Featured Post

MABUHAY PRRD!

Thursday, October 27, 2016

Duterte on Filipinos living in America: “Eh wala na ‘yun. Puro Amerikano na ‘yun…”


Narito ang sagot ni Pangulong Duterte sa tanong na “Paano naman ang mga Filipino sa Amerika?”

“Eh sabihin niya, there are many Filipinos there [America]. Eh wala na ‘yun. Puro Amerikano na ‘yun… ugali nun, pagkain nun…”
Matatandaang ang Pangulong Duterte ay nagpahayag ng “separation” of ties with the United States in terms of military and economic in favor to China noong unang official visit niya sa China kamakailan lamang.
“In this venue, your honours, in this venue, I announce my separation from the United States,” pahayag ni Pangulong Duterte sa isang forum sa China sa harap ng halos 300 Chinese businessmen na pinangunahan ni Chinese Vice Premier Zhang Gaoli.
“Both in military, not maybe social, but economics also. America has lost,” dagdag ni Duterte.
Nagdulot naman ng muling pagkalito ang pahayag na ito ng Pangulo hindi lamang sa kanyang mga tagapagpaliwanag na mga miembro ng kanyang inner circle sa gobyerno, kundi sa international community mismo. Minarapat ng marami na hintayin ang official na pagpapaliwanag sa mga binitawang salita ni Pangulong Duterte.
Narito ang ilang reaction ng mga netizens sa pahayag ng Pangulong Duterte:
“… and to think he won here in the US. there are so many of these fil -ams who voted for him. now wala na sya pakialam sa kanila. eh di na Duterte talaga sila. hayy nako.” – Hazel Baticados
“Pres Duterte I respect and admire you pls be proud of all Filipinos in the USA they are investing and helping the economy.” – Leonor Cando Velarde
“So after Filipinos in the US supported him, now he disregards them? Biglang hindi na sila Filipino? Grabe he practically betrayed them!” – Gynn Flores
Maraming Filipino sa Amerika ang nangamba sa pahayag ng Pangulo. Tanong ng marami ay kung paano at ano mangyayari sa mga Filipinong naninirahan, naghahanapbuhay, nagbibigay ng malaking remittances sa Pilipinas taon-taon.
Ang katanungang ito ay sinagot ng Pangulo na mapapanood sa video sa ibaba.
Ano masasabi mo sa sagot ng Pangulo?
http://pilipinas.rocks/duterte-on-filipinos-living-in-america-eh-wala-na-yun-puro-amerikano-na-yun/

No comments: