Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, October 15, 2015

Woman Taxed Almost 20,000 on a Used Bag! Check Out What She Does to Prevent Corruption

By  on October 14, 2015

We all know how difficult it is to send/receive items in the Philippines, especially now that the Bureau of Customs has decided to add more than the usual amount of tax on what they deem as highly priced items. After the multiple stories relating to these in the past months, a lot of Filipinos have started feeling wary or afraid of having items shipped to the country. More often than not, the added tax is even more expensive than the item itself.
In the case of Norlin R., she decided to outsmart the BOC but still abide in all the rules and regulation. Check out her story below.

“Eto na po ang kabuuan ng kwento sa karanasan ko kanina sa BOC. Para malinawan ang lahat sa mga patingi tinging impormasyong shinare ko kanina.
I received the notification cards from PHILPOST earlier today so knowing na high end goods ung laman ng boxes, pinuntahan ko na agad at ramdam kong magkakaron ng “problema.”
Pagdating ko sa EMS Pasay, kumuha ako ng number at tahimik na naghintay na tawagin ang number ko. Pagtawag sakin, they opened smaller of the two boxes na pinadala sakin. This lady in charge, who refused to disclose her name (they are not even wearing IDs! May nakasabit sa leeg nila pero it only says I am Customs or something to that effect), told me upon seeing the contents of the first box na, “Ay hindi mo ito makukuha unless ma- assess ang value at mabayaran mo ang tax.”
Norlin: “Madam, kahit USED items na binayaran mo na ang tax when you first purchased it, sisingilin nyo pa din ng tax?”
Lady in charge: “Oo kasi considered imported goods yan.”
Norlin: “Paano nyo po i- categorize ang imported goods versus padala ng relatives as gifts?”
LIC: “Alamin mo halaga nyan kahit used pa yan.”
N: “Madam taga Canada nagpadala nyan sakin. Tulog na un ngayon, alangan gisingin ko pa para alamin ko lang halaga ng mga yan. Ang di ko talaga magets ay iyong purpose ng taxing sa USED items. Explain mo naman po. Saka madam, sino Officer of the Day nyo? Para makausap ko po, enge na din po ako ng name nyo madam.”
LIC: “Ay di namin binibigay names namin eh, dun ka sa loob pumasok, kausapin mo ung officer namin dun.”
N: “Madam, sa national government din po nagttrabaho tatay ko, SOP po sa gov’t offices na pag hiningi po ang names, hindi po pwedeng hindi nyo ibigay. Wala naman po akong gagawin sa name nyo. For reference lang.”
At this point, LIC went to another room and brought with her Madam Officer.
LIC then went on to inspect other people’s items.
MO: “Ma’am ano po concern nila?”
N: “Ma’am clarification lang po dun sa taxes. Kahit puro gamit na ito (I showed them the contents of both boxes at this point), bayaran ko pa din ang tax?”
MO: “Ay opo, Louis Vuitton yan ah, wow. Alam mo tumingin ako nyan sa Festival Mall, 120K pa yan.”
N: “Ma’am sa Greenbelt lang po may LV saka po discontinued model na po yang bag na yan. USED nga po eh. Anyway, pano po gagawin natin ngayon? Alangan naman hindi ko kuhanin yang padala sakin eh akin nga yan?”
MO: “Eh ibase nalang natin sa declared value dito sa box ung tax mo.”
Maya maya dumating si Sir Chief, nakita ung bag na gamit ko.
SC: “Kasama ba yan dito?”
N: “Ay hindi po, gamit ko po yan ngayon.”
Sabay pumasok sa kabilang kwarto si SC at MO. Magcocompute daw. I asked kuyang helper to seal uli the items then he asked me to sign both boxes para iwas- tampering. Pinalabas ako para maghintay.
Habang nasa labas ako at nakaupo, nakatuwaan kong picturean ung name ng BOC under PHILPOST. Sa kasamaang palad, nakita ako ng guard.
Guard: “Ma’am, pakibura ung pictures.”
N: “Patingin po muna ako ng batas na nagsasabing bawal magpicture dito. Hindi ung signage lang. Documentation ginagawa ko kasi.”
G: “Ginagawa ko lang work ko.”
N: “Private property ang phone, hindi dapat ipakita pero eto binubura ko na ha?” (Unknown to kuya though, naipost ko na ung mga stolen shots ko sa loob kanina.)
N: “Okay na?”
Guard then walked away.
Nainip ako, lumapit sa guard na nanita sakin kanina. He directed me to the other room.
Me to another BOC officer: “Sir, follow up lang po, mga gano po ba katagal magcompute ng tax? Kasi diba declared value times 12% lang po iyon? Ang tagal po kasi eh kanina pa ako naghihintay.”
BOC officer: “Kanina pa kayo sinabihan na magpunta dito.”
N: “Sir kung may nagsabi sakin, eh di kanina pa ako andito db? Anyway, asan na po ung kakausapin ko?”
BOC officer: “Ayun,” sabay turo kay MO uli.
Inabot ni MO sakin ang computation, nalula ako, Php 19,834!!!

Keeping my cool, I asked, “Madam, pano nangyaring ganito?”
MO: Ung declared cost nya tapos freight charges, blah blah blah…”
N: “Freight charges? Madam, senseless pala ung 700 CAD na binayad sa Canada Post noh? Kasi nagbayad na dun para maitransit dito ang goods, pagdating dito, ako na pumunta to pick up, may gastos pa din to transit my USED goods?”
MO: “Ganon talaga eh.”
N: “Madam, kayo kasi inaral nyo ung laws sa customs, kami taga tanggap lang ng items, paki- explain naman po para maintindihan ko. Saka madam, mahirap po ba ibigay names nyo? Tinanong ko lang naman, wala naman ako gagawin sa names nyo. Kanina pa ako kumakausap ng tao sa inyo, ni isa walang magbigay ng name sakin. Panay turo sa room na ito. Ngayon andito na ako sa room kung saan ko makukuha names nyo, baka naman pwede maibigay nyo. For reference lang since sa government din tatay ko at may tito din ako sa customs although sa port sya.”
MO: NR. Tuloy lang sa pagcompute.

Dito na ako nag mala- Gabriela Silang. Addressing everyone in that office.
N: “Nakalagay po sa labas ng pinto nyo na we should respect you and your work. Hindi ko kayo minura pero ako binastos nyo. Ang tino tino ng tanong ko sa inyo ayaw nyo sagutin. Tapos lahat kayo tatalikod pag pangalan na hinihingi ko. Magbabayad naman ako eh, gusto ko lang may reference ako. So eto, sige, babayaran ko yan. Eto cheque ko, kaninong name ko ilalagay?”
MO: “Ay ma’am HINDI kami tumatanggap ng personal cheque. Cash lang po.”
N: “Ay cheque ako magtransact para may paper trail ako. Ayaw nyo ba nun? Secured and dated naman din today? Saka madam, asan na po names nyo?”
MO: “Cash lang po talaga.” Sabay mwestra sa assistant nya na bigyan ako ng listahan ng names ng officers nila.
N: “Madam, asan name nyo dito? Huhulaan ko? Pati ung name nung naka blue dress kanina sa labas. 
MO: (Pigil ang gigil) “Yan ako, tapos ung babae kanina, sya yan.” Ang diin ng dutdot niya sa papel na may names nila. Sabay
… “Ikaw, ano name mo?”
N: “Norlin Sunga po, asa cards nyo naman po. Hindi ko naman ipagdadamot name ko gawa magkatransaction tayo. Madam, cash talaga? Eto cheque oh, may pondo naman yan.
MO: “Cash talaga. Gobyerno din kami kagaya ng daddy mo, sya nga pala.”
N: “Opo, alam ko. Kaya nga po alam ko ung dapat sa SOP nyo. Patingin po muna ng resibo nyo para makita ko ung ATP at seal ng government. Ang hirap nyan, cash tapos baka dummy receipt lang makuha ko. Ayaw nyo talaga ng cheque?”
Enter Finance Officer…
FO: “Manager’s cheque po pwede.”
N: “Okay wait.”
After transacting sa bank…

N: “Eto na MC.”
FO: “Punta ka sa kabilang table.”
Encoding…
FO: “Ay wait ha? Itatawag ko muna ito, sa BOC kasi nakapangalan, ask ko lang if okay ito.
N: “It better be because the payee on the computation is the BOC, so tama lang sa cheque BOC nakapangalan. Saka I went through the hassle of getting one wag nyo sasabihing hindi yan acceptable.”
Dahil napasubo na sila sa MC transaction, they finally issued me a receipt and I was able to get my items na. Ang dapat na dalawang daang piso na bayarin sa PhilPost eh inabot ng 20K kasama ang inexplicable TAXES on USED items.
Pangalanan natin ang mga character sa kwentong ito.
LIC- ang babae sa larawan, COO III Lilibeth Macarambon, ang ayaw magbigay ng name nya at gusto ipagising ko ang kaibigan kong taga Canada.
MO- COO V Rosalinda Mamadra, ang nagcompute ng bayarin ko at nagpaliwanag ng cost of freight na until now hiwagang malaki sakin kasi balewala ang pagsingil ng Canada Post kung siningil din ako for that.
Para sa kumpletong pangalan ng mga in charge sa BOC EMS, please refer to the pictures on this post.
PNoy, eto ung daang matuwid mo, very straight po talaga.
(1) Kung ako eh nagbayad ng cash, san kaya napunta yon?
(2) Kung iniwan ko ung items ko, sino kaya makikinabang nun?
(3) Kung nakiusap ako at nagpa sweet, magkano nalang kaya babayaran ko?
Sa mga kababayan ko na nakaranas ng ganito, wag mahiya. Lumaban, ipaglaban natin ang ating karapatan. Matitino tayong naghahanapbuhay, taxpayers ng pamahalaan. We do NOT deserve this kind of treatment. We need enlightenment bago mag implement ng batas na sila sila lamang nakakaunawa.

Uh-oh, looks like the Bureau of Customs has some explaining to do. Have you had a similar experience? What did YOU do? Do yo think Ms. Norlin did the right thing?

Read more at:
http://www.wheninmanila.com/woman-taxed-almost-20000-on-a-used-bag-check-out-what-she-does-to-prevent-corruption/

No comments: