Pinayuhan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si Ombudsman Conchita Carpio Morales na tumutok na lamang sa mga malalaking kaso ng katiwalian imbes na pag-initan si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.
May kaugnayan ito sa sinabi ni Morales na bumuo na siya ng isang fact-finding team para imbestigahan ang umano’y paglabag ni Dela Rosa sa batas makaraan itong ilibre ni Sen. Manny Pacquiao sa pagpunta sa Las Vegas para manood sa labang Pacquiao-Vargas.

Sinabi ni Aguirre na mas dapat unahin ng Ombudsman ang imbestigasyon sa mga opisyal na sangkot sa Pork scam at Disbursement Accelaration Program (DAP).
Sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Sec. Butch Abad ang sinasabing promotor ng DAP noong sila’y nasa pwesto pa.

http://www.dyaryo.net/2016/11/doj-secretary-sa-ombudsman-unahin-mo.html
No comments:
Post a Comment