TALAKAYAN
Anong masasabi mo sa panawagang mag-leave o magbitiw na sa Comelec si Bautista?
Published August 24, 2017 7:44pm
Nanawagan ang anim na komisyoner ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang kasamahan na si chairman Andres Bautista na mag-leave of absence o magbitiw sa harap ng alegasyon na mayroon siyang mga tagong-yaman.
Inihayag nina Commissioners Christian Robert Lim, Luie Tito Guia, Ma. Rowena Amelia Guanzon, Al Parreno, Arthur Lim at Sheriff Abas, ang panawagan kay Bautista sa isang pulong balitaan nitong Huwebes.
"The undersigned Comelec commissioners, having at heart the best interest of the service, and motivated by a deep sense of duty to our people, are constrained to come out in the open to strongly and urgently urge Chair J. Andres D. Bautista to go on leave of absence for such period as may be necessary or resign for his own sake, for the sake of his career, and most importantly, for the sake of his family particularly his four innocent children," saad sa kanilang inihandang pahayag.
"Chair Bautista has not made good on his promise that he would inform us soonest on his course of action of either a leave of absence or resignation. More than two weeks have elapsed since then," dagdag nila.
Ipinauubaya na umano nila kay Bautista ang pagpapasya kaugnay sa kanilang panawagan.
"What he will take is his own decision. We are just urging him. The effect on the Constitution has become undeniable. We live it up to his conscience," ayon kay Lim.
Sinabi naman ni Guanzon na ilang ulit nang lumiliban si Bautista sa kanilang mga papupulong at hindi nito naibibigay ang " 100 percent of his time" para sa ahensiya.
Sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Appropriations tungkol sa budget ng Comelec sa 2018, hindi rin nakadalo si Bautista kaya hindi natalakay ang naturang pondo.
"I think he should resign for his own sake and the for the sake of the Commission on Elections. I think that for me, yesterday was a... was for me really what made me decide to now advise him to resign," ayon kay Guanzon.
"Besides, since the first day that I advised him to file a leave, yes he failed to attend about two en banc meetings aside from yesterday's budget review and of course because all of his problems," dagdag niya.
Nahaharap sa kontrobersiya si Bautista matapos akusahan ng kaniyang asawa na mayroong siyang mga nakatagong yaman na hindi umano idineklara sa kaniyang Statement of Assets Liabilities and Net worth.
Sinampahan na rin siya ng impeachment complaint sa Kamara de Representantes.
Dati nang itinanggi ni Bautista ang mga alegasyon ng kaniyang asawa at sinabi rin nito na ipinagdarasal at masusi niyang pinag-aaralan kung kailangan niyang magbitiw o magbakasyon sa trabaho.
"As I have publicly stated, these are options that I have been considering and praying over. When I decide, they will be the first to know," saad ni Bautista sa text message bilang reaksyon sa panawagan ng kaniyang mga kasamahan.-- FRJ, GMA News
http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/623217/anong-masasabi-mo-sa-panawagang-mag-leave-o-magbitiw-na-sa-comelec-si-bautista/story/?utm_source=GMANews&utm_medium=Facebook&utm_campaign=news
No comments:
Post a Comment