Featured Post

MABUHAY PRRD!

Friday, August 25, 2017

Walang personality ang CHR sa pagkamatay ni Kian delos Santos.

By Van Ybiernas
Ang mga abusong binabantayan ng CHR ay iyong ginagawa ng pamahalaan at ng mga entities na kumikilos na parang mga pamahalaan.
So kasama dito ang mga organisadong rebelde at mga secessionist groups kagaya ng NPA, MNLF/MILF/BIFF, etc.
Hindi kasama sa human rights violations ang mga krimen na ginawa ng mga ordinaryong mamamayan.

Pero, HINDI rin KASAMA sa human rights violations ang LAHAT ng krimen na ginawa ng mga taong gobyerno, halimbawa ay isang pulis nang-rape ng kapitbahay nya o nangholdap ng isang tindahan o pinatay ang kalaguyo ng asawa nya.
Nagiging human rights violation lamang ang isang krimen kung ginagawa ito ng taong gobyerno sa UTOS mismo NG GOBYERNO o sa PAGSUSULONG ng INTERES ng gobyerno.
Para maging human rights violation ang pagkamatay ni Kian de los Santos, kailangan mapatunayan na: (1) murder ang nangyari; at (2) inutusan sila ng pamahalaan na gawin ito.
Kung hindi ito napapatunayan, walang personality ang CHR sa pagkamatay ni Kian delos Santos.

No comments: