Featured Post

MABUHAY PRRD!

Monday, October 17, 2016

Chito Gascon ng CHR, Nakikipag-Sabwatan Sa International Criminal Court Para Patalsikin Ang Pangulo?



Sa mga hindi pa nakaka-alam, nagbanta ang International Criminal Court (ICC) sa gobyerno ng Pilipinas kaugnay giyera kontra-droga sa ating bansa. Banta ng Chief Prosecutor ng ICC na si Fatou Bensouda, na walang alam sa totoong nangyayari sa ating bansa, 'concerned' daw siya sa mga namamatay na durugista sa ating bansa.

"Let me be clear: any person in the Philippines who incites or engages in acts of mass violence including by ordering, requesting, encouraging or contributing… to the commission of crimes within the jurisdiction of the ICC is potentially liable for prosecution before the Court," wabi ni Bensouda.

May mga Pilipinong nakapansin sa kahina-hinalang pagbabanta ng ICC. Ayon sa ilang kababayan natin sa Facebook, tiyempong-tiyempo raw ang pagpunta ng Chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) na si Chito Gascon sa Netherlands sa pagbabanta ng ICC sa gobyerno natin. Nabanggit kasi ni Senator Gordon ang pagpunta ni CHR Chairman Gascon sa Amsterdam sa isinagawang senate hearing kahapon. Para sa inyong kaalaman, ang ICC ay naka-base sa Netherlands at ang Amsterdam ay nasa Netherlands din.

Nagbibigay na rin ng opinion ang isa sa mga kilalang Pro-Duterte blogger na si Sass Rogando Sasot. Ayong kay Sasot, pagmumukhang lehitimo ang destabilisasyon sa gobyerno sa pamamagitan ng ICC.

Nagpahayag naman ng suporta si Senadora Leila De Lima sa pagbabanta ng ICC laban sa gobyerno ng Pilipinas. Si De Lima at si Gascon ay parehong miyembro ng Liberal Party.

"The ICC can assume jurisdiction if they can find enough basis to do so. And when that happens, the presidential immunity does not apply," wabi ni De Lima.

Kamakailan lang din sinabi ng kampo ni Matobato na balak nilang mag-sampa ng kaso sa ICC.

Sa tingin niyo may posibilidad ba na nagagmit ang ICC sa planong deestabilisasyon sa gobyerno?

http://www.socialnewsph.com/2016/10/chito-gascon-ng-chr-nakikipag-sabwatan.html

No comments: