By Van Ybiernas
Di ko alam kung involved sa drugs si Paolo Duterte o hindi.
Pero kung ang ebidensya sa kanya ay pictures at pag-name-drop? Naman!
Okay, e bakit daw si de Lima nadale ng photos? E sa pagkakaintindi ko, hindi naman yung photo ang main na ebidensya laban sa kanya. Corroborating evidence lang iyon sa claims ng kanyang boylet ---at inamin naman ni de Lima na boylet niya si--- Ronnie Dayan.
Di naman ako abugado, pero marunong din tumimbang ng ebidensya ang mga historyador.
Hindi yung photo ang main evidence.
Now, kay Kenneth Dong may ebidensya. At kakilala obviously ni Dong si Paolo. So? Ano ngayon?
Ang mabigat dyan ay kung ikakabit ni Dong mismo si Paolo. Dun magiging relevant yung photo nilang magkasama.
E yung tsismis ni Taguba? Aba'y hindi na nga kailangan sagutin ito e! Naikwento lang kay Taguba ng isang tao na naikwentuhan lang din naman na si Paolo daw ang nasa likod.
Sure, pwedeng totoo ito. Pero, di ito ebidensya. Ang historyador na tatanggap ng ganitong klaseng ebidensya ay papaluin sa ulo ng libro ng kasaysayan ng kapwa nya historyador.
Lead ang tawag dito, hindi ebidensya. Lead ito na dapat ay magbunga sa matibay na ebidensya. Yun ang kailangan para maitali si Paolo.
Kaso ano naman ang aasahan mo sa isang kagaya ni Trillanes? Seriously...
No comments:
Post a Comment