Featured Post

MABUHAY PRRD!

Monday, October 24, 2011

BUHAY AMERIKA - 2

Hindi yata lahat totoo.

Totoo nga na may mga tao na ang akala pag nasa Amerika ka madami ka nang pera.

Pag marunong kang magtipid sa Amerika mas may chansa ka na makakaipon ka nang maraming pera. Sa Pilipinas, wala kang choice kundi magtipid kung gusto mong kumain ng tama sa susunod na meal.

Kung matipid ka sa Amerika gamit mo lang ang credit card mo for convenience lang; at bayad in full pagdating ng bills para walang interest.

Sa Pilipinas may mga taong napipipilitang umutang sa 5-6 para lang maidaos ang gutom nang pamilya.

Totoo nga na kailangan mo ng sariling sasakyan sa Amerika para ka makarating sa iyong trabaho dahil walang public transportation na kamukha ng jeep, bus at tricycle. Meron ding bus at commuter train pero mas malaking advantage kung meron kang sariling sasakyan.

Puwede kang bumili ng Toyota Corolla nang hulugan mga $200 kada buwan sa loob ng limang taon. Kayang kaya kung may trabaho ka. Ang kinikita ng unskilled labor (waiters, store clerk, janitor, caregiver, etc.) umaabot sa $6 hanggang $10 per hour. At 40 hours per week, umaabot ng $240 to $400 kada linggo.

Ang mga skilled labor (carpenters, machine operators, assembly line techs) umaabot ng $10 to $20 per hour.

Ang mga professionals (engineers, nurses, accountants) umaabot ng $20 to $60 per hour. Kada taon meron kang paid 2 week vacation para maipasyal mo ang pamilya mo sa Disney o kung saan.

Sa Pilipinas, kahit maganda na ang trabaho mo, hirap pa din ang buhay.

Totoo nga na puro ka trabaho sa Amerika Monday to Friday, at kung minsan may overtime pa. Ang weekend para naman sa pamilya o barkada.

Sa Pilipinas tambay ka sa kapitbahay at baka makalibre ka ng tanghalian.

O kaya tiis ka na lang sa tagay na may konting pulutan. Kaya pag-uwi mo lasing at masaya ka. Kaya lang kung ganyan ang pang araw araw mo, may sakit ka na 50 anyos ka pa lang.

Ang absolute cost at standard of living sa Amerika mas mataas kesa Pilipinas. Pero kung ikukumpara sa earning capacity, mas mura sa Amerika.

Sa Amerika mas malaki ang chansa mo na maka bili ng sariling bahay at lupa. Sa Pilipinas pamana lang ang chansa mo.

Malungkot ngang iwanan ang mga mahal mo sa buhay kaya halos kada taon umuuwi ka para bumisita. Kinalaunan, matanda ka na, ang mga anak mo wala na sa bahay dahil meron na silang kani kanilang pamilya, may mga apo ka na nasa college na, bayad na ang bahay at lupa mo, pensionado ka nang kumpanya mo at gubiyerno.

Sa Pilipinas di ka nakakasiguro kung papano ang buhay mo kung retired ka na. Puwedeng sa una pakape-kape at rosario ka. Pero kinalaunan, pakape-kape pa rin pero wala nang rosario dahil may idad ka na. "Idad, san yung kape ko?"

No comments: