By Van Ybiernas
Managot ang dapat managot, ganun lang naman ka-simple yan, e.
Na-EJK ba yung bata? Pwede...
E di kung na-EJK, managot yung mga pulis. Seriously, hindi nila dapat ginagawa yan e.
Wait... paano'ng okay lang na bumubulagta ang mga adik sa kalsada pero hindi okay ang EJK?
E siyempre kailangan manaig ang batas.
Yung mga tumitimbuwang sa kalsada, pinagsususpetsahan na pulis ang tumira pero walang pruweba. Kung may pruweba, e di ang batas ay batas.
Uulitin ko, kung basta tumimbuwang lang, at wala naman pruweba na pulis ang tumira ---at napatunayan namang adik at/o pusher yung napatay--- e di good lang para sa akin.
Pero kung klaro na may dapat panagutan ang may dapat panagutan, aba'y ang batas ay batas.
Paano naman kung runner yung bata? E di runner siya! Pero, di pa rin dapat tinumba kung hindi naman talaga nanlaban.
Simple lang yan para sa akin. Hindi naguguluhan ang isip ko. Malinaw ang dividing line para sa akin.
Okay! Halimbawa nga totoong tinumba ng pulis na walang kalaban-laban yung bata, may pruweba na ba ng EJK? Sa kasong ito, oo.
E di talon na dun sa mga numerong binabato tungkol sa dami ng EJK? Generalize na agad!
Hindi pa rin! Hanap muna sila ng pruweba para sa bawat isang kaso doon. Hindi pwedeng magamit na pruweba ang nangyari dito para sa iba pang kaso.
Ulit, malinaw sa akin ang dividing lines.
Pruweba, pruweba, pruweba. Diyan nabubuhay ang mga historyador.
Ewan ko na lang sa iba...
No comments:
Post a Comment