Mga Dapat Malaman sa Saudi Labor Law – Ikatlong Serye
by Max Bringula Chavez
published in Abante ME Edition, 24 July 2011
Tayo’y nasa ikatlong serye na sa pagtatalakay natin sa nilalaman ng Saudi Labor Law. Sa seryeng ito, ating tatalakayin natin Tungkulin ng Manggagawa (o employee) at ang Tungkulin ng Nagpapa-trabaho (o employer).
A. Anu-ano ang mga tungkulin ng Manggagawa sa ilalim ng Saudi Labor Law
Isinasaad sa Saudi Labor Law ang mga sumusunod:
1) Isagawa ang trabahong ipinag-uutos batay sa napagkasunduan sa kontrata at kung ang ipinag-uutos o ipinapagawa ay di labag sa batas, sa publikong-moral o kagandahang-asal, at kung ang pagsunod ng manggagawa ay di maglalagay sa kanya sa panganib.
2) Pagbabalik ng mga hindi nagamit na materyales sa may-ari o employer, at ang pag-iingat sa mga makina at mga kasangkapan na ipinagkatiwala sa kanya.
3) Pagsunod sa kagandahang-asal at mabuting kilos sa oras ng pagtratrabaho.
4) Paggawad ng tulong at suporta kahit walang hinihinging karagdagang sahod sa oras ng kapahamakan at panganib sa lugar na pinagtratrabauhan.
5) Pagpapatingin sa duktor na ayon sa kahilingan ng employer upang malaman at mapatunayan na ang manggagawa ay walang nakakahawang sakit o karamdaman bago siya magsimulang magtrabaho.
6) Pangalagaan ang technical, commercial at industrial secrets ng paggawa ng mga bagay na produkto ng kumpanya.
7) Iwasan ang walang pahintulot o hindi matuwid na pagliban sa trabaho.
Bukod sa mga nabanggit, ang manggagawa ay nakatalagang gawin ang mga tungkulin na nakalahad sa kontrata at iwasang sumuway sa mga isinasaad nito sa kilos man o sa gawi na sa palagay niya ay makakasama sa kapakanan ng nagpapatrabaho o employer, o dili kaya sa pagkukulang na magiging dahilan ng pagkawala ng mga kagamitan o pagkakasira nito.
B. Anu-ano ang mga tungkulin ng Nagpapatrabaho o Employer sa ilalim ng Saudi Labor Law
Ang teksto at pangungusap na nakasaad sa Saudi Labor Law ay puno ng mga kundisyon na inaatasan ang Employer na tupdin o isagawa ang mga nararapat at iwasan na huwag makagawa ng hindi pagkakaunawaan ng magkabilang-partido.
Ang mga sumusunod ang tungkulin ng nagpapatrabaho o employer:
1) Tungkulin ng employer na bayaran ang manggagawa sa tamang oras at panahon na naaayon sa kasulatan na napagkasunduan at tanggap ng pangkalahatan.
2) Ituring ang manggagawa na may paggalang at iwasang magbitiw ng masasamang salita o gawi na makakasira sa dignidad o relihiyon ng manggagawa.
3) Ipagkaloob sa mga manggagawa ang tamang oras ng pagtratrabaho para gampanan ang karapatan na ipinagkakaloob ng batas na hindi mababawasan ang kaniyang sahod.
4) Sagutin ang gastos para sa airfare ticket o pamasahe patungo sa lugar na pinagtratrabauhan at pabalik sa kaniyang pinanggalingan o home-of-origin.
5) Pagkakaloob ng transportasyon na magdadala sa mga trabahador sa lugar na pagtratrabauhan at pabalik sa kanilang tinutuluyan o accommodation.
6) Paglalaan ng serbisyong pagpapagamot sa mga manggagawang nagkakasakit o nasugatan sa oras ng pagtratrabaho.
7) Ang magkaroon ng masusing hakbang sa pag-iingat para mapangalagaan ang mga manggagawa sa oras ng panganib o karamdaman na maaaring makuha sa kanyang pagtratrabaho o sa mga makinaryang ginagamit.
8) Hindi pinahihintulutan ang employer na kanselahin ang kontrata ng isang manggagawa na nakaratay sa sakit o nagkaroon ng kapansanan.
9) Hindi pinahihintulutan ang employer na kanselahin ang kontrata na walang “termination award o notice” o bayad-pinsala.
10) Kailangan na ibalik ng employer sa manggagawa ang lahat ng nai-deposito nito kapag natapos na sa panunungkulan ayon sa pinirmahang kontrata.
11) Sa pagtatapos ng kontrata ng manggagawa, tungkulin ng employer na ipagkaloob sa manggagawa batay sa kanyang kahilingan at ng walang kaukulang bayad, ang Certificate of Service o Employment Certificate, kung saan nakasaad ang petsa ng kanyang pagsisimula sa trabaho, ang petsa ng kanyang pagtatapos, ang position o job title at ang halaga ng pinakahuling sahod na tinatanggap.
12) Karapatan din ng employer na ipagbawal ang pagpasok ng mga bawal na gamot o substance sa lugar ng trabaho, at ang pagpataw ng parusa sa sinumang mahuhulihan nito o gumagamit nito lalo sa oras ng trabaho.
*****
Sa susunod na serye, tatalakayin naman natin ang Patakaran sa Pasahod, Pagbabawas sa Suweldo, Pag-antala ng Pasahod, at ang Pagpapalit ng Kontrata.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Sir Max, galing po ako ng bakasyon kaya di ko nabasa ang unang serye ng labor law. Puwede po ba na pa-send na lang sa eMail ko. Salamat po. Ako nga po pala yung nag-request sa inyo na i-feature sa inyong column ang Tagalog version ng Saudi Labor Law. – Pedro Chavez ng Dhahran, Saudi Arabia
*****
Hindi Nakauwi Dahil Naniwala sa Balitang Exit Only
Assalam-Alaykum! Tama po na hindi basta naniniwala sa sabi ng tao. Ganito ang nangyari sa ate ko na nasa Dammam. Pauwi na sana siya nitong July 22. Pero tumawag ang mother naming sa ate ko na sabi pumunta sila sa OWWA sa Cotabato. Sabi ang uuwi raw ay hindi na puwede bumalik, kaya ang ate ko agad naming nagsabi sa amo na di na uuwi. Ang amo naman siguro ay natuwa kasi hindi na uuwi ang ate ko na katulong nila. Sabi ko sa ate ko na wait muna dahil magtatanong muna kami sa Consulate dito sa Jeddah. Pumunta ang kapatid kong lalaki sa Consulate, at ang sabi puwede naman daw bumalik at kailangan ng bagong contract. Masaya sana ako na makakasama ng ate ko ang aking ina at mga kapatid sa pagpasok o pagsalubong sa Ramadan (puasa). Masaya po sana ako sa kaniya kasi ako matagal ko nang hindi sila nakakasama sa puasa. SAYANG TALAGA. – Isang mambabasa sa Jeddah

No comments:
Post a Comment