Featured Post

MABUHAY PRRD!

Monday, November 2, 2015

Paano Maiiwasan ng Kabataan ang Kahirapan at Makamit ang Kasaganaan sa Kinabukasan at Kasalukuyan

Paano Maiiwasan ng Kabataan ang Kahirapan at Makamit ang Kasaganaan sa Kinabukasan at Kasalukuyan
Sa gitna ng bagyo at balita ng mga bagyo, sa gitna ng hidwaan at balita ng mga hidwaan, sa gitna ng pananakot at balita ng pananakot, hindi maiwasang mag-isip tungkol sa kinabukasang naghihintay sa ating mga kabataan.
Ilang kabataan, at mga dating kabataan na ba ang lumahok sa pamahalaan at sa mga halalan subalit maliwanag pa rin ang materyal na kahirapang lumalaganap sa bansa. Paano yan,ilang kabataan ang tatanda at lilipas na hindi pa rin nakikita ang pagliwanag ng lupang sinilangan? Hahayaan ba nating ganyan na lang?
Ang karamihan ay tanggap na ang kawalan ng pagasa. Ang paniniwala nila ay sila ay biktima – biktima ng tadhana, ng gobyerno, ng politiko, ng mga korporasyon, ng mga negosyante, at kung ano ano pa, maliban ang sarili nilang pag-iisip at paniniwala.
Hindi kasalanan ng ating kabayan na maniwala sa kawalang pag-asa. Sapagka’t sila – ako, ikaw, tayong lahat – ay ipinanganak sa loob ng isang presohang hindi nakikita ang rehas na nakapalibot.
Ang presohang ito ay ang lahat ng paniniwala na ibinigay, itinuro, pinilit sa atin. Mga paniniwalang kung ano ang dapat nating gawin, ano ang tamang pagsuot ng damit, anong pagkain ang kukunin, sino ang dapat paniwalaan – at ikaw ay isang peyon lamang sa mundong ito.
Sa bawat araw ng buhay mo, namulat ka sa telebisyon at radyong umuudyok sa iyong bumoto, kung sinong dapat iboboto, kung ano ang bawal. Sa madaling salita –  kung paano maging isang mabuting tagasunod ng mga utos – isang ALIPIN. Ang sarili mong pag-iisip ay sinagasaan nila at pinalitan ng kanilang pag-iisip. Pinag-isip ka ng malaswa, ng kasakiman, ng kung anong karumal dumal na kalokohan, pinaglaruan ang iyong paniniwala at damdamin upang ikaw ay mailigaw mula sa landas ng iyong kamulatan at kasaganaan.
Kasama ng telebisyon ay ang iyong paaralan, ang iyong mga guro, at mga kaklase. Ikaw ay tinuturuang maging masunorin, maging tulad nila, na masama ang maging naiiba.
E paano yan, kung ayaw mong maging naiiba, paano mong maipalabas ang iyong mga natatanging abilidad na makakatulong sa iyong kapwa? Paanong ring maipalabas ng iba ang kanilang mga naiibang katangiang makakatulong sa iyo, sa kapwa at sa buong mundo?
Kasama rin ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo. Sila ang nagsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin. Sila ang nagsasabi kung ano ang dapat na maging kaligayahan mo. Sila ang nagsasabi kung ano ang dapat mong gawin sa buhay mo. Malamang sila rin ang nagsabi sa iyong madilim ang kinabukasan mo. Sila ang nagsasabi sa iyong wala kang silbi, mahina ka, makupad ka, wala kang pag asa at kung ano ano pang masasakit na salita. Huwag mo silang husgahan sapagka’t sila ay nilapastangan din ng presohang ito. Kaawaan mo sila, mahalin mo, dahan dahan mong gisingin at paintindihin upang maging kasamang tagapglakbay sa daan ng karunungan.
Tinakot ka nila na kapag di ka susunod sa kanila ay maghihirap ka. At dahil sa takot mo naparalisa ka, parang naging tuod ang iyong mga mata, kamay, at paa. At heto ka ngayon, nagtatanong, nagmumuni, totoo ba ang sinabi nila tungkol sa kinabukasan mo?
Sinubukan mong sumunod. Pero sa bawat hakbang ng pagsunod ay dahan dahang namamatay ang kaluluwa mo. Minsang sinuway mo sila, nakatikim ka. Ngunit sa gitna ng kadiliman bumalot sa buhay mo, ay nanatili ang liwanag – ang matatag na paniniwala, na merong kabutihan at magandang buhay naghihintay sa iyo.
lighbeing2
Bata, may sekreto akong ipapasa sa iyo – MALI SILANG LAHAT……  AT TAMA KA!!!
Alam ko ang iniisip mo ngayon. Iniisip mong binubulsyet kita.
Straight up my friend, es verdad, ang kamatuoran, Kalki, the fifth horseman of the apocalypse – the truth
Tama ang nabasa mo, sinabi ko nga, at uulitin ko,   na…

May magandang kinabukasang naghihintay sa iyo kung ikaw ay handang maging gising upang humimok o himukin ang buhay mo. 

Una sa lahat, PAKINGGAN MO ANG SARILI MO, ANG BOSES MO.
Sabi ng mga politiko at ng simbahan na masama ang maging makasarili. Natatandaan mo ba yung mga rehas na hindi nakikita? Ang paniniwalang ito ay isa sa mga rehas na ito.
Ang magsikap, mag-aruga, mag-alaga, magpahalaga ng buhay mo, ng sarili mo ay mabuti. Ito ay mabuti sapagkat ang iyong mga natatanging abilidad ay kailangan ng mundo. Pag pinigilan ang pamukadkad ng iyong buhay, anong silbi noon – sa iyo?
8638361495d1bd842d2f02c005523c62
Di ka ba nagtataka kung bakit hinihingi nila ang boto mo? Ano nga ba ang sinasabi nila? Sila ang magiging tagapagtanggol ng mga karapatan mo? E mismo sa pagbayad pa lang ng buwis, niyurakan na ang karapatan mo – anong klaseng pagtatanggol yan? Napeke tayo. Pero, ang mahalaga, nagising tayo sa panloloko di ba? At dahil gising na tayo, tayo na ang magiging tagpagtanggol ng sarili natin.
Ano ang ibig sabihin nito? Mag aaklas ba tayo? Magwawala ba tayo? Magiging mamamatay tao ba tayo? Nasubukan na yan at di umubra. Sapagkat walang mabuting matatamo sa paggawa na kamalian.
Ang mas nararapat ay heto – tigilan na natin ang paniniwala na ang panglabas na mundo ang magbigigay ng kasaganaan. 
nextlevel2
Ayon sa bagong siyensiya (o malamang natutunan muli) ng quantum physics – ang ating pag-iisip, ang ating iniisip, kung ano ang pinapansin natin – ang siyang nagiging katotohanan natin.
Kung ang ating utak ay parating nakatuon sa paghihirap – aba e di puro paghihirap ang aabutin natin, mangangailangan ka ng politiko at kung ano ano pa sapagka’t yun ang vibration ng reality na in sync sa utak natin.
Kung ang ating utak ay parating nakatuon sa kasaganaan – aba e di puro opportunities na magdadala ng kasaganaan ang makikita mo, sapagka’t yun ang vibration ng reality na in sync sa utak natin.

Heto ang ehemplo. May dalawang kabataan na nasa harap ng daanang walang semento.
Isang sitwasyon, dalawang pananaw (duality and law of attraction)
Yung isa pinagtuunan ng pansin ang kahirapan na dala ng daanang walang semento. Naghanap ng politko. Nagboto sa kung ano anong eleksyon. Halos makikipagpatayan pa para sa kandidato niya.
Yung isa pinagtuunan ng pansin kung paano malalagyan ng semento ang daanang putik. Pinagtipon niya ang mga enhinyero, mga supplier, mga homeowner, mga negosyante at pinag-usapan nila ang pinakamabilis, pinakamura, at pinakamatatag na disenyo – at ginawa pa itong self sustainable na non-profit operation.
Ang isa ay tungo sa kadiliman at kahirapan.
Ang isa ay tungo sa liwanag at kasaganaan.

Sa madaling salita. Ang kinabukasan ay madilim para sa mga tulog.
Sa mga mulat at nagising na sa kanilang kapangyarihang maging tagapamuno ng buhay nila, at maging gabay at liwanag sa pamamagitan ng kanila magandang gawain – ang kinabukasan ay napakaliwanag.
nextlevel
At sa loob ng puso mo, ikaw ay umaayon sa akin. Subalit kahit umayon ka man, kung takot ka pa rin, para mo na ring sinarahan ang magandang kinabukasang naghihintay sa iyo. Ba’t alam ko na maganda ang kinabukasan mo? Sapagka’t tiwala ako sa kakayanan mong pumili ng wasto at nararapat para sa iyo.
ascencion
Kaya tanggalin ang takot, matutong mahalin ang kalayaan at maging mulat at gising sa bawat sandali, sa bawat pagsubok piliin kung ano ang nagdadala ng saya at buhay – at ang magandang kinabukasang pinapanaginip mo ay magiging katotohanan ng kasalukuyan.

http://antipinoy.com/paano-maiiwasan-ng-kabataan-ang-kahirapan-at-makamit-ang-kasaganaan-sa-kinabukasan-at-kasalukuyan/

No comments: