Sinampahan na ng reklamong paglabag sa Anti Drug Trafficking Law sa Department of Justice si Senator Leila De Lima at pitong iba pa na dawit sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison at inilabas na ang warrant of arrest para arestuhin sila ngayon.
Nakasaad sa 62-pahinang reklamo ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) na may basehan para kasuhan sina De Lima at sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, dating BuCor Chief Franklin Bucayu, dating NBP Supt.Wilfredo Ely, dating PSG aide ni de Lima na si Joenel Sanchez, dating driver-body guard na si Ronnie Dayan, pamangkin nito na si Jose Adrian Dera at ang inmate na si Jaybee Sebastian.
Pinagbatayan ng VACC ang mga testimonya nina dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos at ang inmate na si Herbert Colanggo, na malinaw umanong nagkaroon ng sabwatan ang mga nabangit na opisyal at inmate upang magkapera sa illegal drug trade.
Ayon kay VACC founding chairman Dante Jimenez, malinaw na ginamit ni de Lima ang posisyon upang mailagay sa pwesto ang kanyang mga kasabwat sa Bureau of Corrections upang mapaikot ang negosyo ng droga sa NBP.
Lumabas aniya sa pagdinig ng Kamara na naging Little Las Vegas at World Wild West ang Maximum Security Compound ng NBP noong si De Lima pa ang kalihim ng DOJ bukod pa sa pagiging Drug Center of the Philippines.
Nabunyag din anila ang maraming pribilehiyo na natatanggap ng ibang inmates kapalit ng perang ibinibigay ni Sebastian kay Sen. De Lima.
Isasailalim sa preliminary investigation ng DOJ ang reklamkong isinama ng VACC upang mabatid kung may sapat na basehan para isampa sa korte ang kaso.
http://www.balitangpinas.net/2016/11/breaking-newswarrant-of-arrest-kay.html
No comments:
Post a Comment