Featured Post

MABUHAY PRRD!

Friday, February 24, 2017

BREAKING NEWS: HEARING PARA TANGGALIN PAGKA SENADOR SI TRILLANES AT DE LIMA GAGAWIN NGAYON ARAW!!


Naniniwala ang ilang senador na hindi dapat kunsintehin ang mga inasal o ipinakita nina Sen. Leila de Lima at Sen. Antonio Trillanes IV sa nagdaang pagdinig kaugnay sa umano extrajudicial killings sa Davao City noong si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang alkalde ng lungsod.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, maaring maharap sa kaparusahan tulad ng pagpapatalsik sa Senado sina De Lima at Trillanes dahil sa mga ginawa ng dalawa sa nasabing pagdinig.

Ito ay may kaugnayan sa mga binitiwang pahayag o unparliamentary acts nina Trillanes at De Lima sa huling bahagi ng pagdinig kung kailan nagkakainitan na ang ilang mga senador nang akusahan ni Gordon si De Lima ng material concealment dahil hindi nito sinabi na may kasong kidnapping pala ang witness na si Edgar Matobato at ang pagbaliktad ni SPO3 Arthuro Lascanas.

Bigla na lang nawala sa Senado si Matobato at Lascanas, at inako naman ni Trillanes na siya ang nagpaalis ng maaga sa testigo para na rin sa kaligtasan nito.

Ani Gordon, unparliamentary ang ginawa ng dalawa na pagbibitiw ng mga hindi magandang pahayag sa labas at loob ng session hall, at ang pagsasalita ng hindi maganda tungkol sa komite.

http://www.pinoytribune.com/2017/02/breaking-news-hearing-para-tanggalin.html

No comments: