Featured Post

MABUHAY PRRD!

Monday, December 24, 2018

GLENN CHONG: KAILANGANG MALAMAN NINYO ITO


From Glenn Chong:

Kahapon, nakipagkita sa amin ng asawa ni Richard Santillan ang mga kinatawan ng Rizal police upang pormal na ibigay ang aming kopya ng autopsy report ng PNP medico-legal. Nagkita kami sa Starbucks sa Pasig City. Itinuro ko sa kanila ang ilang violations of procedure na ginawa ng kapulisan at hiningi ko ang kanilang pormal na sagot.

Pagkatapos naming mag-usap, umalis na sila. Pumalit naman ang kinatawan ng isang pang ahensya ng gobyerno na nag-iimbestiga rin. Ito na ang pang-apat na ahensya ng gobyerno na nag-iimbestiga maliban sa PNP, Public Attorney’s Office at Commission on Human Rights.

Nang patapos na kami, may taong biglang umupo sa kabilang lamesa sa aking harapan. Maraming bakanteng upuan pero pinili niya ang malapit sa akin. Namutla siya. Pero nakita kong gusto niyang makinig sa amin. Duda ako, kaya pinarinig ko sa kanya ang mensaheng gusto kong ipaabot sa mga taong nagpadala sa kanya.

Nang umalis na kami at lumipat sa kabilang restaurant upang mananghalian, natiktikan ng aking mga bantay na may 2 lalaki (well-built, mga bata pa) sa labas na nagmamatyag sa bandang aking inuupuan. Tumayo ang aking gwardiya at kinober ako. Tinitigan niya ang 2 lalaki na kapwa may hood ang ulo. Ipinaalam ng aking gwardiya sa 2 lalaking ito na alam na namin ang balak nila.

Nang sumapit na ang gabi, dinaanan ko pa ang isa kong kaibigan sa Marikina. Habang nasa loob ako ng gusali, may 2 sasakyan na pumarada sa kabilang side ng daan at pinagitnaan ang aking sasakyan. Natiktikan din ito ng aking mga bantay. Linapitan niya ang RAV4 na sasakyan pero umalis ito. Sunod naman niyang nilapitan ang puting Montero na may sakay na 3 tao. Wala itong plaka. Pero bago pa niya maabutan ay umalis na rin.

Natandaan ko, ayon sa testigo, nang araw na tinorture at pinatay si Richard Santillan, bandang alas-5.00 pa lang ng hapon, may nakabuntot na sa kanya na isang puting sasakyan na wala ring plaka.

Isinulat at ipinapaalam ko ito sa inyo ngayon dahil alam kong ako na talaga ang isusunod ng mga mandarayang politiko at mga drug lords na gusto ring tumaya sa dayaan sa halalan gamit ang sistema ng Smartmatic.

Alam namin ang ginagawa ng mga hinayupak na ito. Tulad ng sinabi ko, hindi ako hihiga ng kabaong hangga’t hindi ko sila bitbit – the foot soldiers and the gang leaders alike. Mark my word!

Para sa Smartmatic: Kung papahintulutan ng Diyos na makuha ninyo ako, ito na ang katapusan ninyo. Hinding-hindi kayo patatawarin ng buong sambayanang Pilipino.

No comments: