By Bechay Tolentino-Crame (posted as a document in the AP Tavern on Facebook)
Ayon sa libro ni Sheila L. Videbeck, ang bawat nilalang ay may apat na “temperament traits”. Ang mga ito ay ang 1) Harm avoidance, 2) Novelty seeking, 3) Reward dependence, at 4) Persistence.
Kung ang isang tao ay may mataas na “harm avoidance”, lagi raw itong balisa, hindi mapakali kapag maraming nakikinig, nakatingin, nakamasid, o di kaya’y may mga bisita sa sariling bahay. Nahihiya umano ito kapag may estranghero sa paligid. Bukod dito ay madali itong makadama ng pagkahapo, at nakakainis ang pagiging overly pessimistic (ano nga ba ang tagalog ng pessimistic?!) bunga ng labis na pag-iisip ng mga problemang ni anino’y hindi pa naman nakikita.
Kung ang isang tao naman ay may mataas na “novelty-seeking” temperament, ito raw ay madaling magalit, chismosa, madaling mabagot, hindi nag-iisip bago gumawa ng hakbang, magastos, at burara. Maari rin daw maging isang balahura ang taong ito pagdating sa pakikipagrelasyon.
Kapag mababa naman ang “reward dependence” ng isang nilikha, ito raw ay mala-kambing sa pagiging istaborn (hindi ko kasi alam ang tagalog ng “stubborn”), malamig ang pakikitungo sa kapwa, walang modo, walang konsiyensiya, at walang pakialam kung wala siyang friends. Mas nanaisin umano ng taong ito na mapag-isa, dahil wala namang kainte-interes ito sa ibang buhay na bagay.
Ang isang taong mababa ang “persistence” ay tatamad-tamad, lelembot-lembot, walang direksiyon ang pagkilos maging ang pag-iisip, at mahirap timplahin. Madali itong bumigay kapag naiinis at walang kaambi-ambisyon sa buhay.
IMPORTANTENG MALAMAN NG BAWAT ISA NA ANG “TEMPERAMENT” AY NAMAMANA.
Samantala, ayon pa rin sa libro ni Ms. Sheila, mayroon ding tinatawag na 3 Major Character traits. Ang mga ito ay: 1) Self-directedness, 2) Cooperativeness, at, 3) Self-transcendence.
Ang taong mababa ang “self-directedness” ay mahilig manisi ng kapwa sa tuwing pumapalpak, walang alam sa diskarte, iresponsable, at hindi mapagkakatiwalaan. Labag rin yata sa relihiyon nitong taong ito ang magkaroon ng ambisyon sa buhay.
Ang pagiging mababa naman sa “cooperativeness” ng isang tao ay nagreresulta sa pagiging makasarili, walang pasensiya, mapanira, walang silbi, mapaghiganti, at oportunista. Ibig sabihin, daig pa nito ang linta sa kaswapangan at ni kalahating butil ng pakikipagkapwa-tao ay wala ang bwisit ito.
Ang tao namang mababa ang “self-transcendence” ay praktikal, mukhang pera, mapagmataas, at mahilig mang-onse ng kapwa. Hirap itong tumanggap ng kawalan ng pera, ari-arian, at pagkamatay ng mahal sa buhay (na malamang ay kasing bulok ng budhi niya).
Eto hindi ko na kayang tagalugin. Hango pa rin ito sa libro ni Ms. Sheila L. Videbeck kaya ibaba niyo na sa bookshelf ang inyong English-Tagalog dictionary at alamin ang ibig sabihin ng sumusunod:
“A family environment that does not value and demonstrate cooperation with others (compassion, tolerance) will fail to support the development of that trait in its children.”
Nawa’y nakatulong ako sa pagsusuri ninyo sa inyong mga sarili. Walang dudang ang bawat isa sa atin ay may kung anong uri ng personality trait disorder. Nagkakadiperensiya lang marahil ito sa “degree” o kalalaan ng ating ipinapakita sa ating kapwa.
Ang mga karamihan ng pulitiko natin at ang mga lider ay: mababa ng self -transcendence…mga swapang; mga mang-o-onse….mga walang budhi…
You have to transcend your EGO, in order to become an Altruistic human being…
[Reply]
@ topic title:
http://www.youtube.com/watch?v=npQC39nRvpI
[Reply]
pnoy = mababa ang persistence at self-directedness.
botante = mataas ang novelty seeking, mababa ang persistence, self-directedness at cooperativeness.
pwede na akong magtayo ng klinika para sa mga baliw.
[Reply]
kaya alam ni cristo iyan.kaya nga sinasabi niya kelangan natin maging born again..dahil nga lahat bawat isa merong sangkap ng bawat isa niyan..ang makapaggagamot lang n iyan being born again sa spiritu niya
[Reply]
who in is his right mind to admit they have an insanity?
catch 22
[Reply]
Looks like majority of the Filipinos fit the bill.
[Reply]