor to free our upcoming generations from the sordid fate of becoming continuous and helpless sacrifices to the gluttony of the Multinational Minotaur within the Anglo-American hegemonic labyrinth, in the form of unhampered supply of cheap Filipino labor force in alien climes. Such condition has been deeply entrenched in the national leadership's psyche in the deep-seated yet grossly FALLACIOUS belief that PROFICIENCY IN the English language -- for "professional and employment advantage" -- is the key to national survival, progress and prosperity.

Atin na ngayong sikapin na mapalaya ang sasapit nating mga henerasyon sa malagim na kapalarang pagiging patuluyang mga handog (o sakripisyo) sa katakawan ng Multinasyonal na Halimaw sa saklaw ng pinagtambal na Anglo-American labirinto, sa anyo ng walang hadlang o sagabal sa mga padalang mumurahing manggagawang Pilipino sa iba't-ibang mga bansa. Ang kundisyong iyon ay natanim ng napakalalim sa kamalayan ng pamunuang-bansa batay sa malubha subali't NAPAKAMALING paniwala na KASANAYAN LAMANG sa wikang Ingles -- "para nakalalamang sa propesyon at pag-empleyo" -- ay siyang susi sa pambansang kaligtasan, kaunlaran at kasaganaan.

In truth and in fact, our present leaders in government's deep-seated love for an alien language (except perhaps P-Noy) to dominate our educational and governmental processes has been the passport of the Filipino diaspora to becoming menials in foreign lands. Let us encourage our children to become proficient NOT ONLY in the English language, but AS WELL AS in the languages of other progressive nations of the world.

Sa tunay na nangyayari, ang malalim na pagkagusto at pagpapahalaga ng kasalukuyang mga lider ng gobyerno (maliban marahil kay P-Noy) sa pamamayani ng dayuhang wika sa mga kaparaanan ng pagtuturo at pamamalakad ng gobyerno ay siyang nagiging pasaporte ng naglipanang mga Pilipino upang maging mga utusan sa ibayong mga lupain. Ating hikayatin ang ating mga anak na magpakasanay sila HINDI LAMANG sa salitang Ingles, kungdi PATI NA RIN sa mga lengwahe ng ibang mauunlad na mga bansa sa daigdig.

Towards the above objectives, Ka Pule2 hereby proposes the following courses of actions:

Tungo sa mga layuning nabagit sa itaas, si Ka Pule2 ay nagmumungkahi ng sumusunod na mga pagkilos:

FIRST -- Let us reform our country into a federated union, Pederasyon ng Filindiolaya, with a central governing entity that can be established / situated in movable locations according to the needs, facility and convenience of both the government and the governed.

UNA -- Ibahin natin ang anyo ng ating bansa na maging isang pinag-isang Pederasyon ng Filindiolaya, na may sentrong namamahalang kaayusan na pwedeng itatag / itayo sa napagbabagu-bagong mga lugar alinsunod sa mga pangangailangan, kaayusan at kaginhawahan kapuwa ng gobyerno at ng mga pinamamahalaan.

SECOND -- Each of the federal / or / federated member states shall comprise contiguous geographic areas and proximate islands with common traditions and indigenous language, which shall be the basis for local government administration and educational instruction. This setup shall insure the ease and facility for local governance and administration. The indigenous language shall be the state language of each of the federated member states.

IKALAWA -- Ang bawa't pederal / o / ang mga miyembrong estado pederal ay bubuuin ngmagkakanugnog, magkakaratig at kalapit na mga pulo na magkakatulad ang mga kaugalian at katutubong wika, na siyang magiging batayan sa pamamahalang lokal at pagtuturo sa mga paaralan. Ang ganung kaayusan ay makatitiyak ng ginhawa at bisa para sa lokal na pamamahala at pamamalakad. Ang katutubong wika ay siyang magiging wikang estado ng bawa't kasapi sa pederasyon.

ENCOURAGE AND SUPPORT THE EFFORTSof every member Federal State or Province to research, develop NOT ONLY THEIR LOCAL NATURAL RESOURCES and INDIGENOUS TALENTS, BUT AS WELL TO CONSERVE AND PRESERVE their ancient lores and traditions which will strengthen and enrich native culture, and which shall be their contribution to the vast global literatures AND CULTURAL PROGRESS. Then our country (federated regions) shall not be mere CONSUMERS AND IMITATORS of the cultures and mores of other nations.

SUSUGAN AT SUPORTAHAN ANG MGA PAGSISIKAP ng bawa't miyembro ng Estado Pederal sa pananaliksik, pagpapaunlad HINDI LAMANG NG KANILANG MGA LOKAL NA LIKAS NA YAMAN at KATUTUBONG MGA KATALINUHAN, KUNGDI PATI NA RIN SA PAG-IINGAT AT PANGANGALAGA sa kanilang mga matatandang mga kaugalian at mga alamat na siyang magpapalakas at magpapayaman sa katutubong kabihasnan, at magiging ambag nila sa napakalawak na pagdaigdigang mga kaalaman AT KAUNLARANG KABIHASNAN. Sa ganun, ang ating bansa (mga rehiyong ginawang pederasyon) ay hindi na mananatiling mga GUMAGAYA AT TAGA-ANGKAT LAMANG ng kabihasnan at kaugalian ng ibang mga bansa.

THIRD -- The central government of the Federation shall have movable domicile in accordance with the needs and convenience of all concerned.

IKATLO -- Ang sentrong pamahalaan ng Pederasyon ay magkakaroon ng maipag-palipat-lipat na tanggapan alinsunod sa mga pangangailangan at kaginhawahan ng lahat na mga kinauukulan.

FOURTH -- The official language of the Entire Federation shall be the conglomerated / amalgamated national language as developed, enriched, promoted, propagated and adopted by the National Language Commission, or Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), as recommended to then President Corazon C. Aquino by the PaMaNa (Pangkat ng Manunulat Nasyonalismo) sa Malacañang, and as created and authorized under Republic Act No. 7041.

IKA-APAT -- Ang lengwaheng opisyal ng Pederasyon ay ang pinag-sambug-sambog / pinaghalu-halong pambansang wika na nilinang, pinagyaman, isinulong, pinalaganap at ginagamit ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na inirekomenda sa dating Pangulo Corazon C. Aquino ng PaMaNa (Pangkat ng Manunulat Nasyonalismo) sa Malacanang, na nalikha at pinagtibay sa ilalim ng Batas Republika Blg. 7041.

FIFTH -- In coordination, and cooperation, with the central government, each member State of the Federation shall adopt and institute the Grand Jury and Trial by Jury systems in its own area of jurisdiction.

IKALIMA -- Sa pagtutulungan, at pagdadamayan, ng sentrong pamahalaan, ang bawa't kasaping Estado ng Pederasyon ay susunding angkinin at ipapa-iral ang mga sistema ng Pangkalahatan at Paglilitis Hurismo sa kanya-kanyang lugal na nasasakupan.

SIXTH -- Within a reasonable period of time, English shall be PHASED OUT as an official language in the country, and together with other widely spoken foreign languages, be also OFFERED ASOPTIONAL subject of study in the schools, all over the Pederasyon ng Filindiolaya.

IKA-ANIM -- Sa loob ng karampatang panahon, ang English ay ISASATABI NA bilang wikang opisyal ng bansa, at kasama rin ng ibang malawakang sinasalitang mga wikang dayuhan, ay ganunding IA-ALOK BILANG OPSYUNAL na aralin sa mga paaralan, sa kabuuang Federasyon ng Filindiolaya.

SEVENTH. Let us revamp the set up of our Armed Forces -- such that the Navy and Marines shall be allocated the biggest, or preponderant, share or allotment in logistical support for their expanded manpower strength and facilities, followed by the Air Force and least for the Army (as this is fully operating side-by-side with the PNP, or Philippine National Police).

IKAPITO -- Ating ibahin/baguhin ang pagkatatag ng ating Sandatahang Lakas -- na ang Nabal at mga Marino ay siyang paglaanan ng pinaka-malaki, o nakalalamang, na bahagi ng inilalaang mga gugulin para sa pinalawak na lakas sa dami ng mga tauhan at mga kagamitan, kasunod ang Hukbong Himpapawid at pinaka-kokonti ang sa Army (kasi'y ito'y katambal na at puspusang gumaganap / kumikilos na kaagapay ang PNP, o Philippine National Police).(Mabuti na lang at naputol/nagwakas na ang Treaty sa Parity Rights, na ang US Government ay nakaka-conscript ng UPPER Ten Percent in Scholastic Standing from Pinoy High School Graduates to enlist in the US Navy. Just imagine all economic inputs on a young Pinoy -- from the time of conception, thru his birth, upbringing until he finished high school -- were economic investments / inputs by our Government -- and immediately the talented young man is lured to serve under a foreign flag!!!

Nautakan si Pinoy!) Ha ha ha!

Corollarily, the AFP Headquarters ought to be located not in the Manila area, but should be transferred to either Fort Bonifacio or Clark (Angeles, Pampanga) areas; the Army could be at Cavite-Laguna-Batangas Area, the Air Force at Mactan (in memory of the first victory by a local chieftain against a foreign interloper, na ginugunita natin sa mamerang aluminyo na 'di pagka-abalang pulutin ng batang maglalaro sa putikan!); and the HQs Navy and Marines could be established in the historic area of the "Liberation" Landings within the Gulf of Leyte, instead of in Manila Bay. Or in the vicinity of Biliran and Maripipi Islands, where a FORT FLORENTINO DAS could be established, to honor the memory of the Samarnon intrepid boatman who sailed solo (1955) in his boat -- The LADY TIMARAW -- from his adopted wayfarer's home in Hawaii, back to the land of his kindred.

Kaagapay nito, ang Punung-Himpilan ng SandatahangLakas ay hindi dapat sa Kalawakang Maynila; kungdi ilipat na sa Fort Bonifacio o sa Clark (Angeles, Pampanga) na lugar; ang Army ay pwedeng sa bandang Cavite-Laguna-Batangas; ang Air Force ay sa Mactan (paggunita sa unang pagwawagi ng ating si Lapu-Lapu sa dayuhang balasubas, na pinarangalan ng gobyerno sa salaping mamera na aluminyong hindi maisipang pulutin ng batang maglalaro sa putikan! ha ha); at ang HQs ng Navy at Marines ay pwedeng ilipat sa makasaysayang lugar ng "Pagdaong ng Pwersa ng Liberation" sa Gulpo ng Leyte, sa halip na sa Look ng Maynila. O di kaya'y sa kanugnog ng mga Islang Biliran at Maripipi, kung saan pwedeng magtayo ng KUTA Ni FLORENTINO DAS, upang parangalan ang alaala ng magiting na Samarnong manlalayag na namangkang mag-isa -- sa Bangkang The LADY TIMARAW -- mula sa pinamalagian niyang Hawaii, sa pag-uwing pabalik sa lupain ng kanyang mga ninuno.

And for such feat, he was honored by President Ramon Magsaysay with a Legion of Honor decoration and the Honorary title of Navy Commodore. (A photograph of this event is recorded in the Book -- LETTERS To Matrimony, by Nimia Perez Carpio printed by AMAZON BOOKS.)

At sa ganung kabayanihan, siya ay pinarangalan ni Pangulong Ramon Magsaysay ng Hiyas na Legion of Honor, at Pandangal na Titulong Commodore ng Navy. (Ang larawang kuha sa seremonya ng parangal ay nakalimbag sa aklat na MGA LIHAM PATUNGONG DAMBANA, ni Nimia Perez Carpio sa AMAZON BOOKS.)

Samarnons have long bewailed of the government's neglect of their area in the scheme of national development in infrastructure. It is a fact that socio-economic, as well as cultural and other lateral developments necessarily follow military developments; and this proposal will redound to the hastening of developments in the Samar-Leyte areas.

Malaon nang idinaraing ng mga taga-Samar ang kapabayaan ng gobyerno sa kanilang lugar sa larangan ng pambansang kaunlaran sa imprastruktura. Isa namang katunayan na ang panglipunan-kabuhayan, gayundin ang pangkultura at kaagapay na mga kaunlaran ay sadyang sumusunod lamang sa mga kaunlarang militar; at ang mungkahing ito ay magbubunga ng pagpapabilis ng mga katulad na kaunlaran sa mga lugar ng Leyte-at-Samar.

Ka Pule2 hastens to add: Our country ought to maximize its maritime capabilities, considering that our archipelagic coastlines and water areas are very vast and extensive compared to many nations of the world. Ambitious Filipino seafarers suffer merely in enslaving themselves in the employ of alien flag carriers. Our government leaders ought to provide them with attractive incentives to first serve their motherland which ought to provide them the best opportunities for life's future advancement.

Minamadaling iragdag na pahabol ni Ka Pule2: Ang ating bansa ay dapat palawakin ang mga kakayahan sa pandaragat, sa pagsasa-alangalang ng lawak at hangganang napakahaba ng ating mga baybayin kung ihahambing sa maraming mga bansa sa daigdig. Ang mapangaraping mandaragat na mga Pilipino ay nagsisipag-tiis lamang na paaliping maglingkod sa mga dayuhang bandila ang taglay. Ang mga lider ng ating gobyerno ay dapat paglaanan sila ng nakae-enganyong pang-akit upang maglingkod muna sa Inang-Bayan na siyang dapat maglaan sa kanila ng pinakamahusay ng mga pagkakataon para sa hinaharap na kaunlaran ng buhay. For the serious contemplation and consideration by whoever would be our country's future government leaders. The above ideas are hereby also offered and proposed -- AND MAY BE AMENDED OR MODIFIED BY OTHER THINKERS -- for the consideration by all freedom-loving citizens of our suffering Motherland, and in consideration of the kind of life and fortunes our upcoming generations will enjoy in ages to come.Para sa seryosong pagmumunimuni at pagsasa-alangalang ng sinomang magiging mga lider ng ating gobyerno sa hinaharap. Ang mga ideya sa itaas ay inia-alok din -- AT PWEDE RING BAGUHIN NG IBANG MGA MAPAG-ISIP -- para isa-alangalang ang iminumungkahi sa lahat na mga kalahing mapagmahal sa nagdurusa nating Inang-Bayan at upang isaalang-alang din ang uri ng buhay at mga kapalarang ikaliligaya ng ng susunod nating mga saling-lahi.


Irineo Perez Goce (aka) Ka Pule2
pseudonym: leonidasagbayani
Laong Laan :: 185, Quezon City
Lodge Perla del Oriente No. 1034, SC
Quezon City Bodies, A&ASR
CL: Lungsod ng LIPA, Pilipinas

No comments: