Featured Post

MABUHAY PRRD!

Friday, April 19, 2019

INSIDE MAMASAPANO


By Mark Lopez

Peeps, bibigyan ko kayo ng MATINDING revelation dun sa Mamasapano tragedy-

Nangyari ang Mamasapano incident January 25, 2015 LINGGO.

Lumusob ang SAF regiment sa kuta nung suspected Indonesian terrorist na si Marwan ng mga bandang 4 ng Madaling Araw nung Linggo na yun. Natapos ang actual operasyon na pag neutralize kay Marwan bago sumikat ang araw. Para may ebidensya, pinutol lang ang daliri ni Marwan pero iniwan na ang kanyang bangkay.

Eto ngayon ang problema - yung pag exit na ng SAF dun sa Mamasapano. Nakatunog na ang pwersa ng MILF at BIFF na nagkaron ng operasyon sa Mamasapano. Panahon ito na may ceasefire at kasalukuyang peace talks.

Dahil walang actual na coordination ang SAF sa Military, sa utos na din ni Purisima, ang natural o automatic response ng MILF/BIFF ay mga militar ang lumusob at sinira ang usapang ceasefire.

Kaya walang pasubaling umatake ang MILF/BIFF at dahil mas kabisado nila ang terrain at geography ng Mamasapano, madali lang sa kanila na makabuo ng pwersa para palibutan ang SAF regiment.

Bandang mga 6 ng umaga ng January 25, nag escalate na ang bakbakan ng SAF at MILF/BIFF. Dito na din nag umpisa humingi ng saklolo ang SAF pero nabigo sila dahil sa kapalpakan ng CHAIN OF COMMAND.

ETO NA ANG MATINDE -

Alas syete ng umaga nag hahanda na sina NOYNOY, MAR, GAZMIN from Manila papuntang Zamboanga.

Ano ang tunay na pakay nila?

KAYA SILA PUMUNTA NG ZAMBOANGA DAHIL BINALITA NA NI PURISIMA KAY NOYNOY NA NATIMBOG NA SI MARWAN, AT NAGHAHANDA NA SINA NOYNOY AT MAR MANG EPAL AT MAG PRESSCON PARA SA MAJOR ANNOUNCEMENT NA NAPATAY NA NG GOVERNMENT FORCES SI MARWAN AT ITO AY ISANG MALAKING TAGUMPAY SA ANTI-TERRORISM Campaign ng AQUINO ADMINISTRATION. ITO DIN AY PAMPA BOOST SA NAPIPINTONG KANDIDATURA NI MAR ROXAS PARA SA 2016 ELECTION.

At yan ang tunay na dahilan bakit sila nasa Zamboanga. Magpapa bibo at mag bibida sana.

In short, mamumulitika.

Pero nung dumating sila sa Zamboanga, yun na din yung oras na naging maigting na ang labanan sa Mamasapano.

Biglang nasira ang diskarte ni Noynoy at Mar, at yun sanang triumphant press conference eh biglang command conference. At pinagtakpan din nila at ang nilabas na official reason bakit sila andun sa Zamboanga ay to inspect the rehab efforts dun sa nangyaring Zamboanga siege kuno, at bisitahin din yung mga biktima nung bombing na nangyari the day before the Mamasapano incursion (thank you Ron Manongsong)

At dito na nagkalaglagan at nag umpisa ang sisihan.

Ito po yung kinekwento din mismo ni PRRD na nakita nya na tayo ng tayo sina Noynoy at Mar at palipat lipat ng kwarto - dahil nga sa walang proper coordination ang PNP sa AFP at si Noynoy at Purisima lang ang may alam ng Oplan Exodus kaya nagkakagulo na sila dun.

Umabot ng maghapon ng Linggo na yun ang firefight at natapos ito ng bandang 5 ng hapon kung saan 60 ang napatay, at 44 nga dun ay miembro ng SAF.

Sa maghapon na yun na nagbabakbakan at habang nag huhugas kamay ang chain of command, may mga crucial moments na kailangan na kailangan ng decisive leadership pero bigo dahil ang nanaig ay incompetence at greed.

Bakit?

Sa kalagitnaan ng bakbakan nung bago magtanghali ng January 25, may order na “stand down” ang military.

Eto ang most likely plausible reason kung bakit hindi umayuda ang AFP dahil sa “stand down” order ng Commander-In-Chief Noynoy - mas pinakinggan nya at sinunod ang advice ng kanyang peace panel at consultants na huwag magpadala ng AFP reinforcement dahil masisira ang kanilang plano sa peace talks at pati yung Nobel Peace Prize ni Noynoy ay maapektuhan.

Di bale na mamatay ang mga SAF officers, at mas mahalaga ang image ni Noynoy lalu na para kay Uncle Sam and yung kanyang War on Terror, at ang ambisyon ni Mar.

Hindi rin alam ni Mar Roxas ang gagawin dahil nga sinikreto sa kanya ang “Exodus.” Ang alam lang ni Roxas ay mag ready na sa mga camera at mga reporters para sa announcement ng capture ni Marwan. When all hell broke loose, malinaw na si Mar Roxas eh decoration lang sa eksena.

Ang pinaka matinde eh alam na ni Mar na matinding krisis na ito pagdating ng Lunes, January 26.

Pero imbes na tumindig at ibulgar ang kapalpakan na nag buwis ng mga buhay, mas pinili ni Mar ang maging parte ng cover up khit na sya mismo ay ginago. Kasi nga mas importante sa kanya ang kanyang ambisyon kesa sa katarungan at malasakit sa mga sundalo, kapulisan at taumbayan.

At ang pinakamasaklap? Para protektahan ang sarili, gumawa ng pailalim na hakbang si Mar Roxas para madiin si Noynoy at mawala sa kanya ang atensyon at masidhing galit ang taumbayan. Naalala nyo ang #NasaanAngPangulo campaign na in expose ni RJ Nieto aka Thinking Pinoy? Yes, pakana yan ni Mar Roxas sa tulong nina Lacierda at Valte, at yung Joyce Ramirez para protektahan si Mar sa pamamagitan ng pagbaling ng atensyon kay Noynoy. Matinding PR smokescreen tactic yan.

At alam na natin ang mga kasunod na mga istorya at pano pa pinalala ni Noynoy at Mar ang trahedya by their subsequent handling sa SAF 44 heroes.

Yan ang mga ganap sa Mamasapano na nagpapatunay kung gano kawalang puso at malasakit ang gobyerno ni Noynoy.

Ganyan ka ganid at ka palpak ang Daang Matuwid at Dilawan.

No comments: