By Van Ybiernas
Malinaw naman ang kahulugan ng "bayani" ayon sa mga pananaliksik ng Pantayong Pananaw scholars. Hindi dahil hindi aware ang ilan dito ay wala na ito.
Long story short, ang bayani ay manggagawa ng bayan, kumikilos para sa ikabubuti ng bayan. Ang bayan mismo ang humihirang sa bayani.
Siyempre pa, hindi lahat ng bayani ay pantay-pantay, may mga Jose Rizal at Andres Bonifacio na mga bigating bayani, at may mga minor na bayani dahil sa kanilang munting kontribusyon sa bayan sa isang mahalagang panahon sa kasaysayan.
Samakatuwid, importante ang konteksto. Paki-sabi kay Joseph! Hahaha. Konteksto ng panahon. Konteksto ng outcomes sa isang partikular na panahon.
Halimbawa, malinaw ang konteksto ni Ninoy Aquino. Kasama siya sa mga lumaban sa diktadurang Marcos ---come on, diktador si Marcos by definition. Pinaliwanag ko na ito sa Dulowtard History Live.
Now, may konteksto din si Marcos. At pinaliwanag ko na rin ito. Sa simula, tanggap ng bayan ang Martial Law, so hindi pa kalaban ng bayan si Marcos. Subalit ---to shortcut the discussion--- naghirap ang bayan noong 1980s so tinalikuran nila si Marcos. Naging kalaban siya ng bayan.
At ang mga kagaya ni Ninoy Aquino na lumaban kay Marcos ay naging bayani. Marami sila, op kors. Isa si Ninoy sa maraming minor heroes ng panahong ito. Kaya nga tutol ako sa Ninoy Aquino Day! Kasi, ini-inflate ng mga Dilawan ang papel ni Ninoy sa kasaysayan. Pero, hindi pwede baluktutin ang kasaysayan. Ang nangyari ay nangyari.
Last point, kung walang EDSA, hindi magiging bayani si Ninoy at lahat ng lumaban kay Marcos.
Kaso nangyari ang EDSA. Nagsalita ang bayan. Kailangan makinig ang mga historyador.
So, iyan ang paliwanag, Joseph! Hahaha
No comments:
Post a Comment