Panoorin nyo muna yung video, bago basahin yung caption. Salamat.
Grabe pala talaga ang kapalpakan ng 1987 Cory Constitution with Presidential System noh? Nagpapasa sila ng batas katulad ng DAP kahit unconstitutional ito. Pinayagan nila (Aquino Admin) ang U.S. para makipanig sa atin sa Oplan Exodus (SAF44) kahit alam ni PNoy na labag ito sa ating soberanya sa bansa. May Dengvaxia, MRT scandal pa at Yolanda Funds.
Siguro kung nag PARLIAMENTARY SYSTEM ang gobyerno natin naniniwala ako na hindi ganito ang mangyayare sa ating bansa lalo na sa kapalpakan ng mga appointed ni PNoy na mga cabinet members nya. Sa simula pa lang ng term ni PNoy marami na syang kapalpakan lalo na nung nagkaroon ng Hacienda Luisita at Luneta Hostage crisis kung saan biktima ang mga Hongkong Nationals. Doon pa lang pwede na syang tanggalin ng mga kaalyado nya sa Partido kung nagkaroon ng sistemang Parliamento. Dahil sa Parliamentary System bawal sa hanay ng partido ang palpak at eengot-engot sa bawat hakbang sa kanyang pamamalakad.
Wala sanang naganap na Oplan Exodus (SAF44) at wala din sanang mga Dengvaxia victims kung una pa lang ginagamit na ng gobyerno natin ang Parliamentary System dahil mahigpit ang bawat galaw dito at may mga Shadow Opposition (natalong kandidato) na magbabantay sa mga nasa pwesto para i-scrutenize at kalkalin yung mga maaring pwedeng maging palpak na mga plataporma at mga plano bago ito gawin ng mga namumuno at kinatawan sa gobyerno. Susiriin talaga ng mga nasa oposisyon lahat ng mga gagawin ng mga nasa pwesto sa gobyerno kahit sa loob ng mga meetings, mga platforms at mga agreements upang sa gayon makakuha sila ng impormasyon at masuri na walang palpak at wala din nagaganap na korapsyon.
Dito nagkakaroon ng chance yung mga matatalinong lider na matitino upang maihalal sila sa karapat dapat na pwesto. Binibigyan ng karapatan ang mga shadow ministers para magkaroon ng legal access sa mga documents sa lahat ng plano ng mga namumuno sa gobyerno.
Halimbawa sa House of Representatives (Kongreso) noong nagkudeta ito before PRRD Sona 2018 ngayong taon lang. Sinibak ng mga miyembro sa HOR si Alvarez bilang speaker dahil palpak kaya nagkaroon ng botohan at si GMA ang naging Speaker of the House. Ganun mangyayare sa loob ng Parliament House under Parliamentary System. Pag palpak ka, tatanggalin ka ng mga kasama mo. Parliamentary system it is all about choosing the right leaders within the members of winning current parties. Hindi na tao ang boboto at pipili kundi ang mga nasa kinatawan na dahil alam ng mga ito kung ano ang working style ng bawat isa sa kanila sa loob ng Kongreso.
Pero ang nakakalungkot, huli na ang lahat. Marami nang nangyare. Nananatili pa din kasi tayo sa palpak na 1987 Constitution with Presidential System.
Wala din sanang korap na mga nasa department secretaries (cabinet members) kung naging Parliamentary System tayo. Dahil sa sistemang meron dito, tanging mga chief ministers na nasa Legislative Branch na ang magkakaroon ng liability sa bawat departments o ministry kung saan ito ang binoto ng taumbayan. Based on my research.
Hindi katulad sa kasalukuyang sistema natin ngayon na Presidential System, ay kabarilan, ka-classmate at mga dating kaibigan ang ina-appoint ng nakaupong chief executive sa mga departamento kung saan kwestyunable at nagiging palaisipan na ito sa taumbayan.
Diba ang palpak ng sistema? Tignan nyo na lang si Transpo. Sec. Abaya ng DOTR, si Budget Sec. Abad ng DBM at iba pa na mga cabinet secretaries na appointees ni PNoy na noo'y chief executive sa office. Nasangkot sa mga anomalya ngayon kasama pati si DILG Sec. Mar Roxas at kalihim ng Dept. of National Defense ayon sa video. Binoto nyo ba yang mga secretary noon election? Diba hindi?
We urgent needed to reform our constitutional system from Presidential system to Parliamentary system in the national level of government. Pero parang malabo na. Wala na, finish na.
No comments:
Post a Comment