By Van Ybiernas
Inabot ko ang simula ng Senate hearing sa pagkamatay ni Kian delos Santos bago ako umalis ng bahay for errands.
Opening speech ni Risa Hontiveros, ginawa nyang depensa sa mga ginawa nya imbes tungkol sa kung ano ang hakbang na pwedeng gawin, moving forward, sa pagkamatay ni Kian. Makikita mo talaga ang priorities ng ulol na ito. Hahaha.
Sinundan naman ito nina Bam Aquino at Joel Villanueva na pasimpleng banat sa War on Drugs!
Sarap pag-untugin! Wala naman daw silang kontra sa pagsugpo ng droga pero gusto nila pigilan ang pag-abuso kaugnay dito.
Ganun ba? E di antayin nyo ang imbestigasyon at report. Saka tingnan kung nagka-hustisya ba o wala. Nangako na ang pangulo na paparusahan ang dapat parusahan. Paulit-ulit naman sinasabihan ng pangulo ang pulis na huwag umabuso. Ano pa ang kulang?
Bakit umeeksena ang CHR dito? Hindi lahat ng kaso ng pag-abuso ng pulis ay sakop ng CHR. Mahiya naman kayo sa IAS, Napolcom, Ombudsman at DoJ!
O baka naman feeling nyo part ito ng systematic na pang-aabuso, na policy ito ng pamahalaan? Aba'y matinding akusasyon yan na dapat patunayan!
Yan din ang tono ng ulol na si Hontiveros! E wala din patunay!
Kung ito ay sistematikong pang-aabuso at policy ng panahalaan, aba'y hindi lang 3/10 of 1 percent siguro ang namatay!
Ang sistematiko lang dito ay ang paghahangad ng mga Dilawan sa Senado na ikabit ito sa pangulo, at baka sakali ma-erode ang suporta nya. Ewan ko lang ha? Pero parang better luck next time na lang ito!
Aksaya ng oras ang naiisip ko habang pinapanood ko yung hearing e!
Hayaan na lang ang mga ahensya ng pamahalaan na gawin ang trabaho nila. Saka na lang sana mag-ingay kung walang nagawa ang IAS, Napolcom, Ombudsman at DoJ.
Kaka-hearing wala naman mabuting naidudulot sa problema. Grandstanding lang talaga!
Haaaaaaaaaaay naku!
No comments:
Post a Comment