Featured Post

MABUHAY PRRD!

Friday, March 1, 2019

Netizen’s open letter to the critics of Duterte: “Hindi ko Ipagpapalit and Diktador na si Duterte kahit na bigyan niyo ko ng 100 disenteng Presidente!”

By pinoytrend - February 28, 2019

A netizen wrote an open letter to the critics of President Rodrigo Duterte who kept calling the latter a ‘dictator’ because of his strict style of governance.

In his lengthy post, netizen Noel Sarifa listed some of the achievements of the Duterte administration while at the same time, trying to convince the critics of the President that the chief executive is not showing signs of being a dictator.

He also compared the current President to other leaders who called themselves ‘decent’ despite having more failures than the current administration.

According to him, Duterte was showing signs of being peaceful and loving that cannot be seen in a real dictator.

He mentioned the Oplan Tokhang, Free tuition, peace talks and other things that President Duterte did for the country.

In the last part of his letter, he said that he would never replace Duterte with other ‘decent’ leaders who fail to keep their promise to the people.

You can read his whole post below:

“Nagkalat na naman sila sa Kalye at pinagsisigawang Diktador ang aking Presidenteng si Duterte!

Diktador daw ang Presidente ko pero binigyan ng pabahay ang NPA na sumuko. Sumuko ng kusa at hindi pinilit, hindi dinaan sa dahas.

Diktador daw ang Presidente ko at pinap*tay ang addict, yun lang daw ang alam nya ang pumatay. Kaya pala nasalba ang 3Million adik, nabawasan ang supply ng dr*ga at nakapagpat*yo ng rehabilitation centers. Dahil sa Oplan Tokhang nasalba ang buhay ng Milyong milyong mamamayan at kabataan na malulong sa dr*ga o mabiktima ng karahasan ng mga durugista. Naging mababa ang Kriminalidad at tumaas seguridad.

Diktador daw ang Presidente ko pero sya lang ang Presidenteng nakakaalala sa mga OFW kapag nagkaroon sya ng foreign visit. Kaya nagpauwi ng OFW para isa alang-alang ang kanilang kapakanan. Ilang Dekadang ginagatasan ang mga OFW pero pagnagkaproblema bangkay ng makakauwi sa Pilipinas.

Diktador daw ang Presidente kaya inaaprobahan ang free tuition at kahit binabatikos ng mga walang utang na loob na mga aktibistang estudyante ay hinahayaan nya etong magpahayag ng saloobin at hindi sumang-ayon na tanggalan sila ng scholarship.

Diktador daw ang Presidente ko pero dinaan sa legal ang mga kaso ni Maria Resa, Trillanes, De Lima at Robredo. At Bise Presidente Pa Rin si Leni kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na may dayaang nangyari.

Diktador daw ang Presidente ko pero ang mga nagrarally hinahayaan lang magprotesta lalo tuwing SONA, inimbitahan pa sa Malacanang. Noon hindi diktador at disente kuno pero may barikada at binubuhusan ng tubig ang nagpoprotesta.

Diktador daw ang Presidente ko kaya nagbigay ng Free Irrigation sa mga magsasaka. Pinamahagi nya ang lupain sa Hacienda Luisita na matagal nang ayaw ipagkaloob ng mga disente. Namahagi din ng mga lupain sa mga benificiaries na ang ilan ay kinamatayan na ang paghihintay.

Diktador daw ang Presidente kaya nagbigay ng laya sa mga dayuhang illegal na nangisda sa ating karagatan at may send off party pa.

Diktador daw ang Presidente ko kaya lapitin sya ng mga kabataan at magaan ang loob sa kanya. Nakikicelebrate ng Pasko sa batang may c*ncer.

Diktador daw ang Presidente ko pero malayang nakakapagpahayag ng paninira ang simbahan, media at opposition sa kanya.

Diktador daw ang Presidente ko pero ilang ulit ng nakikipag peace talk sa mga rebelde.

Diktador daw ang Presidente kaya nagmartial law sa Mindanao, kaya pala mas kampante ang mga taga Mindanao pagmay martial law kasi alam nilang aalagaan sila ng pamahalaan laban sa terrorista, may mga tangang nagrarally sa luzon kontra martial law, dahil diktador nga, malaya silang nagpoprotesta.

Diktador daw ang Presidente ko kaya mayroong Presidential Hotline at 8888 para makaabot ang hinaing ng ordinaryong mamamayan sa Malacanang para iyon ay matugunan.

Diktador daw ang Presidente ko pero malayang nakakapagpanira at nagpapakalat ng fake news ang mga bayarang media.

Diktador daw ang Presidente ko kaya yung mga squatter may budget ng relocation at inaantay na matapos ang relocation site at marelocate ang mga tao bago magpademolish.

Diktador daw ang Presidente ko kaya pinaayos ang substandard na pabahay sa mga biktima ng Yolanda.

Diktador daw ang Presidente ko kaya nagbibigay galang sa mga namatayan na sundalo, biktima ng bagyo at kalamidad at biktima ng terorismo. Personal na nag-aabot ng tulong ang Diktador at makikita mong sincere na lumuluha at nakikidalamhati.

Diktador daw ang Presidente ko kaya mas pinili nyang magkaroon ng diplomatic ties sa China kesa makipagmatigasan, magkagiyera at dumanak ang dugo ng ating mga inosenteng kababayan at sundalo.

Diktador daw ang Presidente ko kaya pinalaya ang mga kaawa-awang matatandang nasa kulungan na ilang dekadang hindi pinansin ng mga disente at hinahayaang mamatay sa piitan.

Diktador daw ang Presidente ko at Tuta ng Kano, kaya minura ni Duterte ang Presidente ng Amerika, naisauli ang Balangiga Bells at Umaayon sa Laban kontra Dr*ga ang America sa Pilipinas na nooy madiin na tumututol dito.

Magrally kayo hanggang gusto nyo! Kahit bigyan mo pa ako ng isang daang Disenteng Presidente hindi ko Ipagpapalit and Diktador na si Duterte! Hinding Hindi nyo sya mapababa sa pwesto dahil kaming taong bayan na matagal ng ginagago ng mga Disente ang makakalaban nyo!”

As of writing, the post of Sarifa already reached 50,000 shares on social media.

Source:

Nagkalat na naman sila sa Kalye at pinagsisigawang Diktador ang aking Presidenteng si Duterte!
Diktador daw ang Presidente ko pero binigyan ng pabahay ang NPA na sumuko. Sumuko ng kusa at hindi pinilit, hindi dinaan sa dahas.
Diktador daw ang Presidente ko at pinapatay ang addict, yun lang daw ang alam nya ang pumatay. Kaya pala nasalba ang 3Million adik, nabawasan ang supply ng droga at nakapagpatayo ng rehabilitation centers. Dahil sa Oplan Tokhang nasalba ang buhay ng Mil...
See More
https://pinoytrend.net/2019/02/28/netizens-open-letter-to-the-critics-of-duterte-hindi-ko-ipagpapalit-and-diktador-na-si-duterte-kahit-na-bigyan-niyo-ko-ng-100-disenteng-presidente/?fbclid=IwAR0faNqUuM6E9J5GvhxsNyAYpGg4Xb2lQ5cL9yKya58pdRTReayFk9l3YTQ

No comments: