Hindi ako pabor sa Ninoy Aquino Day kasi:
1. Ginagamit ang kapangyarihan ng estado sa pansariling kapakinabangan ng pamilyang Cojuangco-Aquino
2. Hindi sapat ang nagawa ni Ninoy noong nabubuhay siya para magkaroon ng holiday para sa kanya; hindi lang si Ninoy ang lumaban sa diktadurya; hindi lang siya ang namatay sa pakikipaglaban sa diktadurya.
3. Hindi si Ninoy, na isang reformed trapo, ang karapat dapat na simbolo ng laban sa diktadurya; mas nababagay ang mga aktibistang estudyante, halimbawa, bilang simbolo laban sa diktadurya.
4. Hindi ang kamatayan ni Ninoy ang naging dahilan para sa People Power noong 1986. Nagsagawa lang ng malawakang brainwashing ang media, lalo na ang tv (lalo na ang Lopez-owned ABS-CBN) simula 1986 para isaksak sa utak ng mga di nakakaunawa ng kasaysayan na dahil sa pagkamatay ni Ninoy ang EDSA. Sa totoo lang, ang EDSA ay dahil sa pagbagsak ng popularidad ni Marcos kasabay ng kanyang pagkakasakit, hindi dahil sa pagkamatay ni Ninoy. Kung walang sakit si Marcos, mas popular siya kay Ninoy, buhay man o patay. Hindi natinag ng pagkamatay ni Ninoy noong 1983 ang diktadurya. Natinag ang diktadurya nang kakitaan ng panghihina dahil sa sakit ang diktador. Sasabihin ng ilan, bumagsak ang ekonomiya dahil sa pagkamatay ni Ninoy. Tama, pero tandaan, di alintana ng bansa ang pagbagsak ng ekonomiya dahil tumatanggap ang bansa ng tulong pinansyal at utang mula sa mga Amerikano. Kaya nga nagka snap elections noong 1986 dahil sa pressure ng mga Amerikano, hindi ang pagkamatay ni Ninoy.
5. Kung EDSA ang dahilan ng selebrasyon, dapat Pebrero ang holiday, hindi Agosto.
6. Wala sa lebel ni Rizal at Bonifacio si Ninoy. Ang pagkakaroon niya ng holiday ay nakakahiyang pagtutulak ng kanyang pamilya na ilagay siya sa lebel nina Rizal at Bonifacio.
No to Ninoy Aquino Day, August 21
—Prof. Van Ybiernas
No comments:
Post a Comment