Dahil bullying at bullies ang mainit na isyu ngayon, bully naman ang tawag nila sa Pangulong Duterte.
Okay, sagutin natin!
Hindi lahat ng may lakas at gumagamit ng lakas ay bully. Nagiging bully ka kung gumagamit ka ng lakas para sa di magandang purpose. Halimbawa, bully si Taekwondo champion kasi ginamit nya ang skills at training nya sa martial arts para lamang ma-humiliate ang kanyang kaklase(?).
Sino ang binubully ni Duterte?
Si Sereno? E hinatulan siya ng Korte Suprema!
Si de Lima? E may kaso yan na kinatigan na ng Korte Suprema!
Si Robredo? Hindi naman pwedeng sabihing pambubully ang pagtuligsa sa katamaran ni Robredo!
Si Trillanes? E yan nga ang totoong bully sa mga iniimbitahan nya sa Senado. Yung kanyang amnesty naman ay umakyat sa korte para desisyunan. At kung meron ngang bully sa kanilang dalawa ng pangulo mas bully pa si Trillanes na ginagamit ang Senado para manira sa mga kalaban nya, kasama na ang pangulo at pamilya nya!
Si Gascon? E wala na ginawa yan kundi i-harass ang pangulo. Namimili lang ng isyung sasakyan, yun lang pwede gamitin laban sa pangulo ang sinasakyan nya. Pero tahimik sila kapag hindi tatamaan ang pangulo kagaya nitong pagpatay sa aide ni Glenn Chong.
Yung mga kriminal? Aba’y hindi siguro matatawag na mali ang takutin ang mga kriminal sa paggawa ng krimen. Trabaho naman talaga yan ng pangulo.
Sila Joma Sison? Aba’y may giyera ang pamahalaan at ang mga rebeldeng pinamumunuan ni Sison.
Mga drug personalities, lalo na sa hanay ng kapulisan, militar at (lokal na) pamahalaan? Hindi mali na gamitin ng pangulo ang lakas nya laban samga drug personalities.
Hindi pa sila napapatunayang drug personalities? Aba’y may intelligence reports na laban sa kanila at actionable na ang mga iyan.
Ang hirap kasi, gusto ng mga kritiko banatan nila nang banatan ang pangulo at kapag gumanti ito sa kakabanat nila, tatawagin nilang bully! Ano’ng kalokohan ito?
No comments:
Post a Comment