Sa isang pahayag ni Newly Appointed Presidential Spokesperson Harry Roque sa programang Manindigan ng TV5, binanatan ng tagapagsalita ng Pangulong Duterte ang mga taga-Liberal party aka "dilawan" na adik sa kapangyarihan at nagbabalak daw na makabalik sa poder ng kapangyarihan.
"Ang problema, hindi talaga maka-move on ang mga dilawan". Hindi sila makapaniwala na talo na sila dahil wala nang tiwala ang taumbayan sa kanila. Kaya ako naniniwala na gagawin nila ang lahat para pabagsakin si Presidente. Bakit? Adik kasi sila sa kapangyarihan. Adik sila sa kabalbalan at ayaw nilang makita na ang Pilipinas ay umunlad." sabi ni Roque.
Pinalitan ni Roque si dating spokesperson Ernesto Abella bilang spokesman ng Presidente noong umpisa ng Nobyembre. Ayon sa Pangulo, napili niya si Roque dahil isa daw itong abogado at maalam sa batas. Isa pa sa nagustuhan ng Pangulo kay Roque ay ang talim ng dila nito. Ipinamalas ni Roque ang talas ng kanyang dila sa isang panayam niya kay PCO Assec. Mocha Uson kung saan sinabi niya na makakatikim ng "hollow blocks at adobe" ang mga kritikong mahilig magbato ng mga walang basehang akusasyon.
Mapapanood ang pakikipagtalastasan at pakikipag-debate ni Spokesperson Roque laban sa mga "dilawan" mamayang 8:30 ng gabi sa programang "Manindigan" sa TV5.
Sang-ayon ba kayo sa sinabi ni Spokesperson Roque tungkol sa ilang miyembro ng Liberal Party o mas kilala sa tawag na "dilawan"? Excited na ba kayo na mabutata ng ganito ang mga bayarang media? Share niyo ito kung oo ang sagot niyo.
Source: News5
http://www.citizenexpress.today/2017/11/dilawan-binanatan-ni-spox-roque-mga.html

No comments:
Post a Comment