Featured Post

MABUHAY PRRD!

Friday, March 4, 2016

Ang Hagupit ng Bagyong Yolanda

Residents walk on a road littered with debris after Super Typhoon Haiyan battered Tacloban city in central Philippines
Noong ika – pito ng buwan ng Nobyembre ng taong 2013, ang Republika ng Pilipinas ay nakaranas ng hagupit ng isang malakas na bagyo na may pangalang local na “Yolanda” at pangalang internasyonal na “Haiyan”. Humagupit ito sa iilang kapuluan ng Kabisayaan na nag-iwan ng Kalunos-lunos na trahedya tulad ng pagkasira ng mga impraestruktura, at buhay ng mga kababayan nating Bisaya. Ang lawak ng bagyong ito ay sinakop ang buong Pilipinas. May lakas ito ng halos ika-anim na uri ng Hurricane ayon sa mga Amerikano at ito na ang pinakamalakas na bagyo na naitala sa buong kasaysayan ng mundo.
Dahil sa hagupit ng Bagyong Yolanda, nakaranas tayo ng Pambansang kalamidad. Marami ang nagdusa. Nakita ito ng buong mundo kaya ang mga iba’t ibang bansa at organisasyong pandaigdigan ay sumugod para tumulong. Nakatanggap tayo ng napakaraming tulong mula sa kanila sa anumang paraan. Pero, ang iilan sa kanila ay pilit inilalayo nila mula sa pamahalaan ang tulong na para sa mga nasalanta. Bakit? Kasi sa irresponsabilidad ng pambansang pamahalaan na rumesponde sa mga nasalanta nang agaran tulad ng pag-responde nang agaran ng ibang dayuhang pamahalaan sa panahon ng kalamidad. Pilit na isinisisi nito ng pambansang pamahalaan sa mahihirap, mahihina at nasalantang lokal na pamahalaan ng mga lugar na binagyo samantalang sira na ang buong sakop ng mga ito. May kakulangan din ang mga ito sa mga equipment na makakatulong sa pagkuha ng mga nakakalat na labi ng mga namatay sa bagyo at sa mga nakaharang nan a kalat sa mga kalsada na magagamit sana sa paghatid ng mga tulong sa mga nasalanta.
Ang hindi naiintindihan ng pamahalaang pambansa ay walang malakas na awtonomiya ang mga lokal na pamahalaan kaya mahihirap at mahihina lamang ang mga ito. Nasalanta rin ang lokal na pamahalaan at sila pa ang humihihingi ng tulong mula sa pambansang pamahalaan. Hindi rin makacommunicate ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pambansang pamahalaan tungkol sa mga tulong na kailangan nila dahil nawalan din ng linya ng komunikasyon sa mga nasalantang lugar ng iilang araw. Dapat kasi, rumesponde na agad ang pambansang pamahalaan kahit nung hindi pa binabagyo ang mga lugar na binagyo at nagpadala na ng kakailanganing tulong para hindi na sana masyado naghirap ang mga lokal na pamahalaan at ang mga taong sakop nito. Tsaka, kung meron lang ding sapat na awtonomiya ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Region-based decentralization edi sana, nakapaghanda na rin ng maayos ang mga ito sa una pa lamang. Mabilis din dapat na rumesponde ang pamahalaang pambansa at naipadala na dapat ang ikalawang sapat na supplies at generator sa mga lokal na pamahalaan lalung-lalo na sa mga ospital. Matuto rin sana tayo sa mga naunang kalamidad doon sa bansang Hapon at Amerika sa kung paano sila rumesponde pagkatapos ang kalamidad, buti pa doon organisado ang pagresponde. Hindi din dapat puro sisihan na lamang sa mga lokal na pamahalaan ang mabagal na pagresponde ng mga ito dahil sa nasalanta rin ito ng bagyo at dahil responsibilidad na rin ng pambansang pamahalaan ang pamamahagi ng tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo.
Nakita rin natin na may kawalan din ng seguridad ang pagpapadala ng tulong sa mga binagyong lugar kaya muntikan na rin itong sugurin ng mga rebeldeng komunista at iilan pang armadong grupo na papabalita sa telebisyon. Nagkaroon pa ng kaguluhan sa mga iilang lugar tulad ng Tacloban na parang walang namumuno doon. Dahil na rin ito sa nasalanta ang lokal na pamahalaan na bahagyang nagdulot ng pansamantalang pagkaparalisado nito. Dapat ding kasi, nagpadala na rin ng maraming sundalo at karagdagang pulis sa mga lugar na binagyo para mapanatili ang kaayusan doon nang agaran kahit nung unang araw pa lamang pagkatapos masalanta ng bagyo ang mga lugar na iyon.
Karapat-dapat na ituring nating Pambansang Kalamidad ito dahil sa laki ng epekto na iniwan ng bagyong ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakabangon ang mga nasalanta at karamihan sa kanila ay nag-evacuate na sa ibang lugar dahil sa kalunos-lunos na iniwan ng bagyong Yolanda doon. Mas mapapabilis din ang pagbangon ng mga lugar na nasalanta kung walang mga pang-ekonomiyang paghihigpit sa pagmamay-ari ng negosyo na nakasaad sa saligang batas dahil ang mga Lokal na namumuhunan ay hindi sapat dahil sa napakalaking pagkaluray at pagkawala ng impraestraktura na nagreresulta mula sa mamamatay-bagyong ito. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga tulong mula sa iba’t ibang bansa at sa ngalan ng aking mga kababayan, ako’y lubos na nagpapasalamat sa mga tulong na iyon.
* * * *
Kung nais niyo pong malaman kung anu-ano nga ba ang ginawa dapat ng Pangulo ng Pilipinas matapos tumama ang bagyo, basahin na lang po ito.
* * * *
CharlesBaynas-corbata
Si Charles Judiel Baynas ay isang mag-aaral ng ika-apat na taon sa  paaralang sekundarya taong 2013-2014 sa Greenland Academy, Cainta, Rizal na sa murang edad ay may interes at kaalaman sa mga bagay na may kinalaman sa araling ekonomika, agham pampulitika, kasaysayang pandaigdigan at kasaysayang Pilipino. Siya ay isang aktibong kasapi ng Kilusang CoRRECT™ at naitalaga bilang isa sa mga taga-organisa ng Youth wing ng nasabing kilusan.

Bilang anak ng isang OFW, namulat siya sa kahirapan na nararanasan sa Bansang Pilipinas dahil sa kakulangan ng trabaho sa loob ng bansa na siyang dahilan ng kaniyang pansamatalang pagkawalay sa kanyang ina na nagtratrabaho sa ibang bansa bilang O.R. Nurse. May hangad siya na magbago ang paraan ng pamamalakad sa Pilipinas para sa ikauunlad ng bansa. Siya ay isang Federalistang Pilipino.

No comments: